SASWY -- Chapter 4

5.5K 129 43
                                    

Chapter 4


(Xavier's Point of View)

"Xavier anak gisingin mo na 'yung mga kapatid mo at maghahapunan na tayo," utos sa 'kin ni mama habang naka-upo ako sa sofa at naglalaro ng psp. Kahit malapit ko nang matalo ang kalaban ko sa tekken ay sinunod ko pa din si mama dahil wala naman akong choice, ako ang panganay e. Isa pa mabait at masunurin akong anak, sabi nila.

Dati puro positive comments ang natatanggap ko mula sa mga tao pero ngayon may negative comments na akong naririnig simula no'ng nag-break kami ni Elise.

Alam kong isang akong malaking gago sa pakikipaghiwalay sa kanya pero ano ba ang magagawa ko nung mga panahong 'yon? Ayaw ko lang namang mahirapan pa siya.

Alam ko rin na mas kagaguhan 'yung pakikipagrelasyon ko sa bestfriend niya. Nang dahil do'n nagkaroon ng gap sa kanilang dalawa. Si Claire na nga lang ang taong masasandalan niya sa break up namin kinuha ko pa. Hindi ko naman talaga inaasahan na mamahalin ko si Claire at naniniwala ako na kapag mahal mo ang isang tao ipaglalaban mo 'yon at walang pwedeng humadlang sa 'yo.

Bakit ba kasi gano'n ang mga babae? Ang tagal mag-move on. Hindi ba pwedeng kalimutan na lang nila lahat at makipagkaibigan na lang ulit? 'Yung wala ng bitterness.

Kaya masaya talaga ako nang pumayag na siyang makipagkaibigan sa 'kin ulit. Simula no'n nakaramdam ako ng kalayaan. Nagulat pa nga ako nang pagbantaan niya ako kung sakaling lokohin ko ang bestfriend niya, mukhang nagkaayos na nga talaga sila.

Mahal ko naman talaga si Claire. Sobrang mahal ko siya at hindi ko maimagine na maghihiwalay kami. Kung may magtatanong sa 'kin kung sino ang mas minahal ko, I think it would be Claire.

Kahit na magbestfriend sila marami silang pinagka-iba. Physically, socially at bilang isang partner. Physically, pareho naman silang maganda pero magka-iba naman 'yung ganda nila. Socially, si Elise ay tahimik lang, mabait, mapagkumbaba at friendly. Si Claire naman medyo may pagkamadaldal, kaya nga hindi kami palagi nauubusan ng topic kapag nag-uusap, friendly, mabait at medyo palaban.

Bilang isang partner? Si Elise sweet siya minsan pero hindi masyado. Si Claire, iba siya. Sweet na malambing pa dahil madaldal siya masarap siyang kausap at kasama.

Iniisip ko na naman si Claire. Tapos na kaming kumain kaya nandito na ako sa kwarto. Gano'n ko katagal iniisip si Claire hanggang sa panaginip nga nadadala ko siya e. Miss ko na siya, hindi kasi kami magkatext dahil natutulog siya.

Maitext nga.

To: My Loves

Goodnight my loves! Miss na kita.. Nga pala date tayo sa sabado ha? I mean dinner date :) 7pm sa dati :)) Sleep well, I love you :*

Ilang minuto lang ang nakakalipas ay biglang tumunog 'yung cellphone ko. Gising ba siya? Sabi niya matutulog siya a.

From: My Loves

Okay :) Goodnight, sleep well and I love you too :*

Nagreply ako at tinanong kung bakit gising siya at sinabi niyang nagising siya sa text ko. Naguilty tuloy ako dahil naistorbo ko pa ang pagtulog niya. Makatulog na nga lang para mag-kita na kami ni Claire bukas.

(Elise's Point of View)

Naka-upo ako sa sofa at laking pasasalamat ko dahil hindi ko na kasama si Xavier. Hinihintay ko si Claire dahil kailangan pa naming mag-usap tungkol sa mga nangyari sa amin kaninang umaga lang. Kailangan na naming makahanap ng solusyon dito. Hindi naman nagtagal ay dumating na din si Claire

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Where stories live. Discover now