IMAGINATION SERYE 13

14 6 1
                                    

Nandito kami sa bahay ng isa naming kaibigan ngayon si Anne wala kasi ang parents nya kaya dito kaming lahat para samahan sya. Sinabi nya din naman iyon sa parents nya at pumayag naman ang magulang sya namili pa nga ito ng mga pagkain para samin.

Nanonood lang kami ng tv dahil hindi kami makalabas dahil sa lakas ng ulan. Tabi tabi kaming mga babae habang ang mga lalaki naman ay nasa lapag. Si Ann ay katabi nya ang boyfriend nyang si Justin. Si Lyka ay katabi nya ang boyfriend nyang si Angelo. Katabi ko naman ang aking crush/enemy, hindi ako gumagalaw o kahit anong kilos manlang dahil nahihiya ako.

Sinabi kasi nila na may gusto ako sakanya kaya nahiya na din akong makipag usap sakanya. Nag simula ding mag bago ang pakikitungo nya sakin. Naging malamig iyon at palaging galit sakin. Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari edi sana hindi kona lang sinabi sa mga kaibigan ko para hindi rin mag bago yung pakikitungo mo sakin. Tahimik lang ako sa buong oras na panonoood namin, paminsan minsan ay pasimple ko syang pinagmamasdan. Seryoso lamang syang nanonood.

Tumayo ako at hinawi ang kumot na nakabalot sakin dahil naiihi na ako. Mabilis akong umalis sa sala at dumiretso sa cr para umihi. Pag balik ko ay maingay na sila nag tatawanan na sila at may naririnig pa akong tuksuhan naririnig kong inaasar nila si Mae at si Tristan ang aking crush.

“Hoy hindi ko naman crush si Tristan wag nga kayong ganyan!” natatawang tanggi ni Mae pero pulang pula naman ang parehong pisnge nya.

“Sus hindi daw pero nag lasing nung hindi pinansin,” kantyaw ni Ara. Sana all, tumalikod ako at pumasok ng kwarto para kunin ang cellphone ko. Pumunta ako sa may likod ng bahay nila at tinulaka ang sliding door doon at lumabas. Idinial ko ang number ni Mama para kamustahin sila.

“Kamusta ma?” bungad ko at isinahod ang kamay ko sa patak ng ulan.

“Ayos lang kami anak wala naman masyadong tumutulo kasi tinapalan na ng Papa mo kahapon. Mag enjoy ka lang muna dyan,” sagot ni Mama napangiti naman ako dahil doon. Nag tagal ng ilang minuto ang pag uusap namin ni Mama bago ko iyon pinatay. Pinatong ko ang cellphone ko sa may upuan at parehong itinapat ang kamay ko sa ulan. Malalaki ang patak ng ulan kaya mabilis na nabasa ang aking kamay.

Napalingon ako sa may daan nang marinig doon ang ingay. May mga batang nag sisimulang mag tampisaw doon at ang iba naman ay mga naka bike. Pabalik balik sila sa may daan, napangiti ako doon ay mabilis na pumasok sa kwarto. Nakasalubong ko pa doon si Mae na kalalabas lang ng cr.

“Oh saan ka galing?” tanong nito.

“Sa likod lang,” sagot ko at mabilis na itinago ang cellphone ko sa bag.

“Aano ka? Bat ka nag mamadali dyan?” tanong nya ulit.

“Sa likod lang ako,” mabilis kong tinanggal ang aking ipit at hinayaan na bumagsak ang aking mahabang buhok.

“Gusto ko talaga yang buhok mo ang haba tapos bagsak pa.” ani nya.

“Pahaba ka din,” tanging sagot ko at iniwan sya doon. Dumiretso ako doon sala at binuksan ang pintuan.

“Aano ka? Umuulan Ell,” ani ni Ann. Tumango lang ako at kinawayan sya.

“Ell!” tawag ni Lyka. Mabilis akong lumabas ng gate at lumapit doon sa mga bata.

“Hello ate ganda!” bati nung maliit na batang babae. Lumapit naman ako sakanya at pinisil ang pisnge nya.

“Hello baby bakit ka naliligo ng ulan baka mag kasakit ka nyan?” ani ko.

“Eh ikaw din naman po eh,” nakangusong sagot nya. Basang basa na agad ako at bumabakit din ang kulay ng bra ko sa kulay puti kong damit dahil basa na.

Imagination SeryeWhere stories live. Discover now