SASWY -- Chapter 1

13.7K 286 34
                                    

Chapter 1


First day ng aking pagiging 4th year high school at muntik pa akong malate. Sakto ang pagpasok ko sa gate dahil kasabay nito ang pagtunog ng bell. Kaagad akong pumunta sa classroom namin pero hindi ako kaagad pumasok. Hindi ko mabuksan ang pinto dahil sa kaba. 4th year high school na ako at dati nang mag-aaral sa school pero para sa'kin ay hindi ordinaryong araw ang araw na 'yon.

Matapos ang break up namin ng ex-boyfriend ko no'ng summer vacation, sa araw na 'yon ko pa lang siya muling makikta, kasama ng bago niyang girlfriend. Gusto kong aalamin kung nakapagmove on na ba ako o hindi pa. Kung paano? Titingnan ko lang naman kung kaya ko nang makita ang ex ko na kasama ang bagong girlfriend niya. Alam ko kasing kaklase ko sila pareho.

"Good morning po," bati ko sa teacher namin pagkapasok ko sa classroom namin.

"Good morning Ms. Lopez at dahil late ka sa first day, you'll be the first one to introduce yourself to your classmates." Hindi na ako nagreklamo pa dahil ayoko namang makipagtalo sa teacher namin, hindi naman talaga mawawala ang 'Introduce yourself' portion every first day of class at mukhang kailangan ko naman talagang magpakilala dahil may bago kaming kaklase.

"Good morning classmates I am Kylie Elise Lopez, Elise for short. 16 years old. Nice to meet you all again," pagpapakilala ko. Umupo na ako sa nakita kong vacant seat. Kaso mali ang napili kong upuan dahil katapat ng row ko yung row ng ex ko at ng girlfriend niya, na bestfriend ko rin.

"Good morning. I'm Austin Xavier Hernandez. Xavier na lang ang itawag niyo sa'kin." Speaking of my ex-boyfriend, siya nga pala ang ex ko. Dati ay mahal na mahal ko ang pangalan niya, pero sa oras na binanggit niya itong muli ay isinusuka ko na. Bitter na kung bitter, wala akong paki. Isa na lang ang nararamdaman ko ngayon para sa kanya, galit. Galit dahil sa mababaw niyang dahilan para hiwalayan ako, pero hindi ako galit sa best friend ko dahil alam kong wala naman siyang kinalaman, nagmahal lang siya.

"Hello! kilala niyo na naman ako 'di ba? I'm Sarah Claire Wilson para sa transferee. Claire for short." Sunod naman na nagpakilala ay ang best friend ko, hindi na kami masyadong nag-uusap simula no'ng naging sila ni Xavier. Hindi ko naman gustong mag-initiate ng conversation kasi ang awkward.

Napukaw ang atensyon ko nang may kumatok. Tingnan mo nga naman o! May mas late pa pala sa'kin? Natawa na lang ako sa naisip ko. Hindi pamilyar sa akin ang lalaking pumasok kaya alam kong new student siya.

"Yes? Are you Mr. Ramos?" tanong ng teacher namin sa pumasok na lalaki.

"Opo," sagot naman ng new student.

"Okay, introduce yourself," utos ni ma'am sa kanya pagkatapos nitong tingnan ang ID ng lalaki. "I'm Sean Nathaniel Ramos." Pagkatapos niyang magpakilala ay pinaupo siya ni ma'am sa tabi ko na dahilan ng pagkaba ko. Mayroon kasing masungit na aura ang bumabalot sa kaniya.

"Hi." Sinubukan ko siyang kausapin pero hindi naman siya sumagot kaya naman minabuti ko na lang na hindi na siya kausapin.

"Okay next!" sigaw ni ma'am.

"Maria Eleonor Castro here, Ellie is my nickname, nice meeting you all." Nagpakilala na yung isa pang new student. No'ng una ko siyang nakita ay para siyang mataray pero nang nagpakilala siya sa amin mukhang nagkamali ako ng panghuhusga. Pagkatapos niyang magpakilala ay naupo siya sa tabi ni Nath - yung masungit na lalaki. Wala naman kasi siyang sinabi kung ano ang itatawag namin sa kanya kaya Nath na lang ang itatawag ko sa kanya.

Switched & Stuck With Him [PUBLISHED]Where stories live. Discover now