SASWY -- Chapter 33

2.4K 70 17
                                    

Chapter 33


(Elise's Point of View)

"Anak mag-iingat ka doon ha? Mamimiss ka namin ng papa mo," sabi ni mama sa akin. Nasa airport ako dahil pupunta ako ng America. Doon ako magcocollege dahil nagipit si papa ngayong taon, hindi niya ako mapapag-aral sa magndang university kaya humingi siya ng tulong kay tita. Pumayag naman si tita sa isang kundisyon, at 'yon ay sa america ako mag-aaral.

Kahapon ang graduation ko, at hindi pa rin kami okay ni Nath. Hindi na siya pumasok nung huling linggo at hindi rin siya umattend ng graduation. Pinuntahan ko siya sa bahay nila pero walang tao roon. Nasaan kaya sila? Siguro hindi pa niya nakikita 'yung surpresa ko sa kanya at peace offering kaya hindi man lang niya ako tinetext. O kaya naman masama pa rin ang loob niya.

Nakakalungkot dahil hindi man lang ako nakapagpaalam ng personal sa kanya. Hindi man lang namin naenjoy ang huling linggo ko dito. At nakakalungkot dahil hindi man lang kami nagkabati bago ko ako umalis.

"Mamimiss ko rin po kayo. Sige po alis na po ako," walang gana kong sagot. Hindi ko naman itatanggi na masama pa din ang loob ko sa kanila dahil sa biglaan 'yung pagsabi nila sa akin ng tungkol dito.

"Elise!" Napatigil ako sa paglalakad nang may tumawag sa 'kin. Umasa akong kahit sa huling sandali magkikita kami ni Nath pero mukhang malabo na.

"Jane, ikaw pala."

"Ay, disappointed?"

"Alam mo naman e, nga pala pakibigay na lang nito kay Nath. Sige alis na ako Jane. bye."

"Bye, Elise, mamimiss kita."

"Mamimiss din kita Jane." Si Jane lang ang nandito dahil siya lang ang sinabihan ko. Ayokong masyadong maraming tao ang magpapaalam sa 'kin sa airport dahil mas lalo lang sumasama ang loob ko.

(Nath's Point of View)

Isang linggo na akong nasa ospital. Ni isang saglit hindi ko iniwan ang lola ko. Nag-aalala kasi ako sa kanya dahil pakatapos ng operation, hindi pa siya nagigising. Pero mabuti na lang kaninang madaling araw ay minulat na din niya ang mga mata niya sa wakas.

"Apo. Bakit hindi ka pumapasok sa school? Okay na ako dito apo."

"Lola naman, gusto ko pa kayong bantayan e, tsaka wala na po kaming pasok." Si lola talaga, parang ayaw pa ako sa tabi niya.

"Hay nako! Kailan ba ako makakalabas dito? Maayos na naman ang kalagayan ko a."

"Sabi po ng doktor baka next week pa po."

"Ang tagal naman!"

"Lola, wag ka pong makulit ha? Para din naman to sa inyo ehh. Magpagaling po kayo ng husto ha? Malulungkot ang unico hijo niyong apo kapag nagkasakit kayo ulit," paglalambing ko kay lola.

"Osige na, pero apo, dalhin mo naman dito 'yung girlfriend mong si Elise." Si Elise! Oo nga pala, hindi pa kami nagkakaayos. Nakalimutan ko na sa sobrang pag-aalala kay lola.

"Opo lola, dadalhin ko po siya dito. Lola, iwan ko po muna kayo dito ha? Uuwi lang po ako tapos susunduin ko po si Elise para dalhin dito." Hinalikan ko si lola sa noo at umalis na. Kamusta na kaya si Elise? Bakit hindi man lang siya nagpaparamdam sa akin? Baka nagtatampo na 'yon.

Pagkapasok ko sa kwarto ko, nagulat ako sa nakita ko. May naka-set up na projector tapos picture namin 'yung naka-project doon sa dingding na punong puno ng sticky note.. Nilapitan ko 'yung dingding at nakita ko naman na bawat sticky note may nakasulat na "Sorry Nath ko" at "I love you Nath ko." Hindi ko alam kung paano nalagay ni Elise 'to sa loob ng kwarto ko pero naguiguilty ako dahil ngayon ko lang ito nakita, alam kong matagal na tong nakaset up dito.

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon