SASWY -- Chapter 9

3.5K 109 28
                                    

Chapter 9


Alas-siyete na ng gabi, isang oras na din pala akong nakahiga sa kama ko at iniisip ang

mga nangyari kanina. Napailing na lang ako at bumangon mula sa pagkakahiga ko.

"Elise, wag mo nan gang isipin 'yon. Mai-stress ka lang e." Sabi ko sa sarili ko. Kinuha ko na lang ang mga libro ko sa bag at nag-aral. Naalala kong may quiz nga pala kami sa math bukas kaya naman una kong hinanap 'yung math book ko pero hindi ko makita. Hindi kaya naiwan ni Claire 'yon sa school?

Tumingin ako sa orasan, 7:08 na pero hindi pa naman masyadong madilim sa labas kaya nagmadali akong magbihis at nagpaalam kay papa. Bukas pa naman yata ang school dahil sa pagkaka-alam ko may guard naman do'n ng ganitong oras.

Wala pang sampung minuto ay nasa school na ako, walking distance lang naman kasi ang school mula sa bahay. Pumunta ako kaagad sa locker area at binuksan ang locker ko, nakita ko naman kaagad ang math book ko.

Paalis na ako nang biglang namatay ang ilang ilaw na nakasindi dito sa locker area. Brownout yata, nagsimula nang magtaasan ang mga balahibo ko sa katawan sabi kasi ng karamihan ay may white lady raw dito sa school na pagala-gala.

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko at pina-ilawan ang dadaanan ko. Naglakad na ako palabas ng locker area wala naman akong white lady na na-encounter pero natatakot pa rin ako.

Dahan-dahan lang akong naglakad nang may narinig akong kalabog, parang may bumagsak kaya naman napapikit na lang ako at napatakbo ng mabilis palabas ng school nang bigla akong may mabunggo na dahilan ng paglanding ko sa lupa.

"Aray," sabi ko sabay himas sa pwet ko. Napadilat ako at nakitang isang lalaki pala ang nakabunggo ko. Tiningnan lang niya ako at parang walang balak na tulungan ako.

"Sorry miss." Tumayo na ako bago ko siya sinagot.

"Okay." Badtrip ako kaya 'yan lang ang sinagot ko.

"Wait. Elise right?" Bakit naman ako kilala nito? Base sa uniform niya hindi ko siya schoolmate. Hindi naman ako sikat para makilala sa ibang school.

"Sino ka? Bakit mo ako kilala?"

"I'm Jed, Jed Hernandez." Hernandez? Kamag-anak ba 'to ni Xavier?

"Kilala ba kita?"

"Kakapakilala ko lang." Tapos ngumiti siya ng malapad. Bastos din 'to a.

"I mean dati."

"Nope. Hindi mo pa ako kilala dati pero ako kilala na kita dati." Paano naman nangyari 'yon?

"Paano mo naman ako nakilala?" Tinaasan ko siya ng isang kilay para sumagot ng matino.

"Pinsan ako ni Xavier, madalas ka niyang maikwento sa akin dati with matching pakita pa ng pictures mo."

"Okay I see," sabi ko ng patango-tango.

"Anong nakita mo?" Anak ng! Literal talaga?

"Psh. Korny, sige alis na ako mag-aaral pa ako."

"Hatid na kita madilim na e."

"Wag na kaya ko naman, hindi naman ako nalulumpo kapag madilim na." Akala niya siya lang ang marunong mang-inis? Pwes! Marunong din ako.

"Okay ingat ka na lang sa mga kapre ha? 'Yung ibang puno kasi na madadaanan mo bali-balitang tirahan daw ng kapre." Nagtayuan na naman ang mga balahibo ko sa sinabi niya at hindi na naka-imik.

"Oh ano? May paa ka pa ba kapag may kapre?" Marahan akong umiling. Nakakainis!

"Ano pala kinukwento sa 'yo ni Xavier?" Bigla kong tanong habang naglalakad kami.

"Noong kayo pa, sabi niya maganda ka raw, sobrang bait at mahal ka niya. Sa akin nga 'yon nagpapatulong kapag nag-iisip ng mga regalo e."

"E no'ng hindi na kami?" sabi niya kasi noong kami pa daw. Ibig sabihin may iba pa siyang sinasabi sa pinsan niya ngayong hindi na kami.

"Wag na nakalimutan ko na e."

"Sige na sabihin mo na halata namang nagsisinungaling ka e."

"Sabi niya lang naman na, he found someone better which is Claire." Dapat kasi hindi ko na pinilit eh, masokista talaga ako.

"Mukhang mahal mo pa yung pinsan ko a? Nasaktan ka pa e."

"Hindi na noh! Asa naman."

"Alam mo Elise, kilalang kilala ko 'yang ganyang mata. Teary eyed ka o, ibig sabihin no'n nasaktan ka sa sinabi ko kaya mahal mo pa ang pinsan ko."

"Whatever!" Iyan na lang ang nasabi ko.

"Hoy hindi mo ako yaya!" Tinaasan ko lang siya ng kilay dahil hindi ko nagets.

"Kasi 'di ba, sabi ni Angelina, whatever yaya." Iyon pala ang ibig niyang sabihin, napatawa tuloy ako ng wala sa oras.

"Ang korny mo!"

"Gwapo naman." Sabay pose ng pogi pose.

"Joke ba 'yan? Kung oo, nakakatawa." Tumawa na naman ako, siya naman ay mukhang naasar.

"Ang sama mo! Dyan ka na nga! Bahala ka may mga kapre d'yan." Pagkasabi niya no'n ay tumalikod siya at naglakad pabalik, hinabol ko naman siya.

"Hoy! 'to naman di mabiro. Oo na gwapo ka na, sabi mo e." Pagkasabi ko no'n ay tumalikod naman siya ulit na para bang walang nangyari.

"Elise paano namatay si Wolverine?" Namatay ba 'yun? Paano nga ba? Bakit ba niya 'yun natanong out of nowhere?

"Ewan. 'Di ko alam."

"Ako alam ko."

"Alam mo naman pala nagtatanong ka pa!" Ibang klase din 'to e.

"Tanungin mo kung paano." Patawa-tawa niyang sabi.

"Paano nga ba? Pinag-isip mo ko dun a!"

"Edi nangulangot!" Sabay kaming tumawa ng malakas dahil sa joke niya. Wala na kaming paki-alam kung mabulabog man naming ang mga nasa loob ng bahay. In fairness ang benta no'n.

Nasa tapat na kami ng bahay namin pero tawa pa din kami ng tawa kasi naman ang daming baon na joke ni Jed. Ang saya niya palang kasama.

"Bye na Jed, maraming salamat sa paghatid."

"Wala 'yon sige, uuwi na 'ko."

Papasok na sana ako ng gate nang biglang may nagsalita.

"Sino 'yun? bakit mo siya kasama?" Nilingon ko kung sino iyon at nakita ko si Nath. Bakit naman siya nandito?

"Si Jed 'yun bago kong kaibigan, pinsan ni Xavier. Teka nga pala, anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.

"A gano'n ba? Sige alis na 'ko. Magpapaturo sana ako sa math kaso late na kaya tinamad na ako," sabi niya tapos mabilis na naglakad palayo. Ang weird na naman ni Nath.


Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Where stories live. Discover now