IMAGINATION SERYE 17

5 4 0
                                    

Umalis muna ako sa opisina nya dahil sa sobrang dami nyang trabaho nagkakasabay sabay na at nagkaroon din kami ng sagutan kanina. Ayokong maging pabigat sakanya kaya umalis muna ako.

At alam ko sa sarili ko na nagiging problema din ako sakanya dahil sa mga tantrums ko at ang pagiging moody. I'm three weeks pregnant and I'm still not telling him. I want to surprise him.

Naglakad lakad muna ako hanggang sa kahit saan na ako dalhin ng aking mga paa. Ganun ba sya kabusy para hindi mapansin na wala ako sa tabi nya? Umiling iling ako at iwinaksi ang isiping iyon.

Kaya nga ako umalis muna para makabawas sa problema nya diba? I don't want to be a burden on him. Problema sa opisina, problema sa nanay nya dahil ayaw sakin. Ang gusto nya ay maghiwalay kami at ipakasal ang anak nya sa babaeng gusto nya.

Bakit hindi sya ang magpakasal doon sa babaeng gusto nya? Eh hindi naman iyon ang gusto ng anak nya! Wag syang desisyon hindi sya gold!

Napapad ako sa may terminal ng bus. Kinapa ko ang bulsa ko, nakapa ko doon ang wallet ko tinignan ko iyon at may pera pa nga ako doon. Napangiti ako habang pinagmamasdan ang mga taong may kanya kanyang dalang mga bagahe.

Nakakamiss ang probinsya nakakamiss sila Mama ang mga kapatid ko. Hmm, nag isip muna ako ng ilang minuto bago ako nagpasya. Uuwi muna ako samin sa probinsya. Yay! I miss the smell of the fresh air there.

Pumila na din ako sa bus papuntang Batangas. Paakyat na ako doon sa may hagdanan ng bus ng biglang may pumulupot saking bewang. Agad kong nilingon iyon at kung kanino iyon.

Kay Harris iyon ang aking asawa!

"Saan ka pupunta? Iiwan mo ako?" Galit na tanong nya. Kinakabahan naman akong umiling sakanya.

"Bakit nandito ka? Nagbabalak ka nanaman na iwan ako Alicia?" Galit ngunit bakas doon ang sakit.

"Miss baka naman gusto nyo dyan tumabi ng asawa mo. Ang dami pangsasakay o!" Nabalik ako sa ulirat ko at mabilis na bumababa at hinatak si Harris doon sa gilid.

Madilim ang tingin nya sakin at lahat ng body guards nya ay nagkalat. Paniguradong may malilintikan nanaman dito dahil nakatakas ako sa paningin nila.

"Saan ka pupunta Alicia? I'm talking to you so give me a damn answer." Mariing ani nya. Napanguso ako at tumingkayad para abutin ang labi nya. Umiwas sya ngunit tinuloy ko pa din kaya ang pisnge nya ang nahalikan ko.

"Hindi tatalab yang halik mo Alicia answer me." Maawtoridad nyang sabi.

"Uuwi ako sa Batangas pero babalik din naman ako sayo. Ayokong dumagdag sa stress mo at sa problema." Nakangusong paliwanag ko.

"Not valid reason. Let's go home Im tired," Ani nya. Ngumiti ako at itinaas ang aking dalawang braso sa ere. Napailing sya at parang walang balak na buhatin ako.

"Hey! I'm pregnant and I already walked for so long my legs is already tired. Me and our baby is already tired so carry us. Now!" Naestatwa pa sya at prinoproseso pa ang sinabi ko.

"Hey!" Ani ko. At hinampas ang kaniyang braso para matauhan sya at effective nga! Marahan nya akong binuhat at isinakay sa loob ng kotse.

"Are you not happy that we're going to have a baby?" Nakangusong tanong ko sakanya ng mapansing tahimik sya.

"I'm still processing it love but when did you know? Why didn't you tell me? Sana dalawa tayong nag pacheck up?" Sunod sunod na sabi nya.

"I want to surprise you but nadulas na ako." Sagot ko.

"I will throw a fucking party after I finished all this fucking problem," Ani nya at hinalikan ang sintido ko. Sumiksik ako sakanyang katawan.

"Okay, me and our baby will wait," Ani ko at ipinikit ang aking mata

InkOvernight

Imagination SeryeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora