Chapter Seven

6.9K 295 17
                                    








Chapter Seven


Hindi ko alam kung paano ko nakayanan yung dalawang buwan na may nakabuntot saking duwende. Isipin ko pa lang sumasakit na ulo ko pero wala na naman akong magagawa, tiisin na lang. Magsasawa din yan.


"Hi Labs!" Dumamba na naman siya sakin ng yakap habang hugis puso na naman ung mga mata niya. Pilit akong ngumiti saka tinanggal ung braso niya sa may leeg ko.


"Namiss mo ko?" Sabi niya ng naka nguso.


Ngumiti ulit ako ng pilit saka umiling. "Bakit kita mamimiss?" Malambing kong tanong.


Suminghap siya at tumingin sakin, "Kasi girlfriend mo ko, dapat pag namiss kita—mamimiss mo rin ako! Our feelings should always be mutual! Now .. namiss mo ba ko?"


Seriously?


Natawa ako pero parang ang plastic kasi hindi naman ako natutuwa sa mga nangyayari ngayon. Tinignan ko siya saka tinapik ung balikat niya, "Tigilan mo nga ako sa mga ganyan mo, Duwends." Ngumuso siya saka ipinulupot ung kamay niya sa braso ko.


"Bakit hindi ka pa nagiging sweet sakin, Labs?" Tanong niya habang naglalakad kami sa corridor. Hindi ko nga alam kung paano ko pa to natitiis kasama eh. Nasaan ba si Denver pag kailangan?


"Bakit kailangan ba?"


Umiling siya, "Pero kasi diba? Girlfriend mo ko, boyfriend kita. Alam mo yon? Public display of Affection? Kahit kiss sa cheeks?" Sabay turo niya sa pisngi niya.


Napangiwi ako, "Ang bata pa natin para sa ganyan. Tumigil ka ngang babae ka, mag – aral ka muna." Aniya ko saka deretsong naglakad, iniwan ko na siya. Bahala siya don, naiirita na ko sa kanya.


Narinig ko namang humagikgik siya pati narin yung mga yabag ng paa niya pero bago pa ko makalingon, dumamba na siya sa likod ko.


"Ow!" Reklamo ko ng pinigilan ko yung pagbagsak niya. "Ano ba naman Vanilla?!" Sigaw ko pero tumatawa lang siya. Ahh!! Mga babae talaga! Naka piggy back ride tuloy siya sakin, napaka galing talaga gumawa ng eksena nito eh. Yamot.


"Ang cute natin Labs! Omg! Kinikilig ako!" Sabi niya saka tinago yung mukha niya sa balikat ko. Napa kagat ako ng labi sa kahihiyan. Buti na lang pala wala sila Denver, baka paulanin na naman ako ng pang aasar nung mga kumag na yon.


"Ang harot mo."


Naramdaman ko ung pag ngiti niya sabay bulong sa tenga ko, "Sayo lang naman ako ganto." Napatigil ako saglit sa sinabi niya, normal na naman sakin masabihan ng ganon lalo na siya pero parang may iba kasi akong naramdaman. Ewan ko pero biglang may hindi normal sakin.

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon