Chapter Nine

6.2K 304 30
                                    






--

Chapter Nine


Nakatitig ako sa papel ko, tinitignang mabuti kung may nakalimutan ba kong sagutan o kung tama lahat ng nalagay ko. Kinagat ko yung labi ko, okay na. Pasado na to, perfect na siguro ako. Tinakpan ko yung papel ko saka sumandal sa upuan, tinignan ko yung mga kaklase ko, kalimitan sa kanila nagsasagot pa pero marami na ding tapos na.


Kahit si Dens, dinaan na sa tulog. Kahit kailan talaga to eh. Eto rin ayaw ko kapag may quiz or exam, masyadong tahimik. Yung tipong mabibingi ka na lang sa katahimikan, nakakaumay din yung ganto.


Napatingin ako sa may pinto may bintana sa hallway ng marinig ko ang isang pamilyar na boses, dahil narin air-conditioned tong mga room kailangan laging naka sara yung pinto, kaya may mga salamin na bintana na lang para makita namin yung mga dumadaan sa hallway at para hindi naman kami mag mukhang preso sa loob.


"Tingin mo tapos na kaya sila?" Hindi ko alam kung tahimik talaga sa loob o sadyang maingay lang talaga yung duwendeng yon. "Ehh bakit ba? Inggit ka na naman! Sige next time gagawan din kita!" Napailing na lang ako.


"Oy hi!! Inaantay ko si Gino eh! Oo! Yung boyfriend ko!" Napasinghap ako sa narinig, napatingin sakin yung teacher namin at yung mga kaklase ko. Hindi rin ako nakalampas sa nakangising si Denver, lanya talaga to eh.


Napangiwi ako habang nakatingin sila sakin dahil sa mga oras na yon, alam na nila kung sino yung babaeng maingay sa labas.


"Gino, si Vanilla ba yon?" Tanong ng isa kong kaklase.


"Oo pre, si Vanilla yon!" Masayang sagot ng kumag na si Dens.


Napalingon naman yung iba naming kaklase kay Denver, "Girlfriend na talaga ni Gino si Vanilla?"


"Tol tanga ka? Dalawang buwan na nga sila eh. Tanggapin mo na kasi, basted ka na kay Vanilla. Tunay ang pag - iibigan nilang dalawa kaya wag na kayong umeksena." Nagtawanan silang lahat, ako lang ata yung gustong sumuntok kay Denver.


Tinignan ako ni Denver, ngiting aso si gago. Pasimple akong sumaludo sa kanya gamit yung gitnang daliri ko. Natawa siya, "Okay class, settle down. Are you all done?" Sabi ni Sir Torres, naagaw naman niya yung atensyon ng klase.


"Yes Sir!" Aniya ng mga kaklase ko.


Pinasa na namin yung papel namin, napatingin naman kami sa pinto ng may marinig kaming katok sa pinto. Binuksan nung isa naming kaklase, "Vanilla." Aniya, natulala siya ng makita niya si Vanilla. Luh, itsura naman neto. Isa ata to sa may mga gusto kay Duwends eh!


Ngumiti si Vanilla sa kanya saka naman tumingin saming lahat, "Hi Sir!" Kumaway pa siya sa teacher naming nakangising tumitingin sakin. Wow naman talaga.


"Vanilla, what brings you here?" Natatawang tanong ni Sir, bahagya ring nangingiti yung ilan kong kaklase kasi obvious na obvious naman na ako yung hinahanap ni Duwends.


"Excuse lang po sana kay Gino." Inilibot niya yung paningin niya at sa mga sandaling nagtama ang mga tingin namin alam kong katapusan ko na. Lumawak yung ngiti niya saka kumaway ng bahagya sakin, "Labs!"


Bigla namang nag 'Ayieee' yung mga kaklase ko, sabayan mo pa ng malalakas na palakpak ni Denver. Tumingin ako kay Sir na nakangiti na din ngayon, "You're excused, Mr. Romualdez."


Napabuntong hininga ako at dahan dahang tumayo. Nilagay ko yung mga kamay ko sa magkabilang bulsa saka naglakad papunta sa may pinto, narinig ko pa yung kantsaw ng iilan kong kaklase pero nangibabaw yung sa kupal kong best friend.


"Baka pagbalik niyo tatlo na kayo ha!" Sinamaan ko siya ng tingin at walang pakundangang tumaas ung gitnang daliri ko para sa kanya. Pakyu. Tumawa naman siya ng malakas pati yung iba naming mga kaklase.


Nakita ko na yung mga kumikislap na mata ni Vanilla ng makita niya ko, hinawakan ko siya sa magkabilang balikat saka marahang tinulak para masarado ko yung pinto.


"Anong kailangan mo?" Tanong ko.


Ngumuso siya at umiling, "Wala. Namiss lang kita." Napangiwi ako saka akmang papasok na ulit ng room ng bigla niyang hinawakan yung braso ko, "Eto naman! Grabe ka Labs! Hindi mo ba ko namiss? Diba sabi ko dapat the feelings mutual?"


Tinitigan ko lang siya, ayoko na magsalita baka humaba pa lalo yung usap namin. Ang sama ko pala, bumuntong hininga ako, "Ano bang ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?"


Umiling siya habang nakangiti, "Nag meeting ang mga council's tungkol sa Halloween Party." Tapos may nilabas siya sa bag niyang dalawang parang lunch box na may design na kuneho, yung isa pink tapos yung isa naman color blue. "Pumunta rin ako dito para ibigay sayo to!"


"Ano yan?"


"Lunch box! Baon mo!" Ngumiti siya sakin. "Ako nagluto niyan, sinrapan ko talaga. Dalhin mo yan mamaya sa lunch break ha? Sabay tayon kakain! Antayin ko kayo ni Denver sa canteen!" Nilagay niya sa kamay ko yung lunch box. "Mamaya ha?"


Tumango na lang ako, hinawakan niya ko sa braso saka siya tumingkayad para halikan ako sa pisngi. Hindi na ko nagreklamo, nasanay narin siguro kasi akong hinaharass niya ko kaya hindi bago sakin to.


"Love you!" Nakangiti niyang sambit saka kumaway sakin at tuluyan ng umalis. Nakatingin lang ako sa dinaanan niya hanggang sa mawala siya. Tinignan ko naman yung lunch box na binigay niya sakin saka ako pumasok na sa loob.


Pagkakita ko, ngiting ngiti yung mga kaklase ko pati si Sir habang yung mga tropa ko naman naka ngiting aso habang nakatingin sakin.


"Bebe kiss mo din ako sa cheeks." Sabi ni Kirk kay Dens saka naman hinalikan ni kumag sa pisngi si gago. Nagtawanan yung mga kaklase ko, yung iba naka simangot at yung iba nakikitili. Umiling na lang ako habang naka ngising pumunta kila Dens saka sila binigyan ng isang suntok sa braso.


Inggitero.


--

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon