SASWY -- Chapter 28

2.7K 75 20
                                    

Chapter 28


"Okay class get ready with your performance, isa-isa ko na kayong tatawagin maya maya. You have five minutes to prepare your presentation," sabi ng aming MAPEH teacher. Ang presentation na tinutukoy ni mam ay 'yung project namin na, kakanta sa harap. Naalala ko tuloy yung From This Moment namin ni Nath.

"Hernandez, ikaw na. Go infront." Tinawag na ng MAPEH teacher namin si Xavire. Ako tuloy pa rin sa pagpractice, kasi naman baka malimutan ko 'yung lyrics mamaya.

"Ayie!" Napukaw ang atensyon ko sa hiyawan ng mga kaklase ko. Bakit naman kaya parang kilig na kilig sila? Napatingin ako sa kanila at nakita kong lahat sila nakatingin kay Claire which is ako talaga. Anong meron?

"Mukhang hindi mo 'ata narinig Elise." Nagsalita si Xavier? Ang alam ko dapat kakanta siya e. Ano naman kaya 'yung hindi ko narinig?

"Ang alin?" tanong ni Claire sa kanya. Mukhang nagets ni Claire na wala ako sa sarili kanina kaya siya na ang nagsalita para sa akin.

"Ang sabi ko, 'yung kakantahin ko idededicate ko sa 'yo." Okay? Hindi na sumagot pa si Claire at nagsimula nang kumanta si Xavier.

"Girl I see it in your eyes you're disappointed, cause I'm the foolish one that you anointed with your heart, I tore it apart." Alam ko ang kantang kinakanta niya, Gotta be you ng One Direction!


Sa buong oras ng pagkanta niya nakatingin lang siya sa akin at 'yung iba naman kay Claire nakatigin, kaya hindi napapansin na sa akin nakatingin si Xavier, ako naman, ayun kinilig malamang! Gets na gets ko kasi 'yung kanta niya para sa akin e. One more time? Hindi ko pa rin alam Xavier.

'Yung paligid naman napuno ng "Ayie!" at may kumakanta pa ng "Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig." Talaga naman, kung makapang-asar!

"Okay you may take your sit Xavier. Next, Carlos." Nagtawag na naman si mam ng mga susunod at ako nagdadasal na sana 'wag muna akong matawag. Hindi pa kasi ako ready! Malakas na nga yung kabog ng dibdib ko kanina, mas lumakas pa lalo dahil sa pagkanta ni Xavier.

"Ramos." Tulad ng kanina hindi pa rin ako nakikinig kasi kinocompose ko pa ulit 'yung sarili ko. Inaalis ko 'yung lakas ng kabog ng dibdib ko.

"Elise." Napatingin ako sa harap, narinig ko kasi 'yung pangalan ko e. May tumawag ba sa akin? Hinanap ko at nakita ko naman si Nath. Nakatingin siya sa akin, habang 'yung iba naman kay Claire nakatingin. Teka, parang nangyari na to kanina.

"Para sa 'yo rin 'tong kantang 'to. Sana magustuha mo." Para sa akin na naman? Namumula na ata ako! Shit! Dala-dalawa talaga?

"Your hand fits in mine like it's made just for me. But bear this in mind, it was meant to be." Kanina, Gotta be you, ngayon naman Little Things ng One Direction. Alam ba nila na fan ako ng 1D?

OMG! I'm inlove with you talaga? Edi kayo na inlove! Kaso hindi ko pa alam Nath kung I'm also inlove with you. Sorry.

Muli na namang napuno ng "Ayie!" ang klase at "Naks naman Elise! Dala-dalawa o! Sino sa kanila pipiliin mo niyan Elise?" na tanong nila kay Claire. Si Claire naman no reaction. Alam kong nasasaktan siya ngayon.

Sino nga ba pipiliin ko? Ang hirap naman e! Kainis! Lintek na mga manliligaw 'tong mga 'to! Bakit kasi dalawa pa sila e? Ang hirap pumili.

"Okay class you may take your break. 'Yung mga hindi nakapagpresent ngayon bukas na lang kayo." 'Yon! Hindi pa ako natatawag!

"Elise." Aalis na sana ako ng room pero biglang may humatak ng kamay ko. Si xavier pala.

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Where stories live. Discover now