Chapter Eleven

6.4K 294 12
                                    





--


Chapter Eleven


Nagising ako dahil sa sobrang bigat ng paghinga ko. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa dibdib ko habang mariing nakapikit yung mga mata ko. Mabibigat at pigil yung paghinga ko, pinagpapawisan ako ng malamig. Pakiramdam ko mamamatay na ko sa sobrang sakit ng dibdib ko.


Hindi ko alam, wala akong idea kung anong nangyayari sakin. Gusto ko lang tumigil yung dibdib ko sa pagsakit. Parang kada susubukan kong gumalaw o huminga, lalo lang siyang sumasakit. Naluluha na ko habang pilit, binubuksan yung bibig ko para magsalita pero walang lumalabas na boses.


Hindi. ako. makahinga.


Parang unti - unti akong pinapatay ng nararamdaman ko. Tngina. Matagal akong pumikit habang pinipilit pakalmahin yung sarili ko, umabot ng hindi ko alam kung ilang minuto yung pagsakit ng dibdib ko pero unti - unting nabawasan yung sakit.


Dumilat ako habang naghahabol ng hininga, nakatingin ako sa kisame. Bawat paghinga ko, sumasakit parin yung dibdib ko pero hindi katulad kanina, mas nako kontrol ko yung kirot.


"Shit." Sabi ko sa sarili ko habang hindi pa mag digest sa isip ko kung ano yung nangyari sakin kanina lang. Bakit nga ba nangyari sakin yon? May problema ba sa katawan ko?


Huminga ako ng malalim saka dahan dahang umupo, nakalagay yung isang kamay sa dibdib ko. Matagal lang akong nakaupo sa kama ko habang nakatulala sa nanginginig kong kamay. "Ano bang nangyayari sakin?" Kung malawak ang imagination ko katulad ni Dens, iisipin kong magiging isang superhero ako kagaya ng mga nasa kwento ni Bob Ong.


Pero hindi eh, kapag magiging superhero ka--posibleng makaramdam ka ng kakaibang lakas pero sa nangyari sakin? Hindi ako magiging superhero kasi unti - unti akong pinapatay ng naramdaman ko kanina.


Napatingin ako sa pinto ng narinig ko yung mga katok ni Ate, "Gi, gising ka na ba?" Saglit akong natigilan, pilit inaayos yung sarili ko at boses ko.


"Gi.. Gising na ako .. Ate!" Kahit nahihirapan nasabi ko naman ng maayos, buti na lang hindi nagtaka si Ate.


"Sige, bumangon ka na. Kakain ka tayo! Baka ma late pa tayo sa school." Narinig ko yung mahinang pagtawa ni Ate. Ang benta ng joke niya sa kanya, kainis. Dahan dahan akong tumayo, pakiramdam ko matutumba ako. Parang hinang hina uyung katawan ko. Lanya, ano ba to!?


Matapos ang ilang paghinga ng malalim, nagawa ko na ding ayusin yung sarili ko. Napag desisyunan ko ding wag nang sabihin kay Ate, baka mag - alala lang yon sakin tapos hindi pa makapasok dahil lang sa may naramdaman akong hindi maganda.


Lumabas ako at nakita kong ngiting ngiti siya sakin habang nagsasandok ng kanin. "Tara na? Kain na tayo!" Napangiti ako, oo nga. Hindi ko na lang sasabihin. Ayokong mawala yung maganda ngiti niya ngayong araw.

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon