SASWY -- Chapter 6

4K 110 16
                                    

Chapter 6


Napatunayan ko na ang teorya ko sa mga nangyayari sa amin ni Claire. Tuwing 6pm kami bumabalik sa aming sariling katawan at tuwing 6am naman ay nagkakapalit kami. Tulad ko ay nakakaramdam din siya ng hilo bago kami magkapalit at bumalik sa aming katawan.

Sabado na at tulad ng napag-usapan ay maghahanap na kami ng makakalutas sa pagpapalit ng kaluluwa namin. May nakapagsabi sa akin na may kilala daw sila hiningi ko naman ang mga address ng mga iyon para hindi na kami masyadong mahirapan sa paghahanap.

Hindi naman nagtagal ay dumating na rin si Claire. Kumain muna kami ng almusal dahil inaya kami ni tita bago kami umalis. Hindi na kami nagpahatid sa driver baka kasi magtaka, nag-commute na lang kami.

"Elise," tawag ni Claire sa akin habang nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Napatingin lang ako sa kanya.

"Kamusta naman kayo ni Xavier? Nahihirapan ka pa ba? Mahirap pa rin ba siyang pakisamahan? Pasensya na ha? Ganoon talaga 'yun e may pagka-makulit," nakangiting sabi niya sa akin.

"Okay lang naman Claire, medyo nasasanay na akong pakisamahan siya. Alam ko naman na makulit 'yon, dati nga magtatampo pa 'yun kapag hindi ko siya pinapansin kapag nangungulit siya tapos-" Tinigil ko na iyong pagsasalita ko nang maalala kong si Claire nga pala ang katabi ko. Napayuko na lang ako dahil alam kong mali ang mga nasabi ko.

"Gano'n ba? Oo nga ganoon nga siya." Naramdaman ko na ang awkward ng atmosphere. Kaya naman agad akong humingi ng pasensya kay Claire.

"Okay lang. Naiintindihan naman kita," sabi niya.

Isang oras na katahimikan ang lumipas at sa wakas narating na namin ang address na nakasulat sa notebook ko. Lumapit kami sa munting kubo at kumatok. Binuksan ito ng isang babae na kung tatantsahin ang edad ay nasa 40 na pataas. Pinapasok niya kami at sa itsura ng bahay niya ay mukha ngang isa siyang manggagamot.

Sinabi na namin ni Claire kung ano ang nangyayari sa mga kaluluwa namin ngunit hindi daw niya alam ang solusyon dito kaya naman itinuro na lang niya kami sa ibang manggagamot.

Inabot na kami ng alas-tres na ng hapon, pagod na pagod kaming naupo sa bus ni Claire. Kung saan-saan na kami napadpad, kung saan-saan na kami tinuro ng mga nilapitan namin, 'yung iba hindi naniniwala, 'yung iba naman hindi alam ang solusyon at may nagsabing nasumpa daw pero hindi rin nila alam kung papaano mawala ang sumpa.

Napagkasunduan na lang namin ni Claire na magkita ulit sa susunod na linggo. Sa ngayon, kailangan na muna naming magpahinga dahil sobra talagang nakakapagod ang araw na 'to.

(Xavier's Point of View)

First monthsary namin ni Claire ngayon kaya may date kami mamayang gabi. Excited kong pinuntahan si Jed - ang chickboy kong pinsan - sa bahay nila para magpatulong sa paghahanda ng venue.

Pagkarating namin sa venue ay inayos niya kaagad ang lugar at saktong 6:45 ng gabi natapos si Jed. Umalis na din siya pagkatapos ko siyang bayaran. Akala ko hindi na magpapabayad ang lokong kaso sabi nga niya, wala nang libre sa panahon ngayon.

Naupo na lang ako at hinintay si Claire. Baka papunta na 'yon dito. Tinext ko din siya para sabihing nandito na ako sa restaurant pero hindi naman siya sumagot.

23 minutes late na si Claire. Tinatawagan ko na siya pero nakapatay ito at hindi ma-contact. Kaya naman nagsimula na akong mag-alala. Pinakalma ko na lang ang sarili ko ayokong mag-isip ng masamang bagay.

Naghintay ako ng ilan pang oras pero wala pa rin si Claire. Malamig na nga 'yung pagkaing inorder ko. 9:50 na pala, napagdesisyonan ko nang umalis pero bago iyon ay tinawagan ko muna si Elise. Nagbabakasakaling alam niya kung nasaan si Claire.

"Hello Xavier! Napatawag ka?" Sabi ni Elise sa kabilang linya.

"Itatanong ko lang sana kung alam mo ba kung nasaan si Claire?"

"Hindi eh, bakit mo siya hinahanap?" Teka bakit parang kaboses ni Claire si Elise?

"May dinner date kasi kami ngayon kaso hindi siya sumipot baka kasi may nangyari nang masama sa kanya."

"Baka nasa bahay lang 'yon, nagpapahinga. May sakit ata siya kaya hindi siya nakapunta. Sige na Xavier bye." Hindi na ako nakasagot pa dahil pinatay na ni Elise 'yung tawag. Kung may sakit siya bakit hindi man lang niya sinabi sa akin? Hindi man lang siya nagsabi na hindi pala siya makakapunta sa date namin. Nakakasama lang ng loob.



Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon