SASWY -- Chapter 7

3.8K 112 19
                                    

Chapter 7


(Elise's Point of View)

Kakagising ko pa lang kaya naman naghilamos na muna ako, pagkatapos ay naligo at nagbihis bago ako bumaba para kumain ng almusal.

Umiinom ako ngayon ng juice nang biglang may malakas na katok ang narinig ko mula sa main door namin. Dali-dali akong tumayo at binuksan anng pinto.

"Ikaw pala Clai-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil sa malakas na sampal sa akin ni Claire, pagkatapos ay binato niya sa 'kin ang cellphone ko. Naiwan ko pala sa bulsa niya 'to.

"Claire, bakit?" 'Yan na lang ang tanging nasabi ko.

"Bakit hindi mo sinabi sa 'kin na may dinner date kami dapat ni Xavier kagabi? pinaghintay mo siya dun hanggang 10pm!" Kung nagulat ako sa sampal ni Claire ay mas nagulat ako sa sinabi niya. Nakalimutan ko pa lang sabihin sa kanya ang tungkol do'n.

"Sorry Claire nakalimutan ko kasi. 'Wag kang mag-alala gagawan ko 'to ng paraan."

"Dapat lang Elise," galit niyang sabi sa akin tapos tumalikod na siya para umalis. Ang susunod niyang sinabi ay hindi ko inaasahan.

"Elise, sana hindi mo sinasadya na paghiwalayin kami ni Xavier. Sana hindi ka gumaganti sa amin." Pagkasabi niya 'non ay tuluyan na siyang umalis. Hindi ko na napigilan pa ang pag-agos ng mga luha ko. Kahit kalian hindi ko inisip na gumanti sa kanila pero bakit iyon ang naiisip ni Claire?

Inayos ko na lang ulit ang sarili ko pagkatapos ay nagpahatid na sa driver nila Claire.

Malamang galit si Xavier sa akin ngayon, at isa lang ang paraan para magbati kami. Iyon ang suyuin at humingi ng sorry sa kanya. Iyon lang din ang paraan para magkabati kami ni Claire.

Ilang minuto lamang ay nakarating din kami kaagad sa school. Binuksan ko na ang pinto at inilaylay ang isa kong paa, takda nang bababa na ako ng sasakyan pero bigla nalang akong nanginig. Hindi ko alam kung bakit pero kinakabahan akong bumaba ng sasakyang 'to. Para bang ang sasakyang 'to na ang comfort zone ko dahil alam ko na kapag tumapak na ako sa school namin simula na ng araw ko kasama si Claire at Xavier na parehong galit sa akin. Natatakot ako sa maaaring mangyari.

Nakababa din ako ng sasakyan at nagsimulang maglakad papuntang classroom namin. Nangngininig pa din ang mga tuhod ko. Ano nga ba ang kinakakaba ko? Alam ko kasi kung paano magalit ang dalawang 'yon. Ipapakita nila iyon sa pamamagitan ng hindi pagpansin sa 'yo. Iyon na ata ang pinakamasakit na gagawin sa 'yo ng kaibigan mo, kaya iniisip ko pa lang na mangyayari sa 'kin ay nasasaktan na ako.

Pumasok na ako ng classroom at nakita ko agad si Xavier na nakatungo. Natutulog siya, ayoko naman siyang gisingin kaya dumeretso na lang ako sa tabi niya. Nilagay ko yung bag ko at nasagi ko 'yung upuan niya.

Nagising siya at napatingin sa akin pagkatapos ay natulog lang ulit. Tama ako, galit nga siya sa akin. Umupo na ako sa upuan ko at nagising na naman siya kasi natamaan ng upuan ko yung upuan niya. This time sinasadya ko na talaga 'yun para naman makausap ko na siya.

"Tsk." 'Yan lang ang reaksyon niya at bumalik na naman sa pagtulog.

Kinalabit ko siya sa balikat pero hindi niya ako pinansin. Kaya naman naisipan kong sundutin ang tagiliran niya. Hindi naman ako nabigo dahil mapa-angat ang ulo niya. May kiliti kasi siya sa tagiliran.

"Ano ba Claire! Pwede ba patulugin mo muna ako? Napuyat kasi ako sa pag-aantay sayo kagabi e." Tapos tumungo na naman siya sa mesa niya. Ako nga naman kasi ang may kasalanan kung bakit siya puyat. Bakit ba naman kasi nakalimutan ko 'yung dinner date nila?

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon