IMAGINATION SERYE 7

19 8 0
                                    

"I told you napaka epal mo kasi!" naiinis na sigaw ko kay Drake. Sinamaan nya lalo ako ng tingin kaya sinamaan ko din sya ng tingin.

"Talaga ba sana ikaw na lang gumawa!" sagot nya sakin pabalik. Nakaka bwisit 'tong lalaking to ah sinusubukan nya talaga ang pasensya ko.

"Eh dapat ako na lang talaga nag insist kapa mali tuloy bwisit ka!" sabi ko at nilapitan sya at hinampas yung dibdib nya.

"Guys stop na kayo okay na yon tyaka mukang maaga naman tayong papauwiin ngayon. Mag relax relax na lang tayo kapag pinauwi na tayo. Okay lang yon guy's mababawi pa natin yon may grade naman den tayo sa effort at tyaka ayos naman yung performance natin."-sabi ni Clay yung president ng room.

Napatingin naman ako sa labas madilim na nga at nag babadya na yung ulan nagulat naman ako ng biglang kumidlat. Napatingin naman ako kay Drake na naka tingin lang din sakin ng masama.

Maya-maya naman ay bumuhos na ang ulan sinasabayan pa ito ng pag kidlat mas lalong dumilim yung paligid dahil sa lakas ng ulan.

Lumiliwanag lamang ito kapag kumikidlat, napatalon naman ako kay Drake ng biglang kumulog ng malakas. Napa pikit naman ako dahil sa takot nag sunod sunod naman ang pag kulog ng malakas dahilan ng pag higpit ko sa hawak sa kanyang polo.

Ipinulupot nya naman ang kanyang braso sa aking bewang at tyaka binuhat ako. At nag lakad sya palabas habang buhat-buhat ako. Hindi ko alam kung saan nya ako dadalhin hindi na rin naman ako makapag reklamo dahil sa takot.

Pinaka ayoko talaga ang pag kulog okay lang na kumidlat at umulan ayoko lang makakarinig ng kulog. Dahil sa tuwing kumukulog na didinig ko ang sigaw ni Mama na humihingi ng tulong nuong minsan kaming nilooban nung bata pa ako.

Pag katapos makuha nila ang mga gamit namin ay pinag sasaksak nila si Mama dahil pinipigilan sila ni Mama na kunin ang paborito kong camera. Naalala ko pa ang mga hikbi ko sa loob ng cabinet habang pinapanood si Mama kung paano ito mawalan ng buhay.

"Hey." tawag ni Drake sakin. Mahinahon na ngayon ang boses nya hindi kagaya kanina nung nag sisigawan kami.

"O-oh?" mahinang sagot ko.

"Do you want to go home?" malambing na tanong nya saakin. Home, i wish i have home, mabilis naman akong umiling after my Mama and Papa died i don't have any home.

"Do you want to go to my place?" bigla namang kumulog ulit ng malakas kaya humigpit lalo ang kapit ko sakanya.

"Okay, im taking you in my place. Don't worry." sabi nya pero nanatili lang akong naka pikit at nakayakap sakanya. Wala akong ibang maisip kundi ang matakot.

Naramdaman kona lang na parang may pinasukan kami dahil naka ramdam ako ng lamig ng aircon. Hindi ko alam kung paano kami nakarating sakanyang lugar.

"Were here." binaba nya naman ako sa kama pero hindi ko padin inaalis yung pag kakayakap ko sakanya. Tinanggal nya naman yung kamay ko sa pag kakayapos sakanya ikinalma ko ang aking yung sarili at tinanggal yung sapatos at tyaka id ko.

Sinarado nya naman yung mga kurtina hindi na rinig sa loob ng kwarto nya ang lakas ng ulan pati ang kulog. Lumapit naman sya ulit saakin ng matapos sya.

"Mag luluto lang ako para maka kain tayo. Kung gusto mong maligo or mag palit kuha kana lang sa cabinet ko ng damit." sabi nya at tinalikuran ako. Pumasok naman ako sa cr at tyaka naligo pag ka tapos ko namang maligo ay nag bihis nako.

Maya-maya din ay pumasok na sya at may dalang pag kain nag simula naman kaming kumain. Ng matapos kami ay niligpit nya na yon at tyaka naligo naman sya, nahiga naman ako at tyaka natulog na.

Nagising na lang ako ng maramdaman kong may mabigat na naka dagan sakin kinusot kusot ko naman ang mata ko at tyaka tinignan iyon. Nakita ko naman si Drake na mahimbing na natutulog at naka yakap sakin.

Tinapik tapik ko naman yung pisnge nya para magising sya maya-maya ay dumilat na sya.

"Ah you're already awake." sabi nya at hinigpitan pa yung yakap nya sakin. "I don't like what did you do to me yesterday love." sabi nya. Muka syang batang inagawan ng candy dahil sa itsura nya, natawa tuloy ako.

"And now you're laughing me. Im your baby don't laugh at me love." maktol nya kaya lalo akong natawa. Pinisil ko naman yung pisnge nya at tyaka hinalikan yung tungki ng ilong nya.

"Im sorry iloveyou." i said then i smiled to him.

"Iloveyou too. Im your baby right?" tumango naman ako at tyaka yinakap sya. Yes Drake is my boyfriend, my home, my life.


InkOvernight

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Happy 1month Imagination Serye on Wattpad!🥳

Imagination SeryeWhere stories live. Discover now