Chapter Fifteen

6K 284 34
                                    





--

Chapter Fifteen


Habang naglalakad kami, hindi maiwang hindi magtanong ni Vanilla,


"Bakit hindi mukhang vitamins yung gamot?" Tanong niya sakin, tumingin ako sa kanya pero deretso lang ang tingin niya sa dinadaanan namin.


"Kailangan ba mukhang vitamins para masabing vitamins?" Tanong ko pero umiling siya at hinawakan ng mahigpit yung braso ko.


Hindi parin siya natingin sakin, "Ano bang nangyari sayo? Bakit ayaw niyo sabihin? Hindi ko ba pwedeng malaman?" Seryoso siya, wala talagang bahid ng pagka makulit yung mga tanong niya. Hindi ako sumagot, "I take that as a yes." Sabi niya saka lalong humigpit yung kapit niya sakin.


Sorry, Duwends.



Pumunta sila sa bahay kinagabihan, wala parin kasi si Ate. Mas gusto na daw nilang tumambay sa bahay, aantayin din kasi nilang umuwi si Ate—kasi nga crush nila at gusto nilang makikain. Kakapal lang ng mga mukha talaga.


Busy sila sa pagtugtog, ako naman nagsusulat ng mga notes. Wala pa si Dens kasi inantay pa niyang makauwi yung Mama niya bago siya makapunta dito. Maingay yung mga kumag pero masaya naman atleast hindi ako mag – isa sa bahay.


Napatingin ako sa pinto ng may kumatok, baka si Dens na yon. Tinignan ko yung mga kaibigan ko, pinakiramdaman ko kung sino yung mahihiya at magbubukas ng pinto pero ano nga bang inaasahan ko? Makakapal nga mukha nitong mga to kaya wala talaga.


Naiiling akong pumunta sa pinto para buksan, "Dens." Bati ko, nag fist bump kami. Mauuna na sana akong umupo ng pigilan niya ko. "Bakit?"


"Uhh, may kasama pala ako tol." Napagtaas yung kilay ko. "Sorry Gino, ayaw kasi niya kong tantanan simula kanina. Sorry talaga." At sa sinabi niyang yon, alam ko na kung sino yung kasama niya.


"Alam na niya?" Tumango siya, sinilip ko yung likod niya pero wala namang tao.


"Nasa baba siya Gino, ayaw na niyang umakyat. Sasaglit lang din naman daw siya kasi walang kasama si Lola Paz." Tumango ako, "Sorry talaga tol. Naawa din kasi ako sa kanya."


Ngumiti ako, "Ayos lang, Dens. Sige na, ako na bahala. Bababa muna ako saglit." Tumango siya saka pumasok sa loob. Bumaba ako ng apartment pero wala naman siya sa baba, tumingin tingin ako sa paligid at nakita ko siya dun sa may malapit na playground samin.


Pumunta ako don, malayo palang nakikita ko na siyang nakaupo sa malaking swing—kung san kasya dalawa hanggang tatlong tao, tahimik yung lugar. Siya nga lang mag – isa don, medyo hindi safe para sa kanya pero maton naman yan. Baka sakanya pa matakot yung mga rapist kung sakali.


Umupo ako sa tabi niya, tahimik lang siya, ni hindi niya nga ako nilingon o binati man lang basta nakaupo lang siya habang nakatingin sa sahig.

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon