SASWY -- Chapter 29

2.4K 72 13
                                    

Chapter 29


December 20 na at desidido na ako. Pinag-isipan ko 'tong mabuti. Hindi ko lang basta pinag-isipan syempre inalam ko kung sino ba talaga ang itiniibok ng puso ko at alam ko na hindi ako magkakamali sa pinili ko.

Nagdoorbell ako sa bahay nina Xavier at nagbukas na kaagad 'yung gate nila. Si Xavier ang sumalubong sa akin. Bigla akong kinabahan. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Elise?" gulat niyang sabi tapos unti-unting nagform ang malapad na ngiti sa mga labi niya. "Ang ibig sabihin ba nito ako ang pinipili mo?"

Huminga muna ako ng malalim bago ako umiling at napayuko na lang ako. Nahihiya ako kay Xavier. Sinabi niya kasi sa akin na pumunta lang ako dito kapag siya 'yung pinipili ko. Pero ngayon nandito ako sa harap niya, sa harap ng bahay nila pero hindi naman siya ang pinipili ko.

"Xavier sorry. Alam kong hindi na ako dapat pumunta pa dito kasi hindi naman kita pinili. Alam kong mas lalo lang kitang pinapahirapan sa ginagawa ko pero hindi ko mapigilan 'yung sarili ko na humingi ng sorry sa 'yo," sabi ko habang pinipigilang umiyak.

"Okay lang, Elise. Wala ka namang dapat ipagsorry, alam ko namang nang dahil sa amin nahirapan ka rin. Sana lang hindi ka niya saktan Elise."

"Hindi 'yan, wala naman sa tipo ni Nath na sasaktan niya ako 'di ba?" sagot ko sa kanya na medyo pabiro. Para mabawasan na din yung bigat ng loob ko.

"Oo nga naman. Mukha naman talagang mahal ka no'ng mokong na 'yon e at mahal mo rin siya." Napayuko ako sa sinabi niya. Nahihiya talaga ako sa kanya.

"Elise. Bakit siya yung pinili mo?" Napaangat ang ulo ko sa tanong niya. Kailangan ko ba talagang sagutin 'yan?

"Okay lang Elise. Gusto ko lang malaman. 'Wag mong isipin 'yung mararamdaman ko."

"Kasi iniisip ko pa lang na hindi ko siya makakasama, makakausap o kahit makikita man lang hindi ko na kaya. Hindi ko naman sinasabi na pag ikaw kaya ko. Pero Xavier nakamove on na ako sa 'yo matagal na at sa tingin ko, hindi ko na maiibabalik 'yung dati kong pagmamahal para sa 'yo." Huminto muna ako para tingnan 'yung reaksyon niya pero nakapoker face lang siya.

"Dahil ba 'to sa nagawa ko dati Elise? Pero-" Hindi ko siya pinaapos.

"Hindi 'to dahil sa nasaktan mo ako dati Xavier. Alam naman natin na hindi mo 'yon ginusto, na pareho tayong nasaktan sa ginawa mo. 'Wag mo isipin na 'yon yung dahilan."

"Okay, pero Elise no'ng hindi ko pa alam na ikaw 'yung nandyan sa katawan ni Claire. Hindi man lang ba bumalik 'yung nararamdaman mo para sa akin? Kahit katiting?" Alam ko namang hindi mo matanggap Xavier pero hindi mo kailangang ipilit ang sarili mo sa akin.

"Hindi. Alam mo ba na nang dahil sa mga sweet gestures mo. Mas lalo ko lang napatunayan na mas mahal mo si Claire kaysa sa akin. Masakit sa una pero nasanay na rin naman ako. Xavier, 'wag mo nang ipilit okay? Buo na ang desisyon ko. Sorry. Sige aalis na ako." Tumalikod na ako sa kanya.

"Xavier. Isang araw pasasalamatan mo din ako na hindi ikaw ang pinili ko. Kasi alam ko naman na mas mahal mo si Claire kaysa sa 'kin. Matuto kang magpatawad Xavier, para naman mahanap mo 'yung kasiyahan mo at alam kong si Claire 'yon. Pag-isipan mo 'yung mga sinabi ko," sabi ko bago ako tuluyang umalis. Hindi na naman siya sumagot.

Kung ako ang tatanungin niyo. Napatawad ko na si claire. Nagkausap na kami kahapon lang. Inaya ko siyang magdinner sa isang restaurant. Tinawag ko siyang best friend na siyang kinagulat niya pero sa mga oras na 'yon alam namin na okay na ang issue sa pagitan naming dalawa.

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Where stories live. Discover now