03

454 19 1
                                    

Minty's (pov)


Sunday..



Just like what i've said, maaga akong nagising at mabilis na nagshower. Kahit nasa bahay lang ako ay hindi ko nakakalimutan ang maligo dahil feeling ko kapag hindi ako nakakaligo ay ang baho ko, choss.


At syempre super happy ako dahil ito ang araw para sa sarili ko, wala akong ibang gagawin kundi ang magbasa ng mga books na binili ko last time. Mamaya nga rin pala ay pupunta ako sa grocery store para mamili ng mga needs ko dito sa bahay dahil nauubusan narin ako ng stocks and lalo na sa pagkain.



I order sometimes but usually i cooked for myself, nung bata pa kasi ako is mahilig akong panoorin si mommy na nagluluto and it becomes my hobby now. Siguro if hindi ako ceo gugustuhin kong maging chef but i think business is where i meant to be talaga.



Nang dahil sa good mood ako ay pati kotse ko ay nalinis ko ngayong araw and this is the first time that i clean it personally, lagi ko kasing pinapalinis 'yon sa guy na neighbor ko rito.


Nagyaya pa nga kanina sina Aeri na magpunta raw kami sa bar para uminom but i declined them, alam naman nilang first day ko sa trabaho bukas e. Anong gusto nila maging sabog ako pag pumasok? that's such an embarrassment.


Kumakain ako ngayon habang nag-sscroll sa twitter kung saan ito ang lagi kong ginagamit na app dahil dito ako nakikichismis at para malaman ko agad kung meron bang rumor about sa'kin, but i didn't do anything so i'm expecting na wala akong makikita rito about sa 'kin


nakabasa rin ako nang ilang hate comments sa article ko na ibinalita ng anonymous person kung saan naging ceo ako, as if i care sa mga pinagsasabi nila tungkol sa'kin tsk!



Tinapos ko agad ang pagkain ko at ako rin ang naghugas ng pinagkainan ko 'saka dumiretso sa kwarto ko para mag-ayos at ngayon na'ko mag g-grocery.


I wore plain t-shirt at pinatungan ito ng plaid shirt, bigla kong naalala ang nangyari kahapon kung saan pinahiram ko sakaniya ang plaid shirt ko. How come i gave that easily?! Kahit nga sa kanila Aeri ay hindi ko 'yon mapahiram bakit sakaniya ang bilis kong nabigay? shit, i should've let her walk alone with a stain on her pants!



bakit ko ba iniisip 'yon? erase.






Matapos kong makapag-ayos ay bumaba na ako at sinusian ang bahay ko bago tumungo sa parking space, sumakay ako at mabilis na pinatakbo ang kotse.


Nang nasa store na ako ay inuna kong puntahan ang hilera ng mga meat and pork, sunod kong nilapitan ang sa mga fresh veggie na nakabalot pa, kahit may pagka-mapili ako sa food ay kumakain parin ako ng buhay, because mom said pampahaba raw ito ng gulay.



Ilang minuto rin akong nag-ikot at napunta sa corner ng mga drinks and juices, kung anong maisipan kong kunin ay tinatapon ko lang sa basket na tinutulak ko. Hindi ako mahilig sa chips and snacks kaya nilampasan ko ito at napunta naman ako sa mga soap at kumuha narin ako no'n pati shampoo.




Nahagip ng mga mata ko ang freezer kung saan nakalagay ang ice cream, nilapitan ko 'yon at kumuha ng tatlong malalaki at different flavors, pero ang pinaka paborito ko talaga ay double dutch, i also get five magnum ice cream at itatambak ko lang sa ref sa bahay.



Lumapit na ako sa counter at kaagad na nilabas ang credit card, nakatayo lang ako do'n habang naghihintay sa pila. Sana pala inagahan ko ang pamimili kung gan'to karami ang tao ngayon dito



Her Unwanted SecretaryWhere stories live. Discover now