Prologue:

29K 473 107
                                    

SWITCHED & STUCK WITH HIM by Shari Louise Co aka Chichi_Louise IS ALREADY AVAILABLE ON BOOKSTORES NATIONWIDE (Precious Pages & National Bookstores) SINCE DECEMBER 2014 for only 135php. The story is published by VIVA STARMOMETER, an imprint of LIFEBOOKS.

Don't forget to grab a copy! ;)

Thanks! <3


Prologue


Sa musmos na edad pa lang ay naranasan ko nang magmahal. At ano nga ba ang kasunod ng pagmamahal? Walang iba kundi pait at pighati.

Iniwan ako ng taong minahal ko ng sobra, ng taong hindi ko inisip na magagawang basagin ang puso ko, ng taong pinangakuan ako ng habambuhay.

Ang sakit.

Sobrang sakit.

Then one day nabalitaan kong may iba na siyang mahal, iba nang pinagtutuunan ng pansin, iba nang kasama sa bawat segundo ng kanyang buhay.

Mas masakit! Doble ng sakit kaysa sa naramdaman ko noong naghiwalay kami.

Pero siyempre magmo-move on na ako. Kasi hindi naman ako gano'n katanga at kamartyr para mapako sa taong 'yon na alam ko at alam ng lahat na may iba nang mahal.

After 999,999,999 years, konting-konti na lang, makakapagmove on na ako. Nakaya ko nang harapin ang bawat araw nang hindi siya kasama. Nakaya ko nang hindi siya isipin sa lahat ng bagay na ginagawa ko. Nakaya ko nang tanggapin na hindi kami para sa isa't isa. At nakaya ko nang unti-unting kalimutan ang mga alaalang pinagsamahan naming dalawa.

Pero sadyang mapaglaro ang tadhana. Malapit pa lang akong makapagmove on ay may nangyari nang hindi inaasahan. Nagkapalit ang kaluluwa namin ng girlfriend niya sa hindi malaman at 'di maipaliwanag na dahilan.

Ano ang gagawin ko?

Iiwasan ko ba ang ex ko? Pero maaaring maghihiwalay sila ng girlfriend niya na wala namang kinalaman sa issue namin.

Or I will go with the flow and act as the real girlfriend? At least, masakit man sa part ng totoong girlfriend hindi naman masisira ang relasyon nila.

Dahilan ba ito para bumalik ang nararamdaman ko para sa ex-boyfriend ko o dahilan ito para makahanap ako ng bago kong mamahalin para hindi makagawa ng kataksilan sa girlfriend niya at maiwasan ang pagbalik ng nakakatuksong feelings para sa ex ko?


[To be continued]



Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Where stories live. Discover now