Chapter Two

12.6K 518 131
                                    






-


Chapter Two


A year ago.


Fun Run.


Parang ganyan lagi ung eksena t'wing pupunta kami ni Denver sa canteen. Nakakasawa pero masaya naman, atleast may exercise kami t'wing umaga. Tumingin ako sa likod ko at napangisi, ang dami nila. Ang dami nilang humahabol samin.


Mas lalo ko pang binilsan ung takbo, "Dens, tingin sa likod." Aniya ko sa lalaking kanina pa tawa ng tawa. Tumingin siya sa likod at ngumisi din.


"Lakas talaga." Sabi niya saka kami dumeretso sa field, hindi ko alam kung paano nagagawang humabol ng mga babaeng to. Oo, mga babae sila. Tons of girls, ganun talaga pag gwapo. Hinahabol habol pero syempre papa humble pa ng konti. Medyo gwapo lang pala.


Nagkaron kami ng ganto dahil sa kaklase kong mula elementary na si Pearl, isa siyang cuddly na babae. Sobrang cuddly niyang pwede na siyang gawing unan. Nalaman ko na lang na may gusto siya sakin nung grade 6 kami, inaya niya ko na mag date nung february 14, may handaan daw kasi sa bahay nila pero mas mahal ko si Ate kaya sabi ko sakanya,


"Strict ang ate ko."


Pero hindi ko naman naisip na magtutuloy tuloy parin pala ung pangarap na futur ni Pearl na cuddly para saming dalawa. Kaya siguro bumuo siya ng fans club namin ni Denver na siya mismo ang fonder at president. Siya ung nag recruit, siya lahat. Napaka galing nga naman ni Pearl na cuddly, ipinagalan niya sa Fans Club kuno namin na,


'Dynamic Duo'


Lagi kasi kaming magkasama ni Denver, siguro kasi bestfriend ko siya. Malamang sa malamang lagi kaming magkasama, bata pa lang kami buhol na bituka naming dalawa kaya napaka imposibleng mapaghiwalay pa kami ng kumag na to.


Hindi ko alam kung naging routine na namin to, na kada makikita kami ng Fans Club kuno namin eh tatakbo kami. Hindi naman sa iniiwasan namin sila pero kasi, hindi masaya. Nakakatakot sila, para nila kaming kakainin ng buhay. Kaya hangga't maaari, iniiwasan naming mangyari yon.


Tumingin ulit ako sa likod at ayun na nga, ang dami parin nila. "Ang bibilis." Sabi ko habang natakbo ng mas mabilis. Ang weird lang, siguro sanay na sanay na sila sa pagtakbo kaya nahasa na ung mga binti nila sa katatakbo.


Narinig kong tumawa si Denver at lumingon din sa likod, "Shet, napapagod na ko." Napa ngisi ako at muling tinignan sila Pearl na Cuddly.


"Tol, dating gawi dun ka sa kabila ako-Woaah!!!" Ramdam na ramdam ko pa ung bilis ng tibok ng puso ko habang gulat na gulat na nakatingin sa duwendeng nasa harap ko. Bigla na lang may sumulpot na duwende buti na lang mabilis ung reflexes ko kundi nadaganan ko to.


Napatigil ako habang hindi parin mag sink - in sa utak ko na napatigil ako sa pagtakbo ng duwendeng to. Ang lakas ng loob na humarang sa dinadaanan ko, eh pano pag natamaan ko to?! Masaya namang pumunta si Denver sa likod ni Vanilla.

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon