SASWY -- Chapter 19

2.8K 86 14
                                    

Chapter 19


"Hindi pwede Claire! Bakit naman?" Napataas yung boses ko bigla, kasi naman ano bang pumasok sa utak ni Claire at gusto na niyang aminin kay Xavier 'yung sitwasyon?

"Elise makinig ka sa 'kin okay? Ito na lang 'yung naiisip kong paraan para mawala na 'yung pagseselos ko sa 'yo. Kapag kasi nalaman na ni Xavier na ako 'yung Elise na nilalapitan niya palagi, marerealize niya 'yung mali niya. Kung malalaman niya 'to ikaw rin naman ang giginhawa e, dahil 'di mo na kailangan pang magpanggap." Hindi muna ako nagsalita, nag-isip muna ako kung tama ba 'tong gagawin namin, hindi ko alam kung ano nang mangyayari sa 'min pagkatapos ng pag-amin.

"Elise, bakit ba ayaw mong malaman ni Xavier?" Pagkasabi sa akin ni Claire niyan napa-isip ako. Oo nga naman bakit ba ayaw ko? Magsasabi na nga kami ng katotohanan e.

"Ewan, hindi naman sa ayaw ko Claire. Hindi ko lang alam kung anong mangyayari pagkatapos nating umamin. At baka magalit si xavier sa atin."

"Elise, trust me mas magiging magaan na sa atin ang sitwasyon kapag nalaman 'to ni Xavier. Hindi na natin kailangan magpanggap sa harap niya. Mas magiging komportable tayo." Tama nga naman. Haaays, bahala na nga.

"Okay. Bahala na, kung yan na lang ang solusyon para maging okay ka. Pero kailan natin sasabihin?"

"Ngayon na Elise." Hindi na ako nagpakabagal lumabas ako ng kwarto at si Xavier lang ang nakita ko do'n kaya tinawag ko na siya.

Nasa loob na kami ng kwarto ngayon at nakatingin lang si Xavier kay Claire, halata sa mata niya na nag-aalala siya para sa akin. Xavier naman kasi, bakit ka ba nagpapakita ng ganyang affection para sa akin?

"Xavier." Binasag ni Claire ang katahimikan.

"Ano 'yon Elise?"

"May gusto kasi kaming aminin sa 'yo. Maupo ka muna at please makinig ka at sana maintindihan mo." Takang takang sumunod si Xavier. Naupo siya sa sofa sa gilid ng kama ni Claire.

"Oops." Napatingin kami sa nagsalita na nasa may pintuan. Si Ellie pala kasama si Nath at Jane. Mukhang nahalata nila na may pinag-uusapan kaming tatlo.

"Ellie!" tinawag ni Claire si Ellie bago pa masara nito ang pinto kaya napalingon si Ellie bigla.

"Sorry aalis na kami"

"Hindi kailangan, pumasok kayong tatlo." Napatingin ako kay Claire at tiningnan siya ng anong-binabalak-mo-look kahit alam ko naman na ang balak niya, na sabihin din kay Ellie at Nath 'yung totoo. Tiningnan naman niya ako ng trust-me-look kaya hinayaan ko na lang.

Naupo sa tabi ni Xaver sina Nath at Ellie. Si Jane naman nakatayo sa tabi ko. Nakatayo kami sa kabilang side ni Claire.

"Dahil kaibigan naman namin kayo ni Claire may karapatan din kayo malaman 'yung sikreto namin. Sana maintindihan niyo kami."

"Ano ba yun Elise?" tanong ni Ellie

"June pa 'to nangyari. May weird na nangyari sa amin. Hindi namin 'to sinabi sa inyo kasi hindi rin namin alam kung paano nangyari 'to, at mukhang hindi naman kayo maniniwala. Kasi kahit kami hindi kami makapaniwala sa nangyari."

Nakikinig lang ng mabuti 'yung tatlo. Mukhang takang taka sila, kung ano ba 'yung sinasabi ni Claire sa kanila.

"Okay hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Nagkapalit kami ng kaluluwa ni Elise. Ako ngayon si Claire."

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Where stories live. Discover now