Chapter Thirty

7.2K 287 83
                                    





--

Chapter Thirty :


Minsan naisip ko kung bakit nga ba tayo takot mamatay kung doon din naman ang bagsak natin diba? Sadyang may nauuna lang, sadyang may nahuhuli pero all in all, dun din naman tayong lahat. Pero aaminin ko, natatakot na ko ngayon.


Alam ko na kasing mauuna na ko kaso hindi pa pala ako handa. Pero mas hindi ako handa sa mga nangyayari ngayon. Kasi narealize ko na mayron pa palang mas nakakatakot kaysa sa sakit ko,


"LABS! KAMUSTA KA NA?" Napangiwi ako sa bigla niyang pagdamba ng yakap sakin. "I MISS YOU TOO!" Ngiting ngiti sabi niya habang humuhugis puso na naman yung mga mata.


At yon ay, yung pagtatapos ng masasayang araw ko.


Napangiwi ako sa ginawa niya saka unti – unting tinanggal yung braso niyang nakapulupot sa leeg ko. "Hanep! May I miss you too ka na agad ah?." Sabi ko habang pilit na tinatanggal yung yung braso nya, gaano ba kahigpit yakap nito?


Ngumiti siya ng mas malaki, "Syempre Labs! Diba nga our feelings should always be mutual?" At ayon na naman, nasaksihan ko na naman na kuminang yung mala puso niyang mga mata.


Umiling ako, "Ilang beses ko din bang sasabihin sayo na kahit kailan hindi naging mutual yung feelings natin?" Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis ako sa pagkakayakap niya. Ayos! Ang sarap sa feeling shet.


Ngumuso siya at nag pamewang na tumingin sakin, "Kahit kailan ka talaga Labs! Napaka pakipot mo." Bigla na naman siya ngumiti at lumapit sakin, "Kaya love na love kita eh! Sige na, you make ayos na Labs! Isasama kita sa school dali!"


"Bakit? Ano meron?"


"Foundation week po, Labs. Diba po kaya nga ako naging busy gawa non? Kaya bilang pambawi, isasama na lang kita don at doon tayo magde dateee!! So cute noh? Sige na, dali na. Mag ayos ka na antayin kita dito ha?"


Hindi ko napigilang itago yung excitement ko. Shet. After ilang months, makakapunta na ulit ako sa school, ayos! Nagmamadali akong maligo at mag ayos para makaalis na kami. Okay din naman pa lang natapos na yung ginagawa nila Vanilla, atleast yung kinalabasan eh makakapunta ulit ako sa school.


Nakakatuwa nga naman talaga oo.


Nasa may gate pa lang kami ng school, nakita ko na agad yung mga kumag kong kaibigan at syempre, hindi na naman ako nakatakas sa mga ngiti nila kung saan nagmumukha silang aso.


"DENVER!!" Sigaw ni Vanilla habang kumakaway na may malalaking ngiti. Nginitian naman siya pabalik ng walanya kong best friend pero hindi parin nawawala yung mapanuksong tingin niya sakin. Mukhang tanga eh.


Lumapit kami sa kanila, "Oy Gino! Namiss ka naming lahat ha!" Pambungad ni Kirk ng makalapit kami.

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon