Chapter Forty-Two

343 26 12
                                    


Chapter Forty-Two:


"Kailan ulit kayo uuwi, tol?"


"Wala pa akong idea e. Sila ate parin kasi magdedecide saka marami pang inaasikaso si Dea e." Sagot ko kay Denver habang pinapanuod si Dea kumain. Hindi ko maiwasang hindi mapangiti.


"Oh, ano na naman 'yan? Ngiti-ngiti ka na naman dyang kumag ka." Nalipat ang tingin ko sa laptop at nakita ko ang nakabusangot na mukha ni Denver.


"Wala." Mangisi-ngisi kong sambit.


"Alam mo, ikaw na kupal ka, kaya nagagalit sayo si Vanilla e. Huling video call natin, galit na galit yon sayo kasi pinakilala mo si Dea. Tanga lang? Alam mong hindi na naka move-on sayo yung tao e." Umiiling-iling nyang sabi.


Natahimik ako at napabuntong-hininga na lang. Hindi ako makasagot kasi alam ko naman na nakasakit ako ng damdamin. Halos anim na buwan na din simula nung huli kong nakausap si Vanilla dahil pinakilala ko si Dea sa kanya.


"Laaaaaabss!! Alam mo ba miss na miss na kita!! Kailan ka uuwi dito??" Nakanguso pa sya habang nagpupunas ng luha. 


Nakita nya kasing kausap ako ni Denver sa skype kaya bigla siyang sumingit. Napangiti ako at umiling. Hay Vanilla!


"Matagal tagal pa, Vanilla. Baka naman nagkukulit ka dyan?" Pabiro kong sambit habang tinataas-taasan sya ng kilay.


Mabilis siyang umiling at lalong umiyak. "Sayo lang naman ako makulit e!"


"Hoy! Anong sinasabi mo dyan? Matagal ka ng makulit! Para kang uod na laging inaasinan kapag nababanggit pangalan ni Gino. Nangingisay ngisay pa e." Sabat ni Denver habang natatawa. 


"Sayo lang daw siya kikiligin, Gino!" Banat pa ni Sam atsaka nakipag-apir kila Jako.


Hindi ko maiwasang hindi mapangisi habang tinitignan silang lahat sa screen ng laptop ko. Naramdaman ko ang kirot sa puso ko. Hindi dahil sa sakit ko kundi dahil sa pangungulila sa mga taong naiwan ko sa Pilipinas.


Pakiramdam ko masyado na kong nahuhuli sa mga kaganapan nila sa buhay. Kahit sabihin ko mang nakapag-aral ako dito. Iba parin talaga kapag kasama ko sila. 


Habang busy sa asaran sila Denver, muli akong napatingin kay Vanilla na nakatingin din sakin habang namumula yung pisngi at ilong niya. Ikaw ba naman tumawa habang naiiyak.


"Uwi ka na, Gino." Bakas ang lungkot at pagsusumamo sa boses nya.


Mas lalo akong nakaramdam ng kirot sa dibdib ko. Hilaw akong ngumiti habang nakatingin sa kanya, "Vanilla..." Napatigil ako ng biglang bumukas ang pinto ng bahay at dumating sila Ate.


"Annyeong!" (Hello!) Nakangiti siyang lumapit sakin at mabilis na inakbayan ako. Tumingin din ako sa kanya at ngumiti. "Jal jinassa?" (How are you?)

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon