IMAGINATION SERYE 12

17 6 0
                                    

Meron akong boyfriend na gamer. Lagi syang sumasali sa mga contest sa school o kaya naman contest sa barangay. Madalas silang panalo dahil parehong magagaling ang mga kakampi nya.
 
Nag lalaro din ako pero hindi ko masasabing kasing galing ko ang boyfriend ko. Sakto lang marunong akong gumamit ng mga iba’t ibang hero sa laro.
 
One time ay nag away kaming dalawa dahil sa buong araw na yon ay hindi nya ako kinausap o tinanong man lang kung kamusta ako. Hindi rin sya nag sabi sakin, papayagan ko naman syang mag laro basta sana ipaalam nya sakin. Para hindi ako mukang tanga na nag aantay sakanya.
 
Hindi man lang nya ako sinuyo o kahit ano. Binuksan ko ang ml ko at nakita kong nag lalaro sya. Pinuntahan ko ang game history nya para tignan kung sino ang kasama nya sa pag lalaro at nakita kong may kasama syang babae sa limang game. At dalawa lang sila Angela yung babae at Ling yung gamit nya. Parehong maganda ang standing nila sa bawat laro.
 
Naka live sya sa ml kaya pinindot ko iyon para makanood at mag kalaro nga ulit sila. Mag comment kaya ako?
 
Sweet: Kaya pala hindi ka nag rereply sakin kasi busy ka.
Sweet: Busy ka sa iba.
 
Panigurado akong nababasa nya ang mga comment ko. Hinaplos ko ang dibdib ko para maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Nag exit na ako sa live nya at pinatay ang cellphone ko. Tulala lang ako habang ang isang kamay ko ay marahang tinatapik ang dibdib ko. Napatingin ako sa cellphone ko ng biglang tumunog iyon at tumatawag si Jacob. Pinatay ko iyon.
 
Message!
 
Binuksan ko ang cellphone ko at tinignan iyon.
 
Jacob: Ml.
Jacob: Pag natalo ka pwede bang hiwalayan mona ako?
 
Sunod-sunod na tumulo ang luha ko dahil doon. Sakit naman non
Pinunasan ko ang luha ko at nireplyan sya.
 
Ako: Okay, thankyou sa lahat.
 
Reply ko at nag bukas ng ml. Ininvite nya agad ako kaya inaccept ko na agad. Pinili ko si Leslie at maya-maya ay nag simula na. Si Ling ang gamit nya. Nag farm lang ako at pinpatay ang mga minions. Habang nag pafarm ako ay bigla syang sumulpot at inatake ako triny ko ding lumaban pero mas malakas sya kaya napatay ako.
 
Limang beses nya na akong napapatay samantalang ako hindi ko pa sya napapatay. Na push na din ang mga tore ko. Sure na panalo na sya kaya hinayaan kona ang mga minions nya, talo na din naman ako kaya para saan pa. Nanlaki ang mata ko ng bigla syang mag surrender. Wtf!
 
Sinusubukan ko syang ichat pero hindi sya nag rereply o kahit nag siseen. Binitbit ko ang cellphone ko at nahiga sa kama ko. Inilapag ko iyon sa tabi ko habang nag aantay ng reply ni Jacob. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako sa pag aantay ng reply nya. Nagising na lang ako ng maramdaman kong may yumayakap sa bewang ko. Inaantok akong nag dilat ng mata at nakita ko si Jacob.
 
Mabilis akong bumangon at ganun din sya.
 
“Anong ginagawa mo dito sa kwarto ko? Sinong nag papasok sayo?” sunod-sunod kong tanong. Hinawakan nya ang braso ko at marahan akong hinila papalapit sakanya tyaka yinakap ako. Kinakalas ko ang braso nya ngunit hindi ko makalas dahil hinihigpitan nya lalo.
 
“Sorry baby. Si Ate Myca yung kalaro ko nag papasama sya mag pa rank up.” Bulong nya. Hinampas ko ang dibdib nya dahilan para dumaing syang. “Ouch!”
 
“Gago ka! Pwede mo namang sabihin sakin, bakit hindi mo sinabi?” Naluluhang tanong ko. “ Tapos sabi mo kapag natalo mo ako mag hihiwalay tayo. Tarantado ka!” sigaw ko sakanya.
 
“Sorry na baby as if naman na tataluhin kita. Lagi ka kayang panalo sakin.” Imbis na kiligin at sinamaan ko sya lalo ng tingin.
 
“Gago ka!” kinuha ko ang kamay nya at kinagat iyon.
 
“Ouch! Baby naman bampira kaba nung past life mo?” daing nya. Inirapan ko lang sya at tinignan ang kamay nyang kinagat ko. Pinunasan ko iyon at hinalikan, nakatitig lang sya sakin ng mariin.
 
“Iloveyou,” ani ko at pinatakan sya ng halik. “Wag munang uulitin yon!” dagdag ko.
 
“Opo, iloveyoutoo may game ako next week sa Manila. Sasama kita papaalam kita kay Tita at Tito.” Tumango ako at niyakap sya.
 
“Binilhan kita ng mcdo at tyaka ng jollibee namili din ako ng jollibots diba gusto mo yon.”
 
“Bakit namili kapa sa mcdo tapos jollibee sana sa mcdo na lang or jollibee,” ani ko.
 
“Ayos lang mahal naman kita.” Ani nya.
 
“Loveyoutoo,” sagot ko. Pinatakan ko sya ng halik at kinuha ang binili nya.
 
“Cuddle tayo after?” tumango ako sakanya bilang sagot.

InkOvernight

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Imagination SeryeWhere stories live. Discover now