IMAGINATION SERYE 9

16 7 2
                                    

"Kailan mo ba kase ako ikakacrush back Klint?" sigaw ko nasa field ako eh nag lalaro sila Klint mah labs!

Wala naman nakapansin sakin kase puro sigawan din naman. Nang matapos na ang laro nila Klint umalis nako ang dami kasing linta sa field. Nag iinit yung ulo ko!

Kakapasok ko pa lang ng room at ang aga-aga pa. Ako palang ang tao sa room namin kaya pumunta muna ko sa upuan ni Klint at umupo doon. Habang iniimagine ko ung future namin yahh kinikilig ako.

Maya-maya pumasok si Klint sa room kaya napatayo kaagad ako at umalis sa upuan nya.

"Sorry." sabi ko nakita ko naman sya na naka tingin lang.

Anak ng tokwa nakakahiya yun nakita nya kaya na nag blush ako hala nakaka hiya yun. Whaaaa! hanggang ngayon nandito lang ako sa upuan ko hindi ako maka moved on sa nangyari kanina.

First time yon shit! Naamoy kopa ung pabango nya ahhh!

"Ms. Wayne ayos ka lang ba kanina kapa naka yuko dyan ahh?" tanong sakin ng teacher ko.

"Ayos lang po ako Maam. Puwede po ba akong mag cr muna?"-sabi ko. Tumango naman sya kaya kaagad akong tumakbo palabas muntik na akong madulas. Mabuti na lang hindk natuloy kundi sakit ng katawan nanaman dahil sa sariling katangahan

Pumunta naman ako sa cr at nag hilamos para mawala ung pamumula ko. Pero shit ayaw nyang mawala kinapa ko naman ung bulsa ko. Yess! Buti na lang nasa bulsa ko pa yung liptint ko.

Buti na lang di ako nag palit ng palda ko. Nanghingi naman ako ng pulbos namigay naman kaagad si ate. Inayos nya din yung lagay ng liptint sa may pisnge ko para mag pantay yung pula.

Bumalik naman ako sa room. "Ms. Wayne anong ginawa mo sa cr? Ang tagal mo ata?" Tanong ni Maam. Hindi naman ako kaagad naka sagot.

Napansin ko namang nag lingunan yung mga kaklase ko sakin. Sus! Ako lang ito

"Ang ganda mo pala pag naka liptint Wayne." Sabi ng isa kong kaklase. Nahihiya naman akong ngumiti.

"Oh! Liptint din ba yang nasa pisnge mo? Naks ang ganda ah." Sabi naman ng isa pa. Mahina naman akong natawa

"Try mo daw tanggalin yang ipit mo Wayne." Sabi ni Ash. Kunot noo naman akong nag tanggal ng ipit at bumagsak ang mahaba kong buhok.

"Pöta! Ang cute!" Sabi ng isa kong kaklase pa.

"Salamat. Sorry po Maam kung natagalan ang dami po kasing tao sa cr." Sagot ko kay Maam.

Tinignan ko naman ulit yung mga kaklase ko halos lahat sila naka tingin sakin.

Ngumiti naman ako at umupo na habang yung ibang kaklase ko naman tingin ng tingin sakin. Ngayon lang ba kayo nakakita ng dyosa sa planetang earth.

After  7 hours passed. . .

"Class Dissmissed see you tomorrow." sabi ng aming teacher sa huling subject para sa ngayong araw.

Mabilis namang nag silabasan ang mga kaklase ko. Taeng tae umuwi amp! Cleaners pa ako nako naman ako mag lalock ng room jusme.

Nag simula naman ako mag linis ako na lang at si Erika Klint at si Jake. Yung mag jowa nag susweetan pa sa gilid mga kadiri. May napapadaan naman dito hindi naman kami yung dulo.

Pag harap ko naman biglang bumulaga si Klint.

"Ah, Klint pwede bang umalis ka dyan hindi kopa nawawalis ung kalat dyan." Sabi ko. Ayokong humarap sakanya nahihiya ako baka makita nya na nag bablush ako.

"Sa susunod wag kang mag liliptint at mag lalagay sa pisnge mo" sabi nya. Kaya napa tunghay naman ako sa sinabi nya

"P-pangit b-ba?" Utal-utal na tanong ko. "Sige hindi nako mag lalagay ng ganto. Sabi ko at ngumiti tinuloy ko naman yung ginagawa ko.

"Ayoko ng nag gaganyan ka daming tumitingin sayo gusto ko ako lang" ani ni Klint.

Nabitawan ko naman ung walis napatingin naman ako sakanya.

"Hala seryoso kaba?" namumulang tanong ko. Sheesh! Sana hindi nya mahalata

"Tsskkk.. akin ka lang tanggalin mo na yang ayos mong yan lahat ng dumadaan tumitingin sayo. Im starting to get irritated." seryosong sabi nya.

Hindi kona napigilan napangiti na lang ako pag daan nya sa gilid ko. May naalala naman ako kaya agad akong nag salita.

"Ikacrush back mo na ako?" tanong ko sakanya.

"Matagal na kitang kinarush back" sabi nya at nag lakad palabas.

Waahh! Bye ma im getting married.

InkOvernight

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Imagination SeryeWhere stories live. Discover now