SASWY -- Chapter 26

2.8K 70 10
                                    

Chapter 26


Ang bilis ng panahon, dalawang linggo na makalipas no'ng umamin sina Xavier at Nath sa akin at hanggang ngayon windang pa rin ako.

Nasa classroom kami at naglelecture ang physics teacher namin, nakaka-antok talaga ang physics! Kanina pa masakit ang ulo ko, ang sarap tulugan.

"Ms. Wilson! Why are you sleeping in my class?" Napatalon ako sa gulat sa pagsigaw ni mam.

"Masakit po kasi ang ulo ko mam, sorry po." Lumapit sa akin si mam tapos hinawakan niya 'yung noo ko.

"Claire, you should take a rest. Go to the clinic, may lagnat ka." Talaga? May lagnat pala ako, kaya pala masakit 'yung ulo ko kanina pang umaga.

"Mam pwedepo bang ihatid ko na siya sa clinic?" Napatingin ako sa taong mabait na nagprisinta, si Xavier pala.

"Mam pwede po bang si Jane na lang po ang maghatid sa akin sa clinic?" Hindi na nag-isip pa si mam at agad na inutusan si Jane na dalhin ako sa clinic.

"Elise. Hanggang kailan mo ba sila iiwasan?" tanong sa 'kin ni Jane pagkahiga ko.

"Hindi ko alam Jane. Basta naiilang pa rin ako sa kanila kaya ayaw ko muna silang pansinin okay?" Si Xavier at Nath ang tinutukoy ko. Pagkatapos nilang umamin sa akin ay iniwasan ko na sila, naiilang kasi talaga ako.

"E, hanggang kailan nga?" Ang kulit talaga nito. Sinabi nang, hindi ko alam. Hindi ko na lang siya sinagot para hindi na siya mag-ingay.

"Elise. Alam ko nasabi ko na 'to, at nakukulitan ka na sa akin. Kausapin mo na 'yung mga 'yon. Hindi naman makakatulong yang pag-iwas mo e."

"E, ano namang pag-uusapan namin?" May dapat ba kaming pag-usapan?

"Kahit ano basta mag-usap kayo. Sabihin mo 'yung nararamdaman mo sa kanila para naman hindi kayo nahihirapan." 'Yon nga e! Hindi ko naman alam kung anong nararamdaman ko. Nalilito pa ako sa sarili ko.

"Tsaka na Jane, hindi pa ako handa, nalilito pa din ako."

"Hay nako, ewan ko sa 'yo Elise, puro na lang hindi ka pa handa, kailan ka kaya magiging handa? Kapag wala na sila pareho sa buhay mo?" Tumahimik ako sa sinabi ni Jane, at para bang nasaksak 'yung puso ko kapag inisip ko ang mga sinabi niya.

Nang dumating na 'yung nurse, umalis na si Jane iniwan niya ako kasi inaasikaso na ako ng nurse. Hindi naman nagtagal nakatulog na ako.

Nagising ako nang dahil sa bell. Medyo hindi na rin masakit ang ulo ko kaya nagpaalam na ako sa nurse tapos pumunta na ng classroom para kunin 'yung gamit ko at makauwi na. Napatigil ako sa labas ng classroom dahil narinig kong may nag-uusap sa loob.

"Sean, bakit parang 'di kayo nag-uusap ni Elise?" tanong ng isang boses na babae, parang si Ellie. Silang dalawa na lang 'ata ni Nath ang tao sa loob room. Bigla kong naalala, may gusto si Ellie kay Nath. Matagal na niya 'atang alam na ako 'yung gusto ni Nath. Nakakaguilty, paano na lang si Ellie kung sakaling maging kami ni Nath?

"Ha? Hindi ko alam e," sagot ni Nath

"Sus! Nath! Best friend mo ako 'di ba? Alam kong nagsisinungaling ka! Kaya sabihin mo na. Bakit nga?" Best friend? Teka, guy best friend ko si Nath, tapos best friend niya si Ellie? Kaya pala sinabi niya sa aking ayaw niya akong gawing girl best friend niya dahil si Ellie na ang girl best friend niya.

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Where stories live. Discover now