IMAGINATION SERYE 4

29 9 2
                                    

"Mika babalik naman ako" sabi ng boyfriend ko saken.

"Pero ang tagal naman nun 4years" sagot ko naman. Ang lungkot lang na aalis sya kase dun na sya pag aaralin. Pano naman ako dito sa pilipinas kakayanin ko ba yon? Pano pag nakahanap sya ng iba? Pano na ako aasa lang bako sa wala? Sunod sunod na ang ginawang pag patak ng aking luha.

"Shhhhh, wag ka ng umiiyak babalik ako dito pag katapos kong mag-aral. Kaya dapat mag-aral ka din para pagbalik ko papakasalan na lang kita. Tapos gagawa na tayo ng pamilya natin. Basta hintayin mo ako." Alo niya sakin. Isang mahigpit na yakap ang ibinigay nya sa akin bago ako iwan dito sa aking tinitirhan.

Iintayin kita dahil nangako ka sana lang ay tupadin mo. Bulong ko sa hangin bago ako hilahin ng antok dahil sa pagod ko sa pag iyak.

Habang tumatagal ay nasasanay narin akong wala akong James na nasisilayan sa bawat araw na gigising ako. Kaya ngayon itinuon ko na lamang ang lahat ng aking attention sa pag aral.

Apat na taon na ang nakalipas simula ng umalis si James at nag aral sa ibang bansa ito rin ung araw na nag paalam sya sa akin naalis sya. Isa nakong Teacher sa paaralang pinapasukan namin noon ni James.

Alaskwatro na ng hapon ng matapos ang pag tuturo ko sa mga bata.

"Mam Mae may naghahanap po sainyo nasa labas po sya ng school" sabi sa akin ng isang istudyante ko. Kaya binilisan ko naman ang pag lilipit. Nakaramdam ako ng kaba ng mapansing ako na lang ang naririto saming hanay kahit maaga pa.

Nag madali ako paglabas ng aming building. Nang makarating ako sa harapan ng school ay sinalubong ako ng maraming tao. Kaya naman pala, walang tao sa hanay namin nandito sila.

Bigla namang humawi ng makita ako ng lahat kaya nag lakad naman kaagad ako para makita ko kung ano ang pinag kakaguluhan nila sa gitna.

Nagulat naman ako ng makita ko ang lalaking pinapangarap ko. Ang lalakinglinaka mamahal ko. Nandito na sya sa ngayon sa harap ko yinakap ko naman kaagad sya dahil miss na miss kona sya.

"James ikaw na ba talaga to ang laki na ng pinag bago mo ahh" sabi ko habang hinahawakan ko ang kamay nya.

"Ako pa rin to yung James na minahal mo at yung James na mahal na mahal ka diba sabi ko naman sayo na babalik ako" yinakap ko na lang sya.

Maya-maya may bigla syang tinuro kaya napalingon ako dun biglang may bumagsak na lobong may tela at biglang bumukas.

Mas lalo akong napaiyak at napaharap sakanya nakaluhod na sya sa ngayon.

"Mae Alonzo will you marry me?" seryosong tanong nya.

"Oo naman James papakasalan kita" sabi ko.

Bigla naman syang napatayo at mahigpit na yinakap ako. "Sabi ko naman sayo papakasalan kita pag kabalik ko eh" bulong niya.

Nag sigawan naman ang lahat ng tao sa paligid namin. At sabay sabay sinabing Congrats! Mam Mae kasabay ng pag palakpakan ng lahat.

Natupad ang pangarap kong pakasalan ang taong mahal ko. Kahit pag layuin ng tadhana kung kayo ang itinadhana kahit ilang taon at buwan pa ang lumipas pag kayo laging may paraan.

InkOvernight

°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•

Grrr! Ang cringe

Take Note; Matagal na po itong oneshot na ito. At napag tanto ko po na ang cringe ko po :p HAHAHHAHAHHAHA peace✌

Imagination SeryeWhere stories live. Discover now