SASWY -- Chapter 8

3.5K 111 11
                                    

Chapter 8


Hinila ako ni Xavier palabas ng school pagkatapos na pagkatapos ng flag ceremony.

"Saan mo ako dadalhin?" natataranta kong tanong.

"Mag-lu-lunch date tayo. 'Wag kang umangal dapat no'ng isang gabi pa 'to e." Gusto ko sanang umangal kaso naisip kong 'wag na lang, pambawi ko na din sa kasalanan ko.

Nang makalabas na kami ng school ay pumara siya agad ng jeep. Ilang minuto lang naman ay bumaba na rin kami. Noon ko lang napagtanto na magkahawak pa pala ang mga kamay namin. Gusto ko itong tanggalin kaso hinatak na naman niya ako papasok. Nasa isang fine dining restaurant pala kami.

Hindi ko maiwasang sumama ang loob dahil kahit kalian hindi pa niya ako nadadala sa ganitong klaseng lugar pero si Claire dinadala na niya dito kahit na hindi pa sila ganoon katagal.

Sinalubong kami ng isang waitress tapos tinuro kami sa isang private room. Sinabi ng waitress na ise-serve na daw nila ang mga pagkain pagkatapos ay umalis na ito.

Napansin ko na naka-ayos ang loob ng room pagka-upo ko. Hindi lang basta naka-ayos, ang ganda ng pagkaka-ayos, mahahalata mo talagang pinaghandaan. Tinanong ko siya kung siya ba ang gumawa non pero hindi raw. Pinsan daw niya ang gumawa dahil wala naman siya oras para mag-ayos dito.

Ilang minuto lang ang inintay namin at dumating na rin ang mga inorder niyang pagkain. Ang dami! Kaya ba namin itong ubusin?

*****

Nagpupunas ako bibig ko dahil tapos na kaming kumain nang bigla akong tawagin ni Xavier.

"Bakit?"

"Belated Happy monthsary." Napatigil ako sa pagpupunas ng bibig ko sa sinabi ni Xavier.

"Bakit parang gulat na gulat ka? Last saturday June 24 first monthsary natin 'yun tapos hindi ka pumunta kaya ako nagtampo sa 'yo." Kaya pala gano'n na lang siya magtampo, monthsary pala nila no'ng sabado.

"Sorry my loves. Belated happy monthsary din."

"Nga pala gift ko sayo." Tumayo siya sa upuan niya at sinuot sa kamay ko ang isang simpleng silver na bracelet.

"Thank you, dapat hindi ka na nag-abala."

"Ang sabihin mo wala ka lang gift kasi nakalimutan mo," sabi niya habang nakangiti ng nakakaloko.

"Hindi na ako magsisinungaling my loves. Oo, nakalimutan ko kasi ayoko ng nagcecelebrate ng monthsary. Bakit pa ba kailngan i-celebrate 'yon e hindi naman tayo hanggang buwan lang. Mas maganda na anniversary na lang ang paghandaan natin 'di ba?" pagpapalusot ko.

"Oo nga no? Ganda ng logic my loves a! Saan mo nakuha yo'n?"

"Wala lang inisip ko lang." Naka-hinga naman ako ng maluwag nang lumusot ang palusot ko.

"Pero wala ka pa ring gift sa akin palusot ka lang e!" sabi niya pagkatapos ay tumawa pa. Akala ko lusot na hindi pa pala.

"Meron kaya!" Pagkasabi ko no'n ay hinalikan ko siya sa pisngi. "Okay lang naman kung hindi materyal na bagay 'di ba?" Napansin kong namula ang mga pisngi niya sa ginawa ko.

"Oo naman! Iyon na ata ang best gift! The best ka talaga my loves. You're the best among the rest!" proud niyang sabi.

"Mas best kaysa kay Elise?" Nagulat ako sa itinanong ko. Bakit 'yon pa? Ang dami-dami namang pwedeng itanong kay Xavier.

"Oo naman! Mas best ka kaysa kay Elise." Hindi ko maiwasang malungkot sa sagot niya. Dapat kasi hindi ko na lang siya tinanong.

"Paano mo naman nasabi?" Masokisa na kung masokista pero gusto ko ding malaman ang sagot niya.

"E kasi mas sweet ka, mas malambing ka, mas masaya ka kasama, mas may time ka sa akin, at syempre mas mahal kita."

"A, ganun ba?" Pinilit kong ngumiti.

Ako lang ba may mali? Hindi mo ba naisip na nasasaktan ako kapag pinipilit kong maging sweet tapos hindi mo pala na-aappreciate, na nasasaktan ako kapag pinipilit kong maglambing pero hindi mo pala ramdam yung effort ko, na tinatry ko ang mga bagay na 'yan Para sayo! Kahit na hindi naman talaga ako ganyan. At alam mo ba na sobrang sakit dahil minahal kita ng sobra tapos ikaw may mahal ka nang iba?

"Ahh, Xavier excuse, wash room lang ako." Hindi ko na siya hinintay na makasagot. Tumayo na ako at tumakbo papuntang CR. Pagkapasok na pagkapasok ko ay tumulo na kaagad ang mga luha ko, mabuti na lang at walang tao. Sana hindi ko na lang tinanong. Hindi ko alam na ganito kasakit ang mararamdam ko sa ginawa ko.

d if yov 1M3�T


Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Där berättelser lever. Upptäck nu