IMAGINATION SERYE 18

4 3 0
                                    

"Edi dun kana! Sya naman talaga gusto mo hindi ako! Pasensya kana sumingit ako ha!" Pagalit na sabi ko at nagtalukbong ng kumot.

Narinig ko ang problemado nyang buntong hininga bago nagsalita. "Hays, away nanaman" ani nya.

"Wag kang mag alala susuyuin kona lang ang sarili ko!" Pasigaw na sabi ko. Wala akong narinig na sagot mula sakaniya kaya ibinaba ko ang kumot at sinilip sya. May kausap sya sa cellphone nya at naka ngiti pa talaga! Talaga lang ha!

Bumangon ako at sadyang binangga ang balikat nya at tyaka lumabas. Naiinis ako kaya magluluto na lamang ako. Parang gusto ko ng nachos, hinanap ko ang mga kailangan ko bago naghiwa at isinalang ang baka. Binuksan kona lang din ang TV, manonood na lang ako. Naghiwa ako ng bawang at sibuyas tapos naglagay ako ng cheese at sa ibabaw naman ay ang baka. Umupo na ako sa sala at tyaka naghanap ng pwedeng panoorin sa Netflix, My Neighbour Totoro ang napili kong panoodin.

Naramdaman kong tumabi sya sakin ngunit hindi ko ito pinansin. Bahala sya!

"Ayan kaya ka tumataba eh kain ka ng kain"

"Wow, kailangan ba dapat sexy lang ako? Hell no, kung ayaw mo sakin dahil mataba ako edi iwan mo'ko!" Sagot ko at inirapan sya. Umiling sya bago nagsalita ulit.

"Hindi ko sinabi yon, dahil katawan mo lang ang gusto ko. Mabuti nga yan kumain ka ng kumain eat all the foods you want chubby or not. I'll still love you, your size won't matter to me as long as I love you." Mahabang sagot nya.

"At anong akala mo madadala mo ako sa paganiyan-ganiyan mo? Syempre, oo! Palibasa kasi alam na alam mo kung paano ako kunin!" Tumawa sya at yinakap ako.

"Bango mo," ani nya habang sinisinghot ang leeg ko.

"No, tumigil ka nakadami kana kagabi tama na yon!" Masungit na sabi ko.

Tumawa ulit sya. "Sabi ko nga," sagot nya at hinalikan ang pisnge ko. "Available na daw yung stuffed toys na gusto mo. Let's buy it now!" Bulong nya. Mabilis kong nilapag ang nachos at hinila sya patayo.

"Why tomorrow let's buy it now! I want it now!" Excited na sabi ko.

"Silly, it's already 12 midnight closed na sila." Natatawang sagot nya. Napanguso ako at yumakap sakaniya, yinakap nya ako pabalik.

"I love you baby,"

"Love you too!" Sagot ko at kinagat ang balikat nya.

"Ouch!"

"Sorry sadya!"

InkOvernight

Isang napaka laking sana all po para satin🙇‍♂️

Imagination SeryeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon