Chapter Eighteen

6.1K 258 19
                                    






--

Chapter Eighteen


Nandito kami sa locker room, nagpapalit kami ng pang P.E. magkakaron kasi ng activity sa court sabi ni Coach. Kung hindi yan basketball malamang sa malamang patintero o kaya tamaang tao pero pwede ring volleyball sa mga babae.


"Gi, maglalaro ka ba?" Napatingin ako kay Matt na nakatingin sakin. Napataas yung kilay ko, sinasabi nito?


"Malamang." Sabi ko saka nangingising umiling.


Napatigil naman si Dens sa pag - aayos ng gamit niya saka tumingin sakin, "Tol, hindi ka pwedeng maglaro." Sabi niya sakin.


Napatingin na rin sila Kirk sakin, kami na lang yung natitira sa loob kaya medyo okay lang na pag-usapan yung gusto nilang pag-usapan. Alam ko naman yung sinasabi nila pero hindi naman makakaapekto yung paglalaro ko sa sakit ko. Tss.


"Oo nga, Gino. Pwede namang next time ka na lang maglaro eh." Sabi ni Kirk saka lumapit sakin.


Umiling ako, "Easy lang kayo, maglalaro ako. Okay lang ako, ano ba naman kayo."


"Pero pre, mas maigi na din yung sigurado kaya  mas magandang mag pahinga ka muna." Napatingin ako kay Jako habang nakatingin din siya sakin.


Ayoko ng ganto, hindi ko gusto kapag pinipigilan ako sa mga bagay na gusto kong gawin lalo na sa mga bagay na nakasanayan ko na.


"Jako, maglalaro ako." Tumingin ako sa kanilang lahat, "Malalaro ako." Seryoso ako.


Napabuntong hininga si Dens, "Gino, makinig ka muna samin. Iniisip lang namin yung kalagayan mo. Para ka namang tanga eh."


"Dens, alam kong alam mo na hindi mo ko mapipigilan sa gantong mga bagay. Kilala mo ko kaya wag mo na kong pilitin sa ayaw kong gawin. Kayang kong kontrolin sarili ko."


Matagal bago siya sumagot, "Tol, hindi talaga. Alam kong hindi kita mapipigilan pero baka naman magbago pa yang isip mo. Kahit ngayon lang, Gino. Wag ka namang makulit."


Umiling ako.


"Tss. Bahala ka nga sa buhay mo." Inaayos niya yung gamit niya saka lumabas ng locker room.


Napangisi ako, "Hindi niyo ko mapipigilan sa mga bagay na gusto kong gawin." Sabi ko kila Matt. Tumango tango naman sila saka sumunod kay Dens.


Napatingin naman ako kay Sam ng bigla niyang tinapik balikat ko, "Sang ayon ako kay Dens, Gino. Pero gaya nga ng sabi mo hindi ka namin mapipigilan. Kaya uminom ka na lang nito, napaka arte mo eh." Tumawa siya saka nilabas yung gamot ko. "Dahan - dahan lang sa paglalaro tol."

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon