SASWY -- Chapter 15

3K 97 21
                                    

Chapter 15


Halos dalawang linggo na ang lumipas mula no'ng sinagot ko si Jed at sabado na naman. Araw dapat ng paghahanap namin ni Claire solusyon para sa kalayagayan namin pero dahil nag-aya ng date si Jed, pinakiusapan ko si Claire na 'wag na lang muna kaming tumuloy at pumayag naman siya. Nasaan kaya sila ngayon? Nakakainis! Dapat ako ang kasama ni Jed ngayon e.

Nakahiga lang ako sa kama ko nang bigla akong napatayo dahil sa pagtunog ng doorbell. Sino naman kaya ang bisita namin? Lumabas ako ng kwarto para tingnan at nakita ko si Xavier.

"Xa-My loves!"

"Good morning my loves! Para sa 'yo nga pala." Inabot niya sa 'kin ang isang mahabang rose. Kinuha ko ito ay inamoy, ugali kong umamoy ng rosas, ang bango kasi e.

"Tara labas tayo."

"Saan naman tayo pupunta?" tanong ko.

"Surprise. Magbihis ka na lang my loves." Hindi na ako nakipagtalo pa at sinunod ko na lang siya. Pagkatapos kong magbihis, ay lumabas na kami ng bahay at pumara na siya ng taxi.

Mga isang oras din yung byahe namin at nakarating rin kami sa mall of asia. Surprise daw tapos dito lang pala niya ako dadalhin, ano kayang kasurpresorpresa sa MOA?

"Tara na my loves." Bumaba na kami ng taxi at nagsimula nang maglakad. Maya-maya pa ay hinawakan niya ang kamay ko na siyang dahilan ng pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang tanong, bakit? Bakit parang natutuwa ako sa kasweetan ni Xavier? More likely, kinikilig ako.

Umiling-iling ako para tanggalin ang di magandang tumatakbo sa isip ko. Walang dahilan para kiligin ako kaya wala lang 'tong pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Sorry claire kung biglaang date to ha?"

"Okay lang."

"Kasi kanina sa bahay wala akong ibang magawa kundi isipin ka kaya naisip kong puntahan ka na lang at ayain kang lumabas." Sa mga oras na 'yon alam kong nagblu-blush na ako kaya naman naisip kong sakyan na lang ang sweetness ni Xavier, tutal, ako naman si Claire ngayon.

"Asus! Kaya mahal kita e, bolero ka!" sabi ko tapos pinisil ko ang ilong niya "Teka ano yang hawak mo?" Tinuro ko 'yung dala niyang bag na katamtaman lang ang laki.

"Halika do'n tayo sa may seaside." Hindi niya sinagot ang tanong ko, hinatak lang niya ako sa may seaside tapos nilabas na niya 'yung laman ng bag niya. Pagkain pala 'yon.

"Nagluto ako ng spaghetti! Wth love! Tara kainin na natin." Dahil favorite namin 'to ni Claire at ni Xavier, walang sabi-sabi ay nilantakan na namin ang spaghetti.

"Ang sarap my loves!" sabi ko pagkalunok ko ng last scoop.

"Syempre! Masarap ako magmahal e!" Hindi rin! Joke. Ayoko nang magpakabitter.

"Sabi mo e. Tara pasyal na tayo sa loob ng mall." Pumasok na kami ng mall, naglibot-libot at tumingin ng kung anu-ano.

"Claire? Xavier?" Napalingon ako sa tumawag sa amin.

"Elise! Jed." sabi ko nang makita kong magkahawak sila ang kamay. Gusto kong magselos pero alam kong hindi naman tama 'yon dahil, kamay ko naman ang hawak niya kaya hindi ko na lang 'to pinansin.

"Wait may date din kayo?" tanong ni Claire.

"Yeap! Kayo din?" sagot naman ni Xavier.

"Yeap. Teka I have a great idea! Kung magdouble date kaya tayo? Tutal nandito na din naman tayo pare-pareho. 'Di ba?" excited na suggest ni Claire.

"Ha?" Sabay-sabay naming sabi nina Jed at Xavier.


"Anong ha? Tara na! Minsan lang naman 'to 'di ba?" Kung kaming dalawa lang siguro ni Claire, kanina ko pa 'to nabatukan. Nakakahiya 'yung ginagawa niya para kay Jed at kay Xavier at katawan ko pa talaga ang ginamit niya.

"Okay lang naman sa akin." Napatingin ako kay Xavier, nagulat ako sa pagpayag niya. Sunod na pumayag ay si Jed. Ako lang ba ang may ayaw nito?

"Ikaw Claire? Ayaw mo ba?" tanong sa 'kin ni Claire.

"Hindi. Okay lang sa 'kin, walang problema."

"'Yon naman pala e, edi tara na!"

Nag-aya si Claire sa timezone kaya do'n kami unang pumunta, ang hilig nila pareho ni Xavier sa timezone.

"Lets have a game! Pataasan tayo ng points ng panalo dito sa mga games then kung sino ang matalo mantretreat kami ng meryenda. Game?" Ano ba talaga ang tumatakbo sa isipan ng Claire? Lagi na lang akong nagugulat sa mga suggestion niya. Seriously? Manlilibre ang talo? Wala akong pera! Ugh.

"Deal!" sabay na sabi nina Xavier at Jed. So, ano pa ba ang magagawa ko? Game kung game! Una kaming naglaro sa basketball at sa 7 rounds ay 4 rounds kaming panalo, in short kami ang leading.

"Tara do'n tayo sa bowling!" pag-aaya ko sabay hatak kay Xavier. Naka-3 rounds lang kami sa bowling at 1-2 ang score in favor of them. Pag in-add lahat ay pareho kaming may 5 points na. Naglaro pa kami ng marami hanggang sa mapagod na kami. Ang last standing ng scores ay 14-12 in favor of us. Kaya sila ang manlilibre!

Masaya kaming lumabas ng timezone at naghanap na kami ng pwedeng makainan. Dahil libre ito ni Jed, sinamantala na namin ni Xavier. Hiniling namin na sa starbucks kami kumain at hindi naman tumanggi si Jed, palibhasa mayaman.

Nandito kami sa seaside nina Jed, Xavier at Claire, nagkwekwentuhan. Tumingin ako sa relos ko at nakitang saktong alas-sais na. As usual, pumikit na naman ako para ibsan ang pagkahilo at sa pagdilat ng mata ko, nandito na ako sa tabi ni Jed.

Inaya na ni Claire na umalis si Xavier kaya naman kaming dalawa na lang ni Jed ang naiwan.

"Jed," tawag ko sa kanya sabay sandal ng ulo ko sa balikat niya.

"Bakit sweetheart?" Napangiti ako sa kilig dahil sa pagtawag niya sa 'kin ng sweetheart.

"Sana wala lang sa 'yo 'yung pag-aaya ko kanina ng double date." Napayuko ako dahil nahihiya ako sa ginawa ni Claire. Baka isipin ni Jed na kaya ko ginawa 'yon ay para makasama ko si Xavier.

"Okay lang 'yon, ang saya nga e, kaso sayang kasi natalo tayo." Tumawa siya pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit.

"Nga pala, next month may 3 days camping kami at natapat sa first monthsary natin." Tinanggal niya ang pagkayakap niya sa 'kin at tiningnan ako. Sumimangot ako para ipakita sa kanyang ayoko rin ng mangyayari at naiinis ako sa timing.

"Sweetheart 'wag ka ngang sumimangot d'yan. Okay lang 'yon. Akong bahala. Makakapagcelebrate tayo ng first monthsary natin."

"Paano? Advance? o belated?"

"Syempre sakto! Ayoko ng advance at mas lalong ayaw ko ng belated. Basta, magugulat ka na lang sa gagawin ko, susurpresahin kita!"

"Sige, hihintayin ko na lang 'yang surpesa mo," sabi ko at niyakap niya ako ulit. Ang sarap ng yakap niya, ramdam ko na mahal niya talaga ako.


Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Where stories live. Discover now