SASWY -- Chapter 20

3.3K 97 14
                                    

Chapter 20


(Xavier's Point of View)

Isang buwan makalipas 'yung nangyari sa ospital. Isang buwan makalipas 'yung pag-amin nila sa isang 'di kapani-paniwalang bagay na totoo, at isang buwan makalipas 'yung sagutan namin ni Elise. Okay na kami, hindi na kami magkagalit. Humingi ako ng tawad sa kanya bago pa man matapos ang araw na 'yon.

Sa isang buwan na 'yon wala akong ibang inisip kundi si Elise. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit si Claire 'yung kasama ko si Elise 'yung naiisip ko, nasa katawan man siya ni Elise o nasa katawan niya.

Simula nang malaman ko lahat, nagsimula na akong malito. Ilang buwan din na minahal ko yung Claire na kaluluwa ni Elise. Lahat ng ginawa naming kasweetan kapag umaga, ginawa ko yun with Elise and not with Claire. Kapag naiisip ko 'yon nalilito ako.

Kahit kasi si Elise ang kasama ko no'n masaya ako at mahal na mahal ko 'yung kasama ko. Pero gano'n din naman ako kay Claire.

Sino na ba talaga ang mahal ko? Si Elise? o si Claire?

"My loves!" Napatingin ako sa babaeng pumasok sa kwarto ko. Sabado ngayon walang pasok kaya nasa kwarto ako nag-iisip-isip.

"Elise!" nakangiti kong tawag sa kanya, bigla namang sumimangot si Eli- Mali pala. Tanga ka talaga Xavier kahit kailan. Si Claire kaya 'yan! Tama ba namang tawagin mong Elise?

"My loves, pasok ka muna, kaya lang naman kita tinawag na Elise kasi ang weird kapag may naka-rinig sa atin 'di ba?" pagpapalusot ko.

"Okay. Akala ko nakalimot ka na, 10:30 po ngayon ng umaga."

"Bakit ka nga pala nandito my loves?"

"Wala kasi akong magawa sa bahay e, kaya naisip kong gawin 'yung ginagawa ko talaga kapag walang magawa. Ang puntahan ka. Bakit my loves bawal ba?" Nag-pout siya pagkasabi niya no'n, ang cute ni Elise, este ni Claire. Pero si Elise yung nakikita ko e, ang gulo!

"Alam ko na manuod na lang tayo ng sine my loves para hindi ka mabore. 'Wag ka na magpout d'yan. Hindi ka cute!" Pikon si Claire kaya alam kong magagalit 'to. Natawa ako nang mag-iba na ang itsura ng mukha niya,

"A gano'n? Hindi pala cute 'yung mukha ni Elise? Sige sumbong kita!"

"Hindi, joke lang my loves. Teka magbibihis lang ako tapos labas na tayo."

"Takot ka pala kay Elise?" Napalingon ako bigla sa kanya habang namimili ako ng damit sa closet ko. Bakit naman kasi yun ang tanong niya?

"Medyo. Wala akong palag do'n." Nginitian ko siya. Pumasok ako sa banyo para mag-bihis tapos umalis na kami.

Maghapon kaming namasyal sa mall at maghapon din kaming magkahawak ng kamay ni Claire. Hindi ako komportable pero hinayaan ko na lang. Blaire bakit ka ganyan? Dapat hindi ka nagpapakita ng kasweetan sa akin kapag nasa katawan ka ni Elise. Mas lalo akong nahihirapan sa ginagawa mo e.

*****

(Nath's Point of View)

"Ano bang meron Jane? Bakit mo naman ako tinawagan?" tanong ni Elise kay Jane. Pinapunta kasi kami ni Jane sa bahay niya nang walang dahilan, basta sinabi lang niya na dalian namin kaya akala ko at ni Elise, may emergency. Sa nangyayari ngayon parang naiintindihan ko na ang nangyayari, isa 'tong set up. Nalaman kasi ni Jane na may gusto ako kay Elise no'ng mga nakaraang araw.

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon