IMAGINATION SERYE 6

19 9 6
                                    

"Ano bang ideal man mo?" tanong sa akin ng kaibigan ko.

"Hmmm. . . Gusto ko yung kaya akong ipaglaban, varsity player, matangkad, palangiti, mabait, masipag, friendly, walang bisyo, sweet gusto ko yung ituturing nya kong prinsesa nya at sya naman ang prinsipe ko na laging nasa tabi ko." sagot ko naman at bumalik sa pagbabasa.

"Eh bes saan tayo hahanap nyan?" sabi nya. Kaya napatingin naman ako sakanya.

"Wala naman akong sinabing hanapan mo 'ko." sagot ko.

"Ay nako bess tatanda kang dalaga nyan eh. Puro libro na lang kase ang inaatupag mo." sabi nya pa.

"Aba para sa iyong kaalaman binibini ako ay 19 years old pa lamang at malayo pa sa señiorcitizen." sagot ko naman sakanya.

"Oh bessy chill kalang. Sinasabi ko lang naman." tinignan ko na lang sya at itinuon ko na lang ang aking sarili sa pag babasa.

Kinabukasan naman ay nakasalubong namin ang mga player ng school papunta silang field kami naman ay pabalik nasa room. May napansin naman akong nakalingon sakin kaya tinignan ko ito. Ang captain ng basketball player ng school. Bigla naman akong namula kaya mabilis akong napayuko.

"Hoy bess gusto mo yun no si Drake ung captain ng basketbball team. Nako bess madami kang makaaagaw dyan kaya mag ready kana." sabi nya sakin. Crush at first sight ba tawag dito?

"Pano mo naman nasabi na crush ko yung captain ng basketball team?" Ani ko. Nag kibit balikat lang sya bilang sagot

Intrams namin ngayon at may laban ang engineering department at ang architect department.

"Oy bess tara dun tayo sa court dun gaganapin ung laro" hatak nya kaso hindi pa kami nakaka layo ay may sumigaw na saamin.

"Ms. Seira at Ms. Danica kayo sana ang gusto kong maging watergirl ng grupo natin sa basketball mamaya" sabi ni Prof sa amin.

"Ah Prof sige po." pumayag naman kaagad 'tong si Danica palibasa nandun yung crush nya.

"Ah eh ayos lang ba sainyo na kayo na mamili ng gatorade nila. Naubusan kase ang canteen ng gatorade." Ani ni prof.

"Ah san po ba ung pambili." Agad na sabi ni Danica

"Eto" inabot niya sa amin ang isang libo. Agad namang tinanggap iyon ni Danica at hinilla ako palabas ng school.

Pumunta kami sa grocery store at pinapanood ko lang sya habang nag babayad. Pag kayari namin sa counter ay bumalik na kami. Dumiretso na kami sa court at nag sisimula na sila at lamang ang engineering team.

Tinignan ko naman kung sino ang mga nag lalaro shemayy engineer pala si Drake. Puro sigawan ang maririnig mo at tilian ng mga babaeng taga hanga ni Drake.

"Oh dito na kayo pumuwesto ah abutan nyo sila mamaya 5mins na lang mag bibreak na sila alis nako ha?" sabi ni Prof at umalis na nakatingin lang ako sa mga nag lalaro habang si Danica ay sigaw ng sigaw nakaka bingi na. Pasakan ko kaya bunganga ng babaeng to ng matahimik.

Maya-maya ay nag break na sila kaya inabutan namin sila ng gatorade si Danica iniwan nya naman ako at nakipag daldalan sa ibang player.

Bigla naman akong nakaramdam ng gutom kaya napahawak ako saking tiyan. Naramdaman ko naman na may tumabi sakin pero hindi ko pinansin dahil naka tuon ang atensyon ko saking tiyan na gutom.

Maya-maya ay nag simula na ulit ang laro at bandang huli ay nanalo pa di ang engineering team sa galing ba naman ni Drake mag shoot.

Kaya punong puno ng hiyawan ang buong court habang si Drake naman ay sinabitan ng medal kase sya ang mvp. Si Danica naman iyun lumalandi inaantay ko lng matapos sila at aalis na din agad ako. Dahil gutom na gutom na talaga ako mabilis ang lakad ko palabas ng court.

Muntik na akong masubsob ng biglang may malakas na pwersa ang humila sakin pabalik. Pag harap ko ay si Drake ang bumungad sakin.

Bigla naman akong nakaramdam ng pag kailang dahil sa mga taong nakatingin samin. Hinila nya ako papunta sa kotse at isinakay.

"Your friend told me that you like me. Is that true? Hmm?" Namamawis naman akong tumayo at hinawakan ang aking tyan.

"She also said to me about your ideal man. And i think its all me. Huh?" sabi nya pa. Ang daldal talaga ni Danica. Kinagat ko naman ang aking ibabang labi.

"Should i start courting you then?" Ani nya at nag simulang mag maneho. Mariing naman akong tumango.

"Pwede bang idaan mo'ko sa malapit na restaurant or kahit sa street foods. Doon na lang ako baba." Nahihiyang sabi ko at isinandal ang katawan ko.

"Hungry?" Tanong nya habang mariing nakatingin sa daan.

"Very." Mahinang sagot ko. May inabot naman sya doon sa may likod ng sasakyan nya. Tobleron!

"Eat this. I'll find a restaurant so you can eat."

Araw-araw syang may pakulo sa school ilang buwan din syang nanligaw sa'kin. At ngayon kami na tuwing may laro sya lagi akong nandun sinusuportahan sya. At kada matatapos ang laro at he always kiss my forehead and hug me. Saying that im his charger.

InkOvernight

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Imagination SeryeWhere stories live. Discover now