Chapter Seventeen

6.1K 253 38
                                    





--

Chapter Seventeen


Ilang minuto na din ata lumipas pero nandin parin ako sa CR, naririnig ko na nga yung pagtawag sakin ni Duwends sa labas. Parang konting hampas na lang sa pinto, magigiba na to. Kaya napagdesisyunan ko ng lumabas para sa ikabubuti ng pintuan ng banyo pero hindi para sa ikabubuti ko.


"Bakit ang tagal mo, Labs?" Tinignan ko lang siya saka nilagpasan, hindi kita kakausapin. Bahala ka dyan, maubusan ka ng sasabihin.


Nakita kong napanguso siya ng lagpasan ko siya pero agad din naman siyang sumunod, "Labs, bakit nga ang tagal mo?" Pero hindi ko parin siya pinansin, agad naman siyang pumalakpak na parang may naalala. "Nagpupu ka ba? Sabihin mo na! Wag ka na mahiya, normal lang naman sa tao yung pumupu."


Sinasabi ba nito?


Tinignan ko lang siya habang nakataas yung isang kilay, "Ay grabe ka Labs. Hiyang hiya ka ba talaga? Maiintindihan ko naman. Siguro kaya ka natagalan kasi walang kang pang hugas ano? Sabi ko sayo tawagin mo ko pag may mangyaring hindi maganda. Kung naubusan ka ng tubig dapat sinabi mo sakin kasi--


Kahit pinipigilan kong kumalma, ayaw talaga. Napapikit ako sa mga pinagsasabi niya, bumuntong hininga ako at, "Vanilla!" Napatigil siya at nagtatakang tumingin sakin.


"Oh, bakit?" Nagtataka niyang tanong.


"Ano bang mga pinagsasabi mo?!"


"Yung alin? Yung tungkol sa pagpupu mo?" Napakagat ako sa labi ko, "Hindi mo naman dapat ikahiya yung eh kasi normal naman! Maganda nga yung araw araw pumupupu kasi--"


"Vanilla!"


"Ano na naman ba yon, Labs?" Aba! Siya pa may ganang mairita?!


Napakagat ako sa labi ko, kalma Gino. Kalma. "Hindi. Ko. Ginawa. Yung. Sinasabi. Mo."


"Oh eh? Anong ginawa mo bakit ang tagal mo sa loob?" Tanong niya sakin.


Kasi ayaw kitang kasabay pumasok.

Kasi naiirita ako sayo.

Kasi naririndi na ko sa boses mo.

Kasi ang kulit kulit mo.

Kasi hindi ko matanggap na para akong sanggol sa ginagawa mo.

Kasi ayoko lang talaga!


Kung pwede ko lang yan sabihin sa kanya pero hindi, mabait ako. Kaya hanggang dito na lang yan sa isip ko, kahit nababanas na ko. Kailangan kong pigilan kasi ayaw ni Ate na binabastos ko ang mga babae. Pero talaga namang bukod tangi tong duwendeng to eh.


Mauubos pasensya mo, inis.


"Nag baka sakaling, maiinip ka kahihintay at umalis." Naka ngiti kong sabi habang nakatingin sa kanya. Ang plastic ko, ang bading pero para sa kapakanan ng lahat gagawin ko, wag lang ako makasapak ng tao.

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon