SASWY -- Chapter 11

3.5K 110 22
                                    

Chapter 11


(Elise's Point of View)


"Elise maraming salamat talaga, hindi mo alam kung gaano mo ako napasaya," sabi ni Jed. Nasa Jollibee kami dahil dito niya ako dinala, kakabalik ko lang sa katawan ko kaya medyo nagulat ako sa mga sinabi ni Jed. Binigyan ko siya ng nagtatakang itsura.

"Sa pagpayag mo na manligaw ako." 'Yon lang pala, akala ko kung ano na. Actually I have two reasons kung bakit ako pumayag. Una dahil gusto kong makita ang magiging reaksyon ni Xavier kapag nagpaligaw ako sa pinsan niya, hindi ko alam kung bakit gusto kong makita, siguro nacucurious lang talaga ako. Pangalawa, gagamitin ko siya para makapagmove on, in other words, panakip butas. Alam kong hindi magandang pakinggan, pero desperado na talaga akong magmove on, pagod na kasi akong masaktan.

"A 'yon ba? Wala 'yon, gusto ko lang din subukan," sabi ko.

"Elise, may gagawin ka ba sa sabado?" tanong niya.

"Yeah," walang gana kong sagot. Meron naman talaga, kailangan na naming makahanap ng solusyon para bumalik na kami sa normal ni Claire.

"Gano'n ba? Sayang, aayain pa naman sana kitang lumabas." Gusto ko din sanang lumabas kasama si Jed pero hindi talaga pwede.

"Alam mo Elise, tumataba ka na," sabi niya. Tinigilan ko ang pagkain ng fries dahil naconcious ako. Gaano na ba kalakii ang tinaba ko? at napansin niya sa loob ng dalawang araw? Napatingin ako sa kanya dahil bigla naman siyang tumwa.

"Bakit ka tumigil sa pagkain ng fries? Ayaw mo na ba?" sabi niya na haatang nagpipigil ng tawa.

"Kasi sabi mo tumataba na ako e. Alam mo bang rude na sabihan mo ang isang babae ng gano'n?" Nagpout pa ako para ipaalam sa kanya na nasaktan ako sa sinabi niya pero tumawa lang siya ulit.

"Oo nga tumataba ka naman talaga, bumibilog, at unti-unting nagiging mundo ko." Napayuko na lang ako at palihim na nggumiti, pinipigilan ang kilig.

"Kinilig ka no? Tuloy mo na 'yang pagkain mo ng fries, mamaya hindi na yan masarap."

"Che! Ikaw talaga ang dami mong alam!" Pinalo ko siya sa braso at kumain na ng fries.

"Daming alam ka diyan, e ikaw na nga lang laman ng utak ko e." Pakiramdam ko uminom ako ng hot sauce dahil nag-iinit na 'yung mukha ko.

"Hay nako! Manahimik ka na nga diyan! Tara na at umuwi na tayo."

"Tara, ihahatid na kita." Kinuha niya 'yung bag niya at mga libro ko tapos lumabas na kami ng Jollibee. Sumakay kami ng jeep at pagkapara sa tapat ng village namin ay naglakad na kami papunta ng bahay namin.

"Pasok na 'ko sa loob, bye!" paalam ko sa kanya nang makarating kami sa tapat ng bahay.

"Teka, sama ako." Bakit naman siya sasama sa loob? Pipigilan ko pa sana siya pero huli na ang lahat, nagdoorbell na siya sa bahay at lumabas na si papa.

"Good evening po sir, ma'm," bati niya sa magulang ko. "Ako po pala si Jed Hernandez, manliligaw po ni Elise." What the hell? Sinabi ba niya 'yun ng basta basta lang? Tiningnan ko ang reaksyon nina papa at mukhang nagulat sila pareho, hindi ko mabasa ang iniisip ni papa.

"Masyado pa kayong bata iho, pero hanggat kaya mong alagaan si Elise at hindi mo siya sasaktan sige lang, pumapayag ako." Nagulat ako sa sagot ni papa, ang super strikto kong papa ay napapayag niya?

"Talaga po sir? Maraming salamat po sa pagpayag," sabi ni Jed na halatang tuwang tuwa. Si mama naman ay nakangiti lang.

"Ay bongga! May manliligaw na ang baby sister ko!" Napatingin kaming lahat kay ate Paula na sumigaw mula sa kwarto niya. Natawa na lang kami ni Jed.

Hindi din naman nagtagal ay nagpaalam na si Jed sa mga magulang ko at hinatid ko na siya palabas ng gate.

"Bye, ingat ka," sabi ko.

"Wala bang goodbye kiss?" Ngumiti siya ng nakakaloko.

"Che! kiskis ko 'yang mukha mo sa pader gusto mo?" Natawa naman ang kumag sa sinabi ko.

"May pagkabrutal ka pala? Sige na, bye na." Sinundan ko lang siya ng tingin habang paalis hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. Napangiti na lang ako nang maalala ko ang ginawa niyang pagpapaalam sa magulang ko, ayan tuloy, nadagdagan ako ng rason kung bakit ako pumapayag sa panliligaw niya. Sa tingin ko ay unti-unti ko na siyang nagugustuhan.

"Kapag masakit pala ang ulo mo, kailangan kasama mo yung bago mong kaibigan?" Napatalon ako sa gulat nang may marinig akong pamilyar na boses bago pa ako tuluyang makapasok ng bahay.

"Nath? Bakit ka na naman nandito? Wala naman tayong quiz sa math a." Bakit ba ang hilig na niya akong subaybayan? At bakit palagi pa siyang naka-abang sa labas ng bahay ko? Ano ba siya, gwardya?

"Inaya kasi kita kanina para lumabas pero sabi mo masakit ang ulo mo. Nag-alala ako kaya nag-abang ako dito ng mga isang oras, para siguraduhing safe kang naka-uwi. Nag-alala pa ako kasama mo lang pala yung bago mong kaibigan."

"Teka nga! E ano naman kung kasama ko si Jed?"

"Wala naman, ang sa 'kin lang sana hindi ka nagsinungaling. Sana sinabi mo na lang na may pupuntahan kayo ng Jed na 'yon para hindi ako nag-alala. Kaibigan mo kasi ako Elise, nagmamalasakit lang." Bigla naman akong naguilty sa mga sinabi niya. Bakit ba kasi 'yon pa ang dinahilan ni Claire?

"Okay sorry." Kahit hindi naman talaga ako ang may kasalanan. "'Wag ka nang mag-alala sa 'kin Nath dahil safe ako kay Jed at bilang kaibigan ko, gusto kong ipaalam sayo na nanliligaw na siya sa akin. Salamat na lang sa pag-aalala."

"Ano? E kakakilala mo pa lang do'n two days ago a? Elise naman 'wag ka ngang magpadalus-dalos sa mga desisyon mo! Baka mapahamak ka lang, wala akong tiwala sa Jed na 'yon Elise."

"Excuse me lang Nath! Ikaw na ang nagsabi na kaibigan kita at nagmamalasakit ka. Naappreciate ko 'yon pero pwede? 'Wag mong pakialaman ang desisyon ko? At pwede bilang kaibigan ko suportahan mo na lang ako?" sabi ko tapos pumasok na ako ng bahay. Bigla akong nainis sa mga inaasta niya. Ang weirdo niya talaga.


Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Where stories live. Discover now