Chapter Thirty - Three

6.2K 235 28
                                    





--

Chapter Thirty – Three :


"You must be enjoying your stay there, huh?" Narinig kong sabi ni Denver habang nakatingin sakin.


Napangisi ako, "Hindi naman sa nag – eenjoy. Nagpapamiss lang mga ganon." Sagot ko kahit alam ko namang imposibleng marinig nya ko. Nakatitig siya sa nakapikit kong mga mata.


Tahimik na naman sa kwarto, si Denver yung nagpresintang magbantay sakin. Pumasok kasi ng Stuart's si Ate, sila Ate Ella at Kuya Vince naman ay dumalaw na kanina ay medyo kakaalis lang. Sila Kirk, bumili ng makakain habang si Duwends eh hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo napunta.


"Four months, Gi. Four months ka ng tulog. Ako na napapagod sayo eh." Natatawa nyang sambit pero bakas parin yung lungkot sa boses nya. Napangiti ako, apat na buwan na agad?


"Wow, baby bro. Ang bilis na pala ano? Mag iisang linggo ka pa lang dito eh." Sabi ni Ate Eunice na katabi kong nakatingin sa pond. Tumingin ako sa kanya, "Ano? Gusto mo pa bang umuwi?" Natatawa nyang biro.


Natawa na din ako, nalaman ko na ang isang araw ko pala dito ay katumbas na ng dalawang linggo sa lupa. Ganon kabilis yung time interval na parang kumurap ka lang dito eh, natulog ka na don sa lupa. Ang astig nga eh.


Hindi ko alam na may aastig pa pala sa mga hi-tech na gadget sa lupa. Minsan nga naiisip ko kung wag na lang ako bumalik pero it's really a selfish act. Alam ko namang hindi ko pa oras, kailangan ko lang magbakasyon.


Ha! Funny.


"Nandito na naman kayong dalawa?" Napatingin kami ni Ate kay Papa na nakapamaywang sa likod namin. Ngumiti si Ate at kumaway,


"Hi, Papa! Binabantayan lang namin yung katawan ni Gino saka namimiss ko na si Sabby eh." Sabi ni Ate habang nakanguso at nakatingin sa katawan kong tulog na tulog.


"Minsan talaga nagtataka ako kung sino panganay sating tatlo eh." Natatawa kong sabi habang naiiling. Grabe, itong mga Ate ko parang mas bata pa kumilos kaysa sa akin eh. Mga babae talaga, minsan pabebe. Napangiwi naman ako ng maramdaman ko yung pagbatok sakin ni Ate.


Sakit nun ah?!


"Grabe ka, baby bro! Akala mo naman napaka matured mo na!" Nakangiting sambit ni Ate Eunice saka ako inakbayan.


Narinig naming tumawa si Papa saka umupo sa bench malapit samin, "Kayo talagang dalawa. Hay. Hindi ko naisip na saglit lang tayo magkakasama-sama." Naramdaman ko yung lungkot sa boses ni Papa kaya napalingon ako sa kanya, seryoso syang nakatingin sa pond at may bahid ng lungkot yung mga mata nya.


Narinig ko naman yung pagbuntong hininga ni Ate, "Okay lang yan, Papa. May dahilan naman kung bakit nangyari satin 'to eh." Tumayo si Ate atsaka tumabi kay Papa at niyakap ito sa braso. "Nararamdaman parin naman natin yung pagmamahal nila Sabby eh, diba?" Tinignan nya ko at kinindatan.

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon