SASWY -- Chapter 5

4.6K 115 21
                                    

Chapter 5


Akala ko tapos na ang problema namin. Akala ko hindi magiging masaya na ako ulit. Akala ko hindi na ako ma-s-stuck sa ex ko. Akala ko nakabalik na talaga kami sa sarili naming mga katawan at hindi na ulit magkakapalit. Pero akala ko lang 'yung lahat dahil nagising sa kwarto ni Claire at nandito na naman ako sa katawan niya.

Narinig kong may kumatok sa pinto habang nagsusuklay ako kaya naman binuksan ko 'yon. Isang Elise na may dismayadong mukha ang tumambad sa akin.

"Elise bakit tayo ulit nagkapalit? Akala ko pa naman okay na tayo kahapon," malungkot niyang sabi.

"Akala ko din Claire. Hayaan mo, maghahanap tayo ng solusyon 'di ba? Wag kang panghinaan ng loob, sabi nga 'life must go on' kaya tara na, pumasok na lang tayo ulit." Tumango naman siya at sabay na kaming pumasok.

"Good morning my loves!" Niyakap na naman ako ni Xavier pagkatapos niyang akong batiin. Tulad ng kahapon suot na naman niya ang malapad niyang ngiti na akala mo'y wala nang bukas.

"Good morning din my loves." Siniglahan ko ang pagkakasabi para hindi mahalatang ayaw ko talaga siyang batiin. Niyakap ko din siya para kunwari sweet ako. Pag-arte pa ba 'to? Bakit iba 'yung nararamdaman ko? Parang na-miss ko na yakapin siya.

No way! Hindi ko na siya boyfriend, ex ko na siya. Boyfriend siya ng best friend ko. Hindi pwede 'tong nararamdaman ko. Tinanggal ko na agad yung pagyayakapan naming bago pa ako madala sa nararamdaman ko. Inaya ko na lang siyang pumasok ng classroom.

*****

Sadya nga namang napakabilis ng oras. Parang kanina lang ay first subject pa lang tapos ngayon nandito na naman ako sa bahay ni Claire at hinihintay si Xavier. Dapat sabay kaming pupunta dito pero nagkaroon sila ng urgent meeting sa basketball kaya sabi niya susunod na lang siya.

Nagbabasa ako ng magazine nang biglang may nag-doorbell. Mukhang si Xavier na 'yon kaya bumaba na ako para pagbuksan siya ng pinto. 6pm na pala kaya andito na siya. Hawak hawak ko na 'yung doorknob nang makaramdam muli ng pagkahilo at tulad ng ginawa ko kahapon pumikit muna ako para humupa ang sakit ng ulo ko.

Nang naramdaman kong hindi na masakit ang ulo ko minulat ko nang muli ang mga mata ko at nasa kalsada na naman ako pauwi sa bahay namin. Nagkapalit na naman ba kami? Kinalkal ko 'yung bag ko at nakakita naman ako ng salamin doon at bumalik na nga ako sa katawan ko.

Sa mga nangyayari mukhang naiintindihan ko na ang mga mangyayari sa amin. Tuwing 6pm bumabalik kami sa sarili naming katawan, at 6am kaya kami nagkakapalit ng kaluluwa? Iyan ang aalamin ko bukas. Sa ngayon uuwi na lang muna ako.

"Hello madlang people!" sigaw ko pagkapasok na pagkapasok ng bahay.

"Hala hyper na naman ang bruha! Maka-pasok na nga ulit sa kwarto. " Natawa na lang ako sa reaksyon ni ate Paula at pumasok na lang din ako sa kwarto ko at nagpalit na ng damit.

Kakatapos ko pa lang magbihis nang biglang may kumatok.

"Pasok po," sigaw ko para marinig ng tao sa labas at pumasok naman si papa.

"Anak may naghahanap sa 'yo sa labas." Sino naman kaya 'yon? Hindi naman pwedeng si Claire 'yon dahil hindi niya maiiwan ang bisita niya sa bahay.

"Sino po papa?"

"Nath daw." Nath? As in Sean Nathaniel Ramos? Bakit naman kaya siya nandito?

"Sige po pakisabi po na lalabas na ako." Inayos ko muna iyong buhok ko at dali-daling bumaba sa sala, nakita ko naman agad si Nath na naka-upo sa sofa.

"Nath? Bakit ka nandito?"

"Samahan mo naman ako sa bahay Elise magpapaturo sana ako sa math." Nababaliw na ba 'tong lalaking 'to? Mukha ba akong tutor? Pupunta siya dito para kunin ako at dalhin sa bahay niya?

"E bakit hindi na lang dito? Hindi ako pwedeng lumabas ngayon dahil strict si papa hindi ako papayagan no'n, dalhin mo na lang dito yung gamit mo o kaya bukas na lang. "

"E nakalimutan ko kasi dalhin dahil sa sobrang kabatripan ko dahil hindi ko ma-solve yung assignment. Ipinaalam na kita sa papa mo at pumayag na siya." Nagulat naman ako sa huli niyang sinabi. Pumayag talaga si papa? Dahil hindi ako makapaniwala napatingin ako kay papa.

"Nagpaalam naman ng maayos ang kaibigan mo anak. Sinundo ka niya dito kaya siya din daw ang maghahatid sayo dito. Umalis na kayo habang maaga pa para hindi ka gabihin." Wala na akong nagawa dahil si papa na mismo ang nagpapa-alis sa amin. Ang galing naman ni Nath, napapayag niya si papa.

"Sige po sir, alis na po kami, sa amin na lang po kakain ng dinner si Elise."

"Okay. Basta ihahatid mo 'yan dito before 8pm. One more thing wag na sir, tito na lang." May curfew pa din pala ako, akala ko pa naman wala na.

"Okay po tito, maraming salamat po. Siya nga po pala, minsan po ulit hihiramin ko yung anak niyo sana po okay lang." Mukha na ba akong gamit para hiramin lang?

"Osige iho, minsan ikaw na lang ng dumito." Parang may mali. Bakit ang bait ni papa kay Nath? Si Nath din ang bait makipag-usap 'di ba dapat pareho silang masungit? Ganoon ba talaga 'pag pareho ang ugali? Nagkakasundo?

"Tara na Elise. Teka, magbihis ka na lang muna, ganyan pala mga pambahay mo? Hello Kitty may mga butas pa." Pagkasabi niya 'non ay tumawa siya. Napatingin naman ako sa damit ko at tinalikuran na lang siya. Umakyat na ako para magpalit. Nakakahiya kainis!

*****

Nasa sala kami ng bahay nila at tinuruan ko na siya. Hindi naman siya mahirap turuan. Ang bait din ng lola niya, masyadong akong ina-asikaso pagdating ko pa lang hanggang sa bago ako umuwi. Nasaan kaya ang mga magulang ni Nath?

"O ija, balik ka dito ha? Para naman inspired mag-aral ang apo ko." Pagkasabi ng lola niya 'non ay tumawa ito. Si Nath naman ay napayuko.

"Lola naman. Ihahatid ko na po si Elise sa bahay nila lagot na ako sa papa niya."

"Osige, ingat kayo."

"Bye po lola, Thank you po." Pagkatapos kong magpaalam umalis na kami. Nagpahatid kami sa driver nila Nath.

"Elise andito na tayo. Salamat pala sa pagtuturo sa akin kanina mahina kasi talaga ako sa math e, sa susunod ulit ha?" Nagising ako nang marinig kong magsalita sa Nath, nakatulog pala ako. Tumingin ako sa paligid at nakitang nasa tapat na pala kami ng bahay.

"Wala 'yon. Sa susunod dalhin mo na sa bahay 'yung libro mo ha? Paki sabi pala sa lola mo salamat. Bye na, goodnight."

"Okay bye, goodnight din." Pumasok na ako sa loob nang maka-alis na 'yung sasakyan nila. Inaantok na talaga ako.

�(1���


Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Where stories live. Discover now