Chapter Forty

1.8K 84 55
                                    


Chapter Forty :


The thing is, I trust people too much. Binabase ko kasi sa mga nakikita ko sa mga mata nila, doon ko kasi nalalaman kung gaano kasincere yung isang tao. Madalas na tama ako pero may mga pagkakataong sadyang pumapalya talaga.


"Hulaan ko," Napatingin sakin ngayon yung Ate kong para pinagsakluban ng langit at lupa. Yung mukhang pang Biyernes Santo kahit Martes pa lang naman. "Hindi ka na naman niya masusundo ano?" Nakangisi pero walang bakas ng tuwa sa mga mukha ko.


Ngumuso lang siya at hindi ako pinansin. Napa ismid ako sa reaksyon niya, sinasabi ko na nga ba! "Alam mo Ate, sabi ko na eh. Sinasabi ko na nga ba, mas maiging dapat si Kuya DJ na lang talaga. Tsk." Naiiling kong sambit.


Kung tutuusin okay din naman si Kuya DJ, unang beses ko syang nakita noong sinundo nya si Ate dito sa bahay. Okay naman, may itsura pero mas pogi pa rin ako. Ayun nga lang, hindi ko alam kung anong meron dito kay Jackie Chan at mas pabor parin ako sa kanya kahit full time yung pagiging gago nya.


Sinamaan niya ko ng tingin at agad akong hinagisan ng unan sa mukha, "Magtigil ka nga, Gino! Busy lang siya kaya hindi niya ko masusundo! Wag ka ngang O.A!" Inis niyang sabi saka siya bumuntong hininga ulit.


Napangiwi na lang ako, "Sinasabi ko sayo Ate, pag lang talaga pinaiyak ka niyang kamag-anak ni Jackie Chan na yan. Mauuna pa talaga yan sakin kahit may sakit ako. Makikita nya." Sinuklay ko yung buhok ko gamit yung mga kamay ko, "Matitikman niya ang bagsik ng isang Romualdez. Tsk tsk."


"Korni mo, tigilan mo ko." Sabi ni Ate na pumasok sa kwarto niya at iniwan ako.


Minsan talaga mga lalaki gago e, inaamin ko naman na ako din gago pero sa mga kalokohan lang, kasi kahit kailan hindi ko gustong makakita ng babaeng nasasaktan kasi naiisip ko lagi si Ate. Ayokong nasasaktan sya kaya bakit ako mananakit diba?


Naalala ko tuloy yung sinabi sakin ni Jackie Chan na kung sasaktan nya si Ate ay may matinding dahilan o ibig sabihin hindi nya sinasadya. Gusto ko man maniwala o panghawakan yung sinabi nya sakin, mayroon paring parte sakin na naiinis sa kanya. Hindi 'to deserve ng ate ko e.


Pinanuod kong umalis yung sasakyan ni Kuya DJ, sya yung sumundo kay Ate ngayon. Actually, sya na nga madalas na sumusundo kay Ate. Napabuntong hininga ako at pumasok na ulit sa loob, nag-iisip ako ng mga posibleng dahilan kung bakit biglang naging ganto ang relasyon nila.


Biglang pumasok sa isip ko yung tungkol sa mga gangsters o mafia na nakwento noon ni Matt. "Hindi kaya..." Agad naman akong umiling. "Hindi, imposible. Masyadong imposible. Tama, tama. Hindi pwede 'yon." Tumango-tango pa ko at saka umupo.


Ano naman kayang gagawin ko ngayong araw?


Busy sila Denver ngayon dahil sa paghahanda sa foundation week. Hay. Walang magawa. Napatigil ako ng may isang taong pumasok sa isip ko. Wala naman sigurong masama kung sa kanila muna ako ngayong araw?


Ngumiti na lang ako atsaka nag-ayos. Dumeretso na lang ako agad sa kanila bitbit yung pagkain na inihanda ko para samin. Pagkadating ko sa kanila, agad akong kumatok sa gate at marahang sinilip yung loob.

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon