IMAGINATION SERYE 14

16 6 0
                                    

Napalingon ako sa gawi ni Jack my long time crush. Nakikipag usap nanaman sya sa ibang babae samantalang ako ayaw nya akong kausapin. Hindi ko alam kung bakit ayaw nya akong kausapin, tuwing susubok ako na kausapin sya ay agad syang umiiwas sakin. Napairap ako at inalis ang tingin ko doon.

Maya-maya ay pumasok na ang teacher namin at nag simula na ang klase. Pag dating ng tanghali ay nag kanya-kanyang alis na ang mga kaklase ko sa room. Kaunti lang kaming natira sa loob ng room kasama doon si Jack na tahimik lang habang tutok na tutok sa cellphone.

Binuksan ko ang bag ko para kunin ang hinanda kong pagkain para sakanya. Nakalagay iyon sa isang styro. Dali-dali akong nag lakad papalapit sakanya at inilapag sa lamesa nya ang styro na may lamang pagkain. Agad syang nag angat ng tingin sakin kaya ngumiti ako.

“What’s that?” malamig na tanong nya.

“Food, I cooked that for you.” Nakangiting sagot ko. Bumaba ang tingin nya doon bago umangat muli sakin.

“I don’t need that I can buy a food for myself.” Nawala ang ngiti ko doon at bumagsak ang balikat ko. Bakit ba ayaw nya na lang tanggapin? Pwede nya namang itapon yon o ipamigay sa kahit kanino kapag tumalikod na ako or umalis ako.

“Hey Jack let’s go I already reserved a resto for our lunch!” singit ni Andy. Napatingin ito sakin at peke syang ngumiti.

“Oh, nandyan ka pala? I didn’t see you hello Trisha.” Pekeng bati nya. Sinuklian ko sya ng tipid na ngiti.

“What’s this Jack?” tanong ni Andy at dinampot ang styro na binigay ko kay Jack.

“Its nothing.” Ani ni Jack. Si Andy naman ay binubuksan iyon.

“Oh food from her?” tanong nya kay Jack at tinuro ako. Tumango si Jack sakanya bilang sagot. Nag init ang mata ko nang sinadya nyang itapon iyon.

“Oh my god! Im sorry,” kunyaring tarantang ani nya at nilingon ako. Bakas sa mukha nya ang saya dahil sa nangyari.

“Its okay its nothing. Let’s just go,” malamig na ani ni Jack at tumayo tyaka naunang lumabas. Nag unahang tumulo ang luha ko dahil sa panlulumo at pagkapahiya.

Tumakbo ako habang hilam ang mata ko sa luha. Wala na akong pakialam kung sino ang mabangga ko o kung saan ako dalhin nang aking mga paa. Nagluto ako para sakanya, yung baon ko dapat ngayon araw ay pinambili ko ng pagkain para sakanya. I don’t have any money to buy a food for me. Pero kasalanan ko din naman dahil hindi naman sya humiling na ipagluto ko sya! Pero kahit man lang appreciation na lang para sa effort ko.

Hindi na ako bumalik sa klase namin at nanatili na lamang sa rooftop. Nakahiga ako sa bench doon habang unti-unting pinapanatag ang sarili ko.

“Okay lang to!”

“Who you ka sakin Jack kapag naka hanap na ako ng bagong crush!” sigaw ko. Napangiti ako dahil doon.

“And you think I’ll let that happen?” nag mamadali akong bumangon at nilingon si Jack. Dala nya ang bag ko at ang bag nya habang may hawak syang plastic. Agad akong tumayo at kimuha ang bag ko sakanya. Ngunit ayaw nyang bitawan iyon.

“Ano ba!” inis na sigaw ko sakanya. At hinila ang bag ko pero ganun pa din. Ayaw nya pang pakawalan.

“Maupo ka doon mag uusap tayo Trisha.” Malamig na aniya. Para akong maamong kuting at sinunod ang gusto nya. Bumalik ako sa pag kakaupo sa bench at umupo din sya doon. Nilapag nya ang bag namin sa likuran nya habang inilagay nya ang supot sa gitna namin.

“Kakain ka.” Malamig na utos nya. Ngumuso ako at umiling sakanya.

“No, ayoko itinapon mo ang niluto kong pagkain para sayo.” Nag tatampong sagot ko sakanya at iniwas ang tingin ko. Hinawakan nya ang pisnge ko at ihinarap ang aking mukha sakanya.

“Its not,” malambing na ani nya. Anong hindi kitang kita ng dalawang mata ko ‘yon! Walang effect sakin yang lambing na yan. Dagdagan mo pa.

“They’re watching us and I don’t want them to see how im soft on you mahal.” Ani nya at lumapit sakin.

“No you just prefer eating with Andy than the food that I cooked with love.” Sabi ko at sunod-sunod ang ginawa kong pag iling.

“No mahal aalis na sana ako pero dumating si Andy. I already tell her that I don’t want to go lunch with her. I only want to go a lunch with you.” Paliwanag nya.

“No you already did nakipag lunch kana sakanya. Dun kana lang I can still find another man pa naman.” Sagot ko at kinagat ang pisnge ko para mag itago ang ngiti.

“No I didn’t nung lumabas kami I tell her na you’re my girl and I don’t want to go with her. Believe me I just bought a lunch and get our bags. Baliw na baliw ako sayo mahal and sorry for earlier.” Ani nya at hinahanap ang paningin ko. Hinawakan nya ang pisnge ko at hinalikan ako. Hingal ako ng tumigil sya. May sinusupil na syang ngiti ng harapin nya ako. Sinimangutan ko sya at inirapan.

“Palibhasa alam na alam mo na hindi ko kayang magalit sayo. Palibhasa alam na alam mo kung paano ako suyuin. Wag munang ulitin yon.”

“Yes mahal let’s stop pretending let them now about us. Im ready to introduce you on my mom. Iloveyou.” Nakangiti akong tumango at yumakap sakanya.

InkOvernight

Isang napaka laking sana all Trisha HAHAHAHAHA

Imagination SeryeTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang