IMAGINATION SERYE 3

25 11 2
                                    

Napangiti naman ako ng pumasok bigla si Chase ang aking long time crush. Sinundan ko naman sya ng tingin hanggang sa maka upo sa doon sa may upuan nya. Napaka gwapo mo talaga sabi ko sa isip ko habang tinititigan ko sya, lumapit naman yung isa kong kaklase sakanya si Angelica kaya napa irap ako.

Eto pag hindi to dumistansya sa bebe Chase ko dadalaw to ng ospital napa simangot naman ako ng bigla silang mag tawanang dalawa. Iniiwas ko naman yung tingin ko at kinuha yung cellphone ko sa may bulsa ng palda ko. Napangiti naman ako ng bumukas yung lockscreen ko na nakalagay yung picture nung abs ni Taehyung ackk, marry me na kasi charot.

 

“Madiiiiiiiiiiiiiii!” sigaw ni Ascella. Nakuha nya naman lahat yung attention nung nasa loob ng room namin. Mabilis naman syang tumakbo papunta saken hinihingal pa sya ng makarating sya sa pwesto ko.

“Anong problema mo Ascella sumisigaw kapa nakakahiya ka.” sabi ko sakanya. Ibinaba nya naman yung bag na dala-dala nya tyaka binuksan ito at may kinuha syang magazine.

“Ano yan?” turo ko doon sa magazine nya na may cover na mga damit at mga colone. Member ba to ng avon? Natasha? Personal Collection? Umupo naman kaagad sya sa tabi ko.

“Matutuwa ka dito hiningi ko to doon sa kuya ko kasi diba nag momodel sya.” sagot nya. Huh?

“Huh? Anong connect ng kuya mo sa magazine na yan?” sabi ko.

 

Mabilis nya namang binuklat yon nanlaki naman yung mata ko ng makita yung mga nanduon sa magazine mga picture ng mga artistang naka hubad at kitang kita yung mga abs. Shessh ang yummy impit naman akong napatili ng makita ko yung picture ni Derek duon sa may magazine.

 

“Balik mo doon sa may page 13 daliii.” sabi ko. Binalik nya naman agad yung sa may page 13.

“Sheesh ang hot talaga ni Derek.” sabi ni Ascella at hinahawak hawakan ba yung 6packs abs ni Derek. Mabilis ko namang hinampas yung kamay nya at sinamaan sya ng tingin.

“Fine sayo na nga pero pwede namang share tayo diba?” sabi nya pa.

“No. Hanap kana lang ng iba dyan sa may magazine.” sagot ko at hinawakan yung abs ni Derek na nanduon sa may magazine. Tinignan namin lahat ng nanduon sa magazine na mga artistang lalaking modelo. Impit naman kaming napa sigaw dahil ang hahot ng mga model na nanduon kung pwede lang iuwi yon ay iuuwi kona ang lahat ng mga model doon.

 

Nagulat naman ako ng biglang may humablot ng magazine na hawak ni Ascella, napa tayo naman kaagad kami ni Ascella at humarap doon sa humablot. Nanlaki naman ang mata ni Ascella ng makita nya si Andrei ang humablot nito ang crush/boyfriend nya. Nasa likod naman nya si Chase na masama ang tingin sakin napalunok naman ako dahil don.

 

“Oy ano yan?!” sigaw naman ng isa pa nilang kaibigan at kinuha sa kamay ni Andrei yung magazine. Nanlaki naman yung mata nya dahil don tapos nilipat lipat nya pa yung page nung magazine.

“Madison Andrea Reyes explain.”-sabi ni Chase sa malamig na tono. Shit!

“Uh a-ano lang yan u-uh.” shit kinakabahan ako. Napatingin naman ako sakanya tinaasan nya lang ako ng kilay.

“Ma-magazine lang yan.” sabi naman ni Ascella na kabado din dahil sa sama ng tingin na ibinibigay sakanya ni Andrei. Huminga muna ako ng malalim para mawala yung kaba ko bago nag salita.

“Magazine lang yan nung mga model.” diretsong sabi ko at nag iwas ng tingin.

“Anong ginagawa nyo sa magazine.” tanong naman ni Andrei na masama pa din ang tingin kay Ascella.

 

“Uh nag titingin ng mga abs ng mga model?" sagot ni kinakabahang si Ascella. Hinawakan naman sya ni Andrei at hinila palabas ng room.

“Tskk. Look at me.” sabi ni Chase kaya napatingin naman kaagad ako sakanya. Nagulat naman ako ng bigla nyang itaas yung polo nya dahilan para makita yung abs nya. Mabilis naman akong nag takip ng mata at pumikit shit 6packs abs tapos ang puti pa ng tiyan nya heaven.

Tinanggal nya naman yung mga kamay ko na naka takip sa may mata ko at nilagay yon sa may abs nya napa tingin naman ako sa paligid ko. Nakita ko naman yung mga kaklase kong babae na nakatingin din sa may abs ni Chase mabilis ko namang hinila yung polo nya na nakataas at yinakap sya para lalong matakpan yung katawan nya.

 

Pinanlakihan ko naman sila ng mata kaya sabay sabay silang nagsi iwas ng mga tingin. Hinawakan nya naman yung kamay ko tyaka hinila ako palabas papuntang parking lot.

“Aano ba tayo?” tanong ko habang hila hila nya pa din ako. Pumunta naman kami doon sa may kotse nya at pinasakay ako ng maka upo ako ay nilagyan nya ako ng seatbelt tapos umikot sya papuntang driver seat.

“Iuuwi na kita, kapag naka uwi na tayo wala kang ibang gagawin kundi titigan ang abs ko hanggang sa manawa ka.” sagot nito. Nag init naman yung pisngi dahil doon sa sinabi nya pero why not?

InkOvernight

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Imagination SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon