Chapter Fourteen

6.1K 257 18
                                    





--

Chapter Fourteen


Nakalabas na din ako ng hospital matapos kong ma confine. 3 days and 3 nights din akong nandon, buti na lang at Friday ako naadmit kaya hindi namin prinoblema yung pag absent ko. Pero prinoblema ko yung pambayad sa gastos.


Kahit naman hindi nagsasalita si Ate, alam kong nahihirapan siya kakaisip kung paano babayaran yung mga tumulong samin. Kahit alam kong hindi naman naghahanap ng kapalit sila Dens, hind parin naming maiwasang hindi mag alala.


Hindi naman kasi naming pera yung ginastos, alam ko kung gaano kahirap mag ipon ng pera kaya gagawin naming lahat mabayaran lang sila bilang pasasalamat na din.


Lunes na naman, okay na ulit ako. Feeling ko naman tao parin ako, ang problema nga lang bawat oras dapat laging may nakabantay sakin. Ang dami ding gamot, ang daming bawal. Hindi masaya. Pero hindi rin naman kumalat sa school yung tungkol sa sakit ko.


Mapagkakatiwalaan naman yung mga kaibigan ko, kung ano yung nangyari sa hospital—doon na lang yon. Wala namang nakaalam bukod sa mga pumunta sa hospital.


Kahit pala si Duwends, hindi alam. Sabi ko kasi wag na siyang sabihan—baka kasi imbis na gumaling ako lalong lumala yung sakit ko kaka ngawa niya na, 'Bakit ka mamamatay?!' Ganyan. Ganyang ganyan yung sasabihin niya sakin.


O baka mas mauna pa siyang atakihin sa puso kaysa sakin. Hindi naman sa ayaw ko talaga ipaalam sa kanya pero kasi hindi pa siguro ngayon. Hindi ko pa nga matanggap sa sarili kong mamamatay na pala ako eh, paano ko pa sasabihin sa iba diba?


Mas gugustuhin ko ng konti nakakaalam. Ayoko yung tipong kung kalian bilang na mga oras mo saka ka lang mapapansin ng mga taong nakakasama mo. Saka lang nila nararamdaman yung presence mo o saka ka lang nila nakikita talaga kung kalian mawawala ka na.


Ganyan naman ang tao diba? Kapag nalaman nilang may nangyaring masama sayo o di kaya may malubha kang sakit na pwede mong ikamatay, saka lang sila magpapakita ng concern. Saka lang sila lalapit sayo at kakamustahin ka na parang kilalang kilala ka nila. Ang pangit, sobra.


Hindi maganda though nakakatuwa kasi maraming nakaalala sayo kahit mamamatay ka na. pero sige, pustahan pag nawala ka na dito sa napakadayang mundong to, malamang sa malamang sa makalawa o di kaya pagkalipas ng ilang araw, linggo, buwan o taon—hindi ka na nila maaalala. Pangalan na lang yung alam nila sayo, swerte mo na nga lang pag ganon.


Kaya ayoko din na malaman nilang lahat, hindi ko gustong makipag plastikan sa mga taong ni minsan hindi mo naman nakitang nagbigay ng kahit konting interes sayo. Yamot.


"Tol, dala mo ba gamot mo?" Tumingin ako kay Dens saka tumango. "Sige, may dala din ako dito pati sila Kirk para pag nakalimutan mo yung iyo may reserba." Ngumiti siya habang pinapakita yung maliit na plastic box na may lamang mga gamot ko.


"Tanga pwede ka ng personal nurse." Natatawa kong sabi.


Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon