IMAGINATION SERYE 1

49 11 5
                                    

"Hoy lalaki ka ha saan ka nanaman galing ha?" sigaw ko kay Mike na kakauwi lang.

"Baby galing akong trabaho ko" sagot nya naman.

"Aba ho mister baka ho nakakalimutan mo hanggang ala sais lang ang trabaho mo. At 7:30 naho nambabae ka nanaman ba ha?!" sigaw ko.

"Hoy misis ko bawal nabang mag overtime ng isang oras sa trabaho ko ha?" balik na tanong nya naman.

"Baka naman kase hindi overtime ang ginawa mo mister?!" sigaw naman ako ng sigaw sakanya pero kalmado pa den sya.

"Ewan ko sayo." sabi nya tyaka pumasok ng kwarto namin. Ah talagang sinusubukan nya ko ah wag syang tatabi saken matulog bahala sya.

"Oh umaano ka dito ha? Dun ka sa labas matutulog wag dito dun." tinutulak ko naman sya. Pero niyakap nya lang ako takteng lalaking to.

"Wag mokong madaan  daan sa mga yakap na yan. Tigilan mo ko dyan baka dito kapa matulog sa tabi ko ngayon gabi." sabi ko. Pero na nanatili pa den syang nakayakap saken.

"Ano bang problema ng misis ko ha? Bat kaba sumisigaw nasa tabi mo lang naman ako ah?" Malambing na tanong niya saakin.

"Nako ewan ko sayo" masungit na sagot ko at kumalas sa yakap nya.

Naririnig ko naman syang tumatawa sa loob ng kwarto hindi ba talaga nya ko susuyuin aba. Matapos tapos syang hindi mag text saken na mag oovertime siya tapos sya pa yung matutulog sa kwarto aba mali ata iyon.

Bumalik naman ako sa kwarto nakahiga na sya aba naman talaga. Anak ng tokwa't baboy naman oo.

"Hoy umalis ka nga dito sa labas ka matutulog" masungit na sabi ko ng makapasok ako ng aming kwarto. Pero tinignan nya lang naman aba ang attitude ng lalaking to ah.

"Ah talagang di ka aalis ako na lang aalis" inaantay ko namang lumapit sya sakin para tanungin kung anong kinakagalit ko pero wala hanggang sa makalapit ako sa pintuan.

Arghh!! Itong lalaking 'to talaga pag harap ko naman nakita ko syang naka tingin sakin.

"Oh! Bakit babalik ka akala ko aalis ka?" Nakangising tanong nya at nag taas pa ng kilay. Arghhhh!!!!

"Talagang hindi mo ako tatanungin kung bakit ako nagagalit sayo eh no? Wala ka man lang balak na suyuin ako no?" Inis na tanong ko sakanya at lumabas ng kwarto. Dumiretso na lang ako ng kusina at nag pasya na mag luluto ng fries.

Habang nag luluto ako naramdaman ko namang yumapos ang kanyang braso saakin. Napairap naman ako dahil doon

"Sorry na po baby ko. Bakit kase ang cute mo kapag nagagalit. Natatawa tuloy ako sayo, hindi ako makapag seryoso." Malambing na bulong niya

Pero hindi pa rin ako nag patinag at tinuloy ang pag luluto ko.

"Sorry na baby. Sorry na kung hindi ako nakapag paalam sayo iloveyou baby" sabi nya at kiniss ang aking pisnge

Sumimangot naman ako at hinarap sya. "Wala na hindi nako galit kainis ka!" Asar na sabi ko sakanya.

Hinalikan nya naman ang noo ko at ngumiti. Napanguso naman ako dahil doon "Wag mo ng uulitin yon pinaka kaba mo ko ih" sabi ko sakanya.

"Opo baby iloveyou" sabi nya.

"Iloveyoutoo" nakangusong sagot ko.

InkOvernight

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Imagination SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon