IMAGINATION SERYE 19

5 4 0
                                    

Napangiti ako ng mareceived ko ang order ko from online. Isa iyong dress at yung isa naman ay ang magnetic frame na inorder ko din. Iyon kasi ang ipapangregalo ko sakanya.

Dali-dali kong sinukat ang dress medyo masikip iyon at fit din sakin. Mahaba din sya at may slit, napahawak ako saking tyan at pinagmasdan ang itsura ko sa salamin. Hindi naman ako ganun kataba at hindi rin ganun kapayat. Sakto lang medium size lang ang sukat ko.

Bumuntong hininga ako at nag desisyon na hubadin na lang iyon. Mag papants na lang siguro ako at tyaka tshirt. Oo, pwede na yon. Sunod kong binuksan ang magnetic frame at inayos iyon.

Nilagyan ko iyon ng dried flowers at nang nga leaves din. Pagkatapos ay inilagay ko naman ang best picture naming dalawa. Napangiti ako ng matapos ko iyon. Sana magustuhan nya, nag gawa din ako ng letter para sakanya.

Kinabukasan ay nilabhan ko ang dress at ang sapatos na susuotin ko. Sabi kasi ng mga pinsan ko ay dapat daw naka dress kaya pumayag na lang din ako. Wala na akong magagawa dahil pangalawang beses kona iyon na nabiling dress.

Ang una ay maikli at masikip sa dibdib. Ang sunod ay ang natanggap ko kahapon. Mahaba iyon ay may slit hindi naman sya ganun kasikip kumpara nung una.

Habang kinukusot ko iyon ay napansin ko na may na tanggal na tahi doon sa may likod na parte. Tatahiin kona lang bukas. Sinampay kona iyon at tyaka naglinis naman ako ng kuko naglagay lang ako ng natural sa mga daliri ng aking kamay at paa.

Naligo ako at marahan kong sinuot ang dress at ang heels hindi naman iyon ganun kataas sakto lang. Naglagay lang ako ng kaunting blush on at liptint at sa may mata na din. At kinuha ang regalo ko naglagay lang ako ng headband sa buhok ko.

Basa pa iyon kaya bagsak na bagsak pa. Sumakay na ako ng tricycle at pumunta doon sa venue after ng ilang minuto ay nakarating na ako agad. Debut iyon ng aking boyfriend na si Hakken. Mayaman sila habang kami ay nasa gitna lang.

Sa school lang din kami nagkakilala at madami ding mga babae ang nahuhumaling sakanya. Kapag minsan ay nakaka tanggap ako ng mga hate comments kapag nag popost ako ng picture namin o di kaya naman ay angry reaction sa my day ko.

Alas otso pa naman ang simula pero marami naring tao. Karamihan ay ang mga kabatch namin sa school at kaibigan ng mga kaibigan nya. Pumuwesto ako doon sa may pinaka sulok. Maya-maya ay unti unti nang napupuno ang buong venue. Dahil mag aalas otso na din.

Umalis muna ako para pumunta sa cr dahil nakaramdam ako ng kaba. Nagtanong tanong muna ako kung saan ang cr at agad ko din namang nahanap. Pumasok kaagad ako at umihi tinignan ko din ang sarili ko sa salamin. Maayos pa naman ang make up ko kaso lamang ang buhok ko ay hindi na.

Medyo buhaghag ang buhok ko dahil may curl iyon. Naglagay ako ng vitress hindi ko na natapos ang paglalagay ko ng may magsalita.

"Oh? What are you doing here?" Agad kong nilingon iyon at nakita ko si Stephanie ang number one na baliw na baliw kay Hakken. Kasama nya ang tatlo nyang mga alipores.

"Did Hakken invite you?" Tanong ng isa nyang alipores.

Hindi ako sumagot at tinignan lamang sila.

"Look at those hair. Are you not combing your hair or what? Wala ka bang pampasalon para ipaayos yang buhaghag mong buhok? How poor." Ani ni Stephanie.

Imagination SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon