Chapter Ten

6.9K 283 35
                                    






--


Chapter Ten


Papunta na kami ni Dens sa canteen, hindi naman matigil sa kakadaldal tong kasama ko. Kanina pa siya salita ng salita tungkol sa ginawang lunch sakin ni Vanilla. Hindi narin namin kasama sila Kirk kasi nagpaiwan na sila kila Aling Baby.


Mas gusto daw kasi nilang doon na kumain kaysa dito sa canteen na maraming tao. Mas makakapag ingay daw sila don kaysa dito. Sus.


"Tol, alam mo talaga pag ako lang yung boyfriend ni Vanilla, hindi ko na hahayaang mag break kami. Isipin mo yon, araw araw may lunch ka na! Oh diba? Ang brainy." Aniya.


Napangiwi naman ako sa sinabi niya, minsan naiisip ko kung saan ba niya nilalagay yung utak niya eh. "Para ka namang tanga, hindi ka makikipag break para lang may baon ka araw araw? Sira ulo to."


"Syempre joke lang yon noh! Pero seryoso Gino, Vanilla Mallari na yan oh! Aayawan pa? Aba! Ang gwapo mo naman!"


"Gwapo talaga ako."


Napangisi siya saka ako inakbayan, "Ayan! Kaya tayo mag bestfriend ng dahil jan eh! Iba eh, iba talaga confidence natin eh noh? Taas na eh."


"Tigilan mo nga ako. Inggit ka lang eh."


"Sus, ako? Inggit? Mas masarap kaya yung luto ni Mama saka Aling Baby kaysa jan sa ginawa ni Vanilla!" Pinakita niya pa sakin yung pagkain na binili namin sa karinderya nila Aling Baby kanina. Nainggit kasi siya, bakit daw ako may packed lunch tapos siya wala. Tss.


"Kaya pala kanina mo pa pinagnanasahan yung lunch box ko ano?" Natatawa kong sambit. Natawa naman siyang tumingin sakin.


"Syempre, iba parin kapag parehas tayong ginawan ni Vanilla. Boyfriend ka niya, kaibigan niya ko. Tapos bestfriend pa kita, pag ganyan tol dapat damay lagi yung bestfriend! Logic!"


"Logic logic ka pa jan, eh tanga ka." Umiling iling naman ako habang natatawa.


"Wow naman. Akala mo naman talaga siya. Bilisan na nga natin! Gugutom na ko, nagkaka abs na ko eh." Sabay hawak sa tiyan niya.


Binilsan na namin maglakad, baka kasi gutom na rin si Duwends don. Malapit na kami sa canteen ng makasalubong namin sila Pearl na Cuddly at Diego the Gay. Malayo pa lang nakita ko na yung pagkislap ng mga mata ni Pearl ng magtama ang tingin namin, ngumiti ako.


Bahagya namang natawa si Dens ng makita niyang papalapit sa kanya si Diego na dinaig pa ang tsunami walk ni Shamcey Supsup. Nakaka distract talaga lakad ni Diego kahit kailan.


"Hi Gino!" Bati ni Pearl na Cuddly habang namumula pa yung pisngi niya.


Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon