Chapter Twenty - Eight

5.8K 242 67
                                    




--

Chapter Twenty – Eight :


Naglakad na ko palabas ng simbahan, kakatapos lang kasi ng practice namin sa choir. Kasali din si Ate dito, pero bihira lang kaming dalawa magkasabay. Minsan kasi wala ako, pero mas madalas na wala siya. Isa din kasi ako sa mga tumutugtog.


Kinuha ko yung cellphone ko para iteks si Ate at sabihing kila Dens muna ako, nag – aya kasi yung kumag na mag Xbox kaming dalawa kasi wala siyang kasama sa bahay. Napatigil naman ako sa paglalakad ng may biglang humarang na duwende sa harap ko.


Kailan kaya ako tatantanan nito?


"Hello my Labs, so sweet!!" Nakangiti niyang sambit habang naka ngiti din yung mga mata niya.


Tinaasan ko siya ng kilay, "Anong ginagawa mo dito?"


"Ahmm, pupuntahan ka?" Para napaka inosente niya sa sinabi niya. Alam niyo yon? Yung parang wala siyang planong bumuntot sakin sa mga pinagsasabi niya. Kahit alam na alam naman nating ganon talaga yung gagawin niya. Tss.


"At bakit?"


Ngumiti siya ng mas malawak saka niyakap yung braso ko, napangiwi ako sa ginawa niya. Tsk. Kahit kailan talaga to oo! "Kasi Labs, ganito yan. Pero promise mo muna, hindi ka magseselos ha? Promise ka muna!!" Aniya saka ako tinignan ng deretso, kumikinang kinang parin yung mga mata niya habang nakatingin sakin.


Napataas ako ng kilay. Piangsasabi nito? "Bakit naman ako magseselos?" Tamad kong tanong, minsan talaga tatamarin ka na lang kausapin tong isang to eh. Wala na ata siyang sinabing maganda sa pandinig ko.


Pumungay yung mga mata niya, "Eh kasi Labs, hindi muna ako makakabisita sayo. Magiging busy kasi ako sa school. Eh diba nga hindi naman ako pinayagan ni Maam na mag stop na lang bigla kasi student council ako saka kasama din ako sa mga honor? Kaya ayon, may activities kami na dapat gawin." Ngumiti siya sakin.


Oh eh, pakielam ko?


"Oh? Anong kinalaman ko don? At anong kinalaman ng pagseselos kuno kong sinasabi mo?" Tanong ko sa kanya.


Ngumuso siya, "Sungit mo, Labs ha! Wala lang, baka kasi bigla ka na lang magselos kasi maraming aaligid saking schoolmate kong boys saka baka magtampo ka kasi bigla akong mawalan ng time sayo." Pabor nga sakin yon, Duwends eh. Pabor na pabor.


Nako, malapit na kong magpaparty sa mga pinagsasabi niya.


"Edi bahala ka. Gusto mo forever ka ng busy eh." Sabi ko. Plano ko siyang inisin pero mas natuwa pa siya sa sinabi ko.


"Ikaw Labs ha! Hindi pa nga ako nagiging busy, nagtatampo ka na agad! Ang cute mo! Kaya love na love kita eh!"


Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon