SASWY -- Chapter 22

2.8K 83 22
                                    

Chapter 22


(Elise's Point of View)

"Sige guys mauna na lang kayo. Maiwan na muna kami ni Nath dito gagawa pa kasi kami ng props e," sabi ko sa kanila, mukha kasing hinihintay nila kami para sabay-sabay kaming umuwi kaso alas-sais na at baka hinahanap na sila sa mga bahay nila, nagkaroon kasi ng meeting tungkol sa intramurals kaya nandito pa rin kami sa school kahit late na. Napag-usapan namin ni Nath na dito na lang sa school gumawa para hindi na kami mahirapan sa pagdala at pag-uwi ng materials.

"Gusto niyo ng tulong?" tanong ni Ellie.

"Sure! Kailangan din talaga namin ng tulong e. Salamat Ellie ha? Okay lang talaga sa 'yo?" Tumango lang siya habang naka-ngiti.

"Ako din join ako!" sabi naman ni Jane.

"Kung gano'n. Join na din tayo Xavier?" tanong ni Claire kay Xavier. Pumayag naman si Xavier kaya nilabas na namin 'yung mga gamit at nagsimula na. Tinuran na muna namin sila ng dapat nilang gawin, mabilis naman silang matuto kaya mukhang mapapabilis lalo ang gawain namin ni Nath.

Nakabilog kami sa lapag, sa kaliwa ko ay si Xavier tapos si Claire at si Jane, sa kanan ko naman si Nath tapos si Ellie na katabi rin ni Jane.

Hinanap ko 'yung gunting kasi biglang may nagmagic, nawala sa harap ko 'yung gunting. Apat lang kasi yung gunting namin kaya hiraman kami. Nakita kong may bakanteng gunting at kukunin ko na sana kaso may pumatong na kamay sa kamay ko nang hawakan ko ito- kamay ni Xavier.

Bnitiwan ko 'yung gunting at pinaubaya na 'yon sa kanya. Kumuha na lang ako ng iba at pagpatong ng kamay ko sa gunting may pumatong na naman na kamay. Seryoso? Kailangan talaga palagi akong may kasabay? Pagtingin ko sa may-ari ng kamay si Nath pala at nagkatitigan kami, malapit na ako, este kaming matunaw.

"May tao pa pala rito, ang sisipag niyo naman! Gumagawa pa din kayo ng props kahit may exam na bukas?" Napalingon kaming lahat sa nagsalita, si Sir Mark pala, ang head ng intramurals.

"A marami-rami po kasi 'to e," sagot ko.

"Pwede ba akong manghiram saglit ng dalawang lalaki at dalawang babae magpapatulong lang sana ako." Tumayo naman si Nath at Xavier kasi sila lang naman ang lalaki, tapos tumayo si Claire. Sabay namang tumayo si Jane at Ellie.

"Si Jane na lang Ellie, baka mapagod ka lang maskulado naman si Jane e," sabi ni Nath pagkatapos ay tumawa. Umupo na lang ulit si Ellie tapos umalis na sila. Napatingin ako kay Ellie at namumula siya.

"May gusto ka kay Nath 'no?" Napatingin siya sa akin at mas lalo pang namula.

"Ha? Halata ba? Actually matagal na," nahihiya niyang sabi.

"Ayie!" panunukso ko sa kanya.

"Hay nako Elise. 'Wag ka ngang ganyan, wala naman akong pag-asa do'n kasi may iba naman 'yung gusto." Talaga? Si Nath? May ibang gusto? Sino naman kaya 'yon? Tatanungin ko pa sana si Ellie kung alam niya pero pumasok na sa loob ng room si Xavier at Jane.

"Nasaan sina Nath at Claire?" tanong ko sa kanila nang mapansing wala 'yung dalawa.

"Kinakausap pa ni Sir Mark, para sa intermission number na gagawin nila sa victory party," sagot ni Xavier. Tumango na lang ako at nagsimula na ulit magtrabaho.

*****


Mabilis na lumipas ang mga araw, parang kailan lang gumagawa lang kami ng props tapos mamaya, victory party na. Nag-aayos kami ngayon ng ng venue, dapat kami lang ni Nath pero dahil mababait sila, tinulungan na nila kami.

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Where stories live. Discover now