Chapter Thiry - Eight

1.3K 64 59
                                    




Chapter Thirty – Eight:


Hindi ko alam kung ilang minuto o oras na kong nakatitig sa kisame ng kwarto ko. Hindi ko alam kung nakailang buntong hininga na ko. Kanina pa ko gising pero hindi pa ko bumabangon. Hindi ko alam kung lalabas ba ko ng kwarto ko o ano.


Kasi naman, nandito ngayon yung boyfriend ni Ate na mala-Jackie Chan. Naglalandian sila sa labas at hindi ko alam kung masusuka ba ko o titiisin ko na lang. Hay. Masaya ako para kay Ate pero hindi ko alam bakit iba pakiramdam ko sa mga mangyayari kapag tumagal sila. Masyadong...masyadong kakaiba.


Nagpakawala ako ng malalim na buntong hininga bago napag desisyunang lumabas. Bahala na nga. Naabutan kong nagluluto si Nathan habang si Ate naman ay pinanunuod sya. Parehas sila napatingin sakin, tinaasan ko naman sila ng kilay.


"Maglandian lang kayo ng maglandian. Isipin nyo na lang na wala ako dito." Sabi ko saka umup sa sofa at binuksan yung TV.


"Goodmorning, Gi! Parang ang pangit ata ng gising mo ngayon?" Natatawang tanong ni Ate. Naramdaman ko namang nakatingin din yung boyfriend ni ate sakin.


Nagkibit-balikat lang ako, "Hindi lang ako sanay na may ibang tao dito sa bahay..." Saka ko sinulyapan si Jackie Chan pero wala namang pagbabago sa reaksyon nya. Ganon parin, malamig at poker face.


Bahagyang natawa si Ate, "Ano ka ba naman! Hindi naman ibang tao si Lemuel saka kuya mo sya!" LUH? Okay ka lang ba dyan, ate? Ngumiwi ako habang nakatingin sa kanya, "Gusto mo papuntahin ko si Vanilla?" Mabilis akong umiling.


"Hindi na. Punta na lang ako mamaya kila Dexter baka maki sleep over na lang din ako." Tumango tango naman si Ate.


"Do you want something?" Bigla naman akong kinilabutan ng marinig ko yung malamig na boses niya. Napatingin ako sa kanya at nagulat ako ng sakin pala sa nakatingin, bahagya ko pang tinuro ang sarili ko. Ako ba kausap nya?


Tumango naman sya at tinigalid ang ulo na parang binabasa ako, "H-Hindi na. Kung ano na lang kainin nyo yun na din sakin." Tumango naman sya at nagpatuloy sa pagluluto.


Natapos kaming kumain at naghahanda na din si Ate papasok, naiwan kaming dalawa ni Nathan. Gusto ko syang tawaging 'Kuya' pero parang hindi bagay sa kanya. Napatingin ako sa kanya na kasalukuyang nasa may terrace. Nakapamulsa sya at pinagmamasdan yung paligid.


Tumayo ako at lumapit sa kanya, naramdaman nya siguro yung paglapit ko dahil sandalin bumaling yung mukha nya sa pwesto ko pero agad din naman nyang binawi at tinignan ulit ang paligid. Huminga ako ng malalim, "Wag mo sasaktan si Ate ha." Sabi ko saka sya sinulyapan.


Halos tumagal ng minuto bago sya sumagot, "I will never hurt her." Tumago ako, mabuti ng malinaw. "But..." Agad akong napatingin sa kanya.


Wow. May second thoughts? Suntukin ko kaya 'to?


Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon