Chapter Sixteen

6.4K 269 32
                                    






--


Chapter Sixteen


Tatlong araw na nakalipas simula nung nalaman ni Duwends yung sakit ko. Katulad ng sinabi niya, siya na daw bahala sakin, hindi niya nga daw ako papabayaan. Pero hindi ko naman alam na ililiteral niyang yung 'Siya na bahala sakin'.


Yamot.


Tatlong araw. Tatlong araw na kong nagtitiis sa mala baby niyang trato sakin. Hindi baby na, boyfriend pero feeling ko, isa akong baby. Literal na sanggol. Natatawa na nga sila Denver sa ginagawa niya pero ako kahit kalian hindi ako natawa. Nakakainis.


Siguro kung yung talagang baliw na baliw sa kanyang lalaki yung ginaganto niya ngayon, malamang sa malamang, matutuwa pa yon eh. Baka nga mag enjoy pa sila. Hays.


Kinabukasan pagkatapos naming mag – usap, sinundo niya ko sa bahay. Oo, sinundo na naman niya ko sa bahay. Nag – usap na din sila ni Ate tungkol sakin, kung O.A. na si Ate pagdating sakin—na pabor naman sakin kasi gusto ko yung pag – aalalaga sakin ni Ate, mas O.A. si Vanilla. MAS. Mas talaga.


Bago kami pumasok non, chineck niya muna lahat ng gamit ko, kung kumpleto ba yung mga dapat kong dalhin. Pinabaunan niya din ako ng dalawang bimpo, nak ng tinapay! Sana tuwalya na lang diba? Medyo nahiya pa siya non.


"Labs! Eto ha, pag pinagpawisan ka gamitin mo to ha?" Tinaas niya yung dalawang bimpo. "Dalawa na yan para sure!" Saka niya nilagay parehas sa bag ko.


Napangiwi ako, "Ano ba yan Vanilla! Okay na nga ako sa panyo tapos papagdalhin mo pa ko ng dalawang bimpo?! San ba ko pupunta? Sa school diba?!"


Umiling siya, "No, kailangan mo to basta pag feeling mo pagpapawisan ka na, magpunas ka na agad ha? Tapos eto bottled water, mineral yan! Para safe talaga." Malaki pa yung ngiti niya, siya lang yung natutuwa.


Hindi ko naisip na ganto magiging outcome ng pagkakaalam niya sa sakit ko. Sa totoo lang, okay naman yung pagiging caring niya kaso ewan ko, naiinis ako kasi para akong may 24/7 bodyguard. Kung tatanungin ako kung naiinis ako o naiinis ako sa ganto? Dun na lang tayo sa naiinis kasi inis na inis na ko. Umay na umay.


At isa pang nakakayamot na eksena eh yung maya't maya niyang pagtawag kay Ate. Aba talaga naman! Tinatawagan niya si Ate para iupdate kung ano na nangyayari sakin para siyang reporter na kay Ate lang nagsasabi.


"Yes Ate Tanyii!...Kasama ko siya ngayon...Opo, kumain na kami...Yes Ate!..Ako na bahala!...Kaya ko naman Ate Tanyii basta para kay Labs!" Ngumiti siya sa phone kahit hindi naman nakikita ni Ate. "Update kita ulit Ate..Yes Ate! Babye!"


Napabuntong hininga na lang ako saka siya tinignan at yung kamay niya mahigpit na nakahawak sa braso ko, baka daw kasi bigla akong mawala sa paningin niya. Shet talaga.

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon