IMAGINATION SERYE 16

4 3 0
                                    

Nandito ako ngayon sa photo shoot ng boyfriend ko para sa magazine dahil model sya ng isang brand. Its a luxury brand at madami silang napiling model meron ding mga babaeng model na inaayusan at iba pang mga lalaking model. Medyo malayo sya sakin dahil nasa unahan sya at sa gilid ako nakaupo. Maya-maya ay natapos na silang ayusan at nagsimula na, group photo muna at sumunod ay isa isa na sila. Pagkatapos ay by partner naman sila.

"Next, Andy and Gab," pumalakpak ako ng tawagin ang pangalan nya. Nakapwesto na sila sa gitna at ang photographer ay sinasabihan sila kung ano ang dapat gawin. "Dapat maipakita nyo ang chemistry nyong dalawa. One, two, three go pose!"

Magkadikit ang noo nila at nakangiti habang nakatitig sa isa't isa. Hindi ko alam ngunit nakakaramdam ako ng selos at inggit. Kailan kaya magiging ako yon? Kailan ko din kaya sya makakasama sa isang photo shoot?

"Iniisip mo na sana ikaw na lang yon no?" Napatingin ako doon, isa itong babaeng may katandaan na at naka suot ng uniform ng katulong. "Naku, ineng ang mga katulad nating katulong ay walang lugar sa mga ganiyang bagay. Ang mayaman ay para sa mayaman ang maganda ay para sa gwapo. Tayong mahihirap ay para lang din sa mahihirap." Aniya at binuntutan pa iyon ng tawa.

"Siguro nga ho," mahinang naibulong ko. Siguro nga ganun talaga ang buhay. Ang mayaman ay para sa mayaman. Tinignan ko ulit sila ng isang beses, bago tumingin saking relo. Alas tres na duty kona sa pagiging janitress dito sa mall.

Inilapag ko ang bag na dala ko na may laman na damit nya at tyaka binilhan kona din sya ng biscuit at tubig. Ibinilin ko iyon doon sa matanda at lumabas na. Pumunta ako sa staff room at nagpalit ng damit, nagkaroon ng problema doon sa isang gripo sa lababo doon sa ground floor kaya doon ako inaassign. Naglagay ako ng out of order na sign para wala ng pumasok at maayos kona iyon agad. Marunong naman akong gumawa ng ganito dahil naituro ito sakin ni Papa.

"Excuse me did you see the girl wearing a pink shirt sitting here?" I asked the one who's wearing a maid uniform since sya ang nakita kong katabi ni Lhyka kanina dito.

"Ah yung katulong nyo po ba? Ay umalis na po kanina pa po," Nagdilim ang paningin ko at mariin syang tinitigan.

"She's not my maid she's my girlfriend." Mariing sagot ko. Nanlalaki ang mata nya at nakaawang pa ang bibig nya.

"Girlfriend nyo po iyon sir?! Akala k—"

"Mali ka ng akala," mariing sabi ko at dinampot ang bag na dala namin. Dumiretso ako sa cr at nagpalit ng damit. Nilabas ko din ang baon naming biscuits at tubig. Combie her favorite and skyflakes.

"Ay Gab ito na yung meryendahin mo hindi ka mabubusog dyan sya tinapay lang!" Ani ng baklang in charge sa shoot na ito. Kinuha nya ang tinapay na hawak ko at iginaya ako paupo at inilapag ang beanery na pagkain. Sinundan ko ng tingin ang hawak nyang tinapay at tubig ko. Idiniretso nya iyon sa basurahan. Naputol ang pag tingin ko ng may tumawag sakin

"Sir nandito na po iyong girlfriend nyo!" Malakas na sabi ng katulong kanina dahilan para magtinginan silang lahat. I smiled and get up

"Oh? Girlfriend nya pala yon akala ko ay katulong nya."

"Oo nga akala ko nga din."

"Anong nangyari bakit ganun ang itsura nya?"

"Is she wearing a janitress uniform?"

"Pawis na pawis tyaka bakit ang baho?"

Nawala ang ngiti ko sa mga narinig ko. Sabi kona eh dapat hindi na lang ako pumunta dito. Lahat sila ay nakatingin sakin at hinuhusgahan ako.

Pilit akong ngumiti at nagsalita. "A-ah hindi nya po ako girlfriend, janitress po ako dito sa mall naligaw lang po ako kasi bago lang po ako. Pasensya na po," ani ko at yumuko at mabilis na tumakbo palabas. Nagbabagsakan din ang luha ko. Dumiretso ako sa rooftop at doon ko binuhos ang mga luha ko.

Bakit pa kasi ako pumunta doon? Tapos naka uniform pa akong pang janitress? Gusto ko lang naman syang makita. Nakita ko din ang pagtapon nung bakla sa biscuits na dala ko. Sabagay ano ba naman yung 7pesos na combie at skyflakes at 10pesos na tubig ko sa beanery na pagkain? Wala pa nga sa kalahati eh.

"What the fucking hell did you guys said?!" Galit na sigaw ko. "You all make my girlfriend fucking cry!"

"So it's true that she is your girlfriend?" Nanlilisik ang mata kong tinignan si Maya.

"Yes, she's my girlfriend at ano naman sainyo kung ganun ang trabaho nya at itsura nya?!"

"Why her there's so many girls out there that you can get why her?" Tanong ni Andy.

"Why her? Its because of her attitude, her smiles, her laugh, her silly stories, her weird faces, it's because her. I love the girl that you all insulted! This things is bullshit, I will cancel my contract for this brand. I don't need this!" Kinuha ko ang gamit ko at ang biscuits na tinapon. I glared everyone inside the studio. Someone tried to stop me but no you insulted the girl I love the girl who push me to accept this shoot. I tried calling her phone but she's not answering. Rooftop!

Ikinalma ko ang sarili ko at ipinikit ang mata ko. I'm so tired kahit na kakapasok ko pa lang at nag gawa lang naman ako ng gripo, kahit na umupo lang naman ako don sa photo shoot. Napadilat ako ng may maramdaman akong tumabi sakin.

"Why did you denied it?"

"Kahit naman sabihin ko na girlfriend mo ako hindi naman sila maniniwala." Ipinikit ko ang mata ko ng mariin.

"Quit this job, kaya kitang buhayin hindi mo kailangang magtrabaho."

"Bakit nahihiya ka ba kasi girlfriend mo'ko tas janitress lang ako?"

"No, hindi kita kinakahiya bakit naman kita ikakahiya? Wala akong paki sa trabaho mo mahal kita iyon ang mahalaga."

"Eh, bakit mo ako pinapatigil sa pag tatrabaho?"

"Ayokong mapagod ka, kaya naman na kitang buhayin. Ako na lang mag tatrabaho satin alagaan mo na lang yung mga kuting natin."

"Hmm,"

"Wag muna ulit gagawin yon? Itatanggi mo ako na boyfriend mo ako, ayoko non mahal."

"Uwi na lang tayo," sagot ko at tumayo. Tumayo din sya at sumunod sakin. I quit, kinuha ko ang lahat ng gamit ko at umuwi na kami. Naligo muna ako at ganun din sya. Nahiga ako sa tabi nya at mahigpit na yumakap sakaniya. Ilalaban kona 'to bahala na.

InkOvernight

If I remember it clearly, sinulat ko 'to nung gabi na gusto kong umiyak like nag seself pity ako. HAHAHHAHA kaya sorry if iiyak kayo damay damay na to.

Imagination SeryeWhere stories live. Discover now