IMAGINATION SERYE 5

23 10 0
                                    

“Love cuddle” sabi ko habang bina back hug sya. Ipinatong ko ang aking baba sa kaniyang balikat at pinatakan sya ng maliit na halik sa balikat. Baka sakaling balingan niya ako, pero tuloy pa din siya. Aww

“Loveeeeeee hoyyyyy!” sigaw ko sakaniyang tainga pero no effect padin.

Tuloy pa din ang pag tatype nya doon sa may laptop nya, inalis ko ang pag kakayap ko sakanya at humiga na lang ulit.

Edi kung ayaw nya edi wag bwisit!

Kinuha ko ang akingcomforter at nag talukbong. Ipinikit ko naman ang aking mata para sana matulog na, pero biglang nag ring ang kaniyang cellphone. Mabilis kong inalis yung comforter sa katawan ko para makinig don sa usap nila.

Nag init ang ulo ko ng bigla syang mag lakad palabas ng aming kwarto at tyaka sinagot ang tawag.

Nag ngingitngit ang aking kalooban ng tumagal pa siya ng limang minuto sa labas. Really, it most be importand and very confidential that im not allowed to here that.

Inis akong bumalik sa pag kakahiga at yinakap ang aking unan. Late na nga umuwi tapos kapag dating dito sa bahay nag tatrabaho pa din. Hindi na kami nakaka pag cuddle lagi syang busy sa kaka trabaho.

Nahinto naman ang pag iisip ko ng biglang tumunog ang cellphone ko, sino namang pashneya ang tatawag ngayong alas dose ng madaling araw? Tinignan ko naman yung caller id nakita ko naman yung bunso ko yung kapatid kaya agad ko itong sinagot.

“Hello baby?” bungad ko.

“Ate sama kaba mag swimming daw tayo.” tanong nito.

“Saan daw ba yun baby ha?” tanong ko ulit.

Wow hindi nya talaga hinintay na mag umaga na lang para tumawag.

“Sa may resort daw nila ninong eh sabi lang ni Papa kanina.” sagot nito.

Nanlaki naman ang aking mata ng bigla n'yang kinuha ang aking cellphone l at niloud speaker ito. Sinamaan ko naman sya ng tingin pero sinamaan nya din ako ng tingin pabalik. Psh!

“Sige baby. Kailan daw?” tanong ko ulit habang hawak nya ang aking cellphone at nakikinig.

“Update na lang kita ate bye loveyouu ate!”  huling sabi ng bunso kong kapatid at pinatay na yung tawag. Nag mamadali amp!

“Ano daw yon?” tanong nya naman pero inirapan ko lang sya at kinuha yung cellphone sa kamay nya.

“Kausapin muna lang yung laptop mo don. Late kana nga umuuwi tapos kapag uwi mo dito nag tatrabaho kapa din. Sana hindi kana lang umuwi dito. Tutal parang wala naman din akong kasama sa bahay nato.” sabi ko at inirapan sya. Hmp!

Bigla nya naman akong siniil ng halik, sinusubukan ko syang itulak pero hindi sya natitinag kaya hinalikan kona lang din sya pabalik. Bumaba naman ang halik nya mula saking labi pababa saking leeg at sinisipsip niya pa ito.

Napa daing naman ako ng mahihina dahil doon sa ginawa nya, hinalikan nya pa ulit ako sa labi bago sya tumigil. Tinulak ko naman kaagad sya at tumakbo papunta sa may salamin, nakita ko naman na puro kissmark na yung leeg ko pababa sa may dibdib ko. Binalingan ko naman sya at sinamaan ng tingin.

Fucker!

“That’s what you get.” simpleng sabi niya.

“Arghh! Pano na lang kapag sa isang araw na yung outing ha?! Edi hindi ako makakapag suot ng bikini?” inis na sabi ko sakanya. Ngumisi lamang siya kaya nainis ako lalo.

“Tssk! Edi hindi ka sasama o kaya naman sasama ka pero mag susuot ka ng rash guard?” nang-aasar na sagot niya.

“Huh? Rash Guard? Seryoso kaba ano ba ko bata ha?! Hindi naman ako bata!”-inis na sigaw ko sakanya.

Naka ngisi pa din siya at bumalik sa pag tataype sakaniyang laptop. Kainis! Padabog akong nag lakad papunta sa aming kama at nahiga ulit.

Sinubukan kong matulog pero hindi pa talaga ako inaantok kaya naman lumapit naman ako sakanya at umupo doon sakaniyang kandungan at yinakap sya.

Pinatakan ko naman ng maliit na halik yung dibdib nya at pasimpleng sinisipsip, huminto naman ako at tinignan yung dibdib nya kung may kissmark na din at meron na nga. Lagyan ko kaya sya sa may leeg nya? Pero hindi sya makakapasok kapag nilagyan ko sya sa leeg nya.

Baka pagalitan sya ni Papa kaya wag na lang. Kinuha ko naman yung cellphone nya don sa may gilid at pinicturan yung dibdib nya tapos nag picture lang ako at ibinalik ulit. 

“Matagal pa ba yan?” inip na tanong ko. Tumango lamang sya nihindi man lang nya ako tinignan. Aww

Umalis ako sa pag kakakandong sakanya at lumabas ng kwarto namin. Mag luluto na lang ako tapos kakain, nag madali naman akong bumaba at pumunta sa may kusina. Nasa kalagitnaan naman ako ng pagkain ko ng may yumakap sakin mula sa likuran

"After mo mag cuddle na tayo. Im already done on my laptop. Sorry for that love, iloveyou." Malambing na bulong niya at pinatakan ako ng halik saking pisnge.

Nag init naman agad ang aking buong mukha doon at mabilis na tinapos ang pagkain

InkOvernight

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Imagination SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon