1

63.2K 1.9K 245
                                    

RYEE

      NAKATITIG LANG AKO NGAYON dito sa lalaking napulot namin nila Pooh Day. Parang bata itong nakaupo sa upuang kahoy habang ngumangata ng lollipop.

Kalalabas lang niya ng Hospital at dito ko siya dinala sa amin, hindi pwedeng kila Pooh o Iska dahil baka gahasain nila ito. Buti nga at may pera ito sa jacket niya kaya may naipambayad kami sa Hospital eh.

"Ryee sino yan!?" Gulat na tanong ni Kuya Ryan ng makapasok siya ng bahay. "Nobyo mo?"

"Napulot ko ang lalaking yan." Sagot ko at nilingon siya. "Anong binili mong ulam?"

"PayDay namin ngayon kaya syempre binili ko ang paborito mo, pritong manok." Sagot nito. "Si Nanay at Rychee?"

"Nasa kusina, naghahanda ng hapunan." Binalingan ko ulit ng tingin si Pogi. "Hindi mo ba talaga alam Pangalan mo?"

Ngumuso ito at umiling.

Patay, paano ko ito ibabalik sa kanila? Saan ako magsisimula para mahanap mga kamag anak nito?

"Ilan taon kana?" Tanong ko

Tinaas namin nito ang isang kamay niya at pinakita ang limang daliri. "Five, sabi Mommy ko five daw ako."

"Ryee, hindi mo pala kilala bakit dinala mo dito?" Nilapitan ni Kuya Ryan si Pogi. "Hoy ikaw, magnanakaw kaba? Anong motibo mo samin!?"

"Kuya, kumalma ka, aning yan."

"Ryee, baka nagpapanggap lang itong lalaking ito." Hinila nito sa kwelyo si Pogi. "Umalis kana."

"Mommy." Bigla itong ngumawa. "Aaway mo ako?"

Natigilan naman si Kuya at napaawang na lang ang bibig. Tinulak ni Pogi si Kuya at tumakbo palapit sakin.

"Aaway niya ako." Ngawa nito at kumapit sa laylayan ng damit ko. "Bad siya."

"Hoy Ryan, bakit pinapaiyak mo ang bisita natin?" Dumating ang machine gun kong Nanay. "Hindi kana naawa."

"Nay, hindi naman natin kilala ang isang yan eh!" Inis na sabi ni Kuya Ryan. "Baka mamaya kapahamakan pa ang dala satin ng taong yan."

"Kuya, hahanapin ko din Pamilya nito sa ngayon dito muna siy–"

Napatigil ako sa pagsasalita ng kumulo ang tiyan ni Pogi, napatingin ako dito, nakanguso ito habang tumutulo ang uhog.

"Salahula mo!" Pinunasan ko ang sipon nito gamit ang suot niya. "Gutom kana?"

Tumango ito.

"Gutom na pala ang pogi na yan, halika sa kusina." Hinawakan ito ni Nanay sa braso at hinila patungong kusina.

Kalande ni Nanay.

Sumunod na lang kami sa kanila.

"Wow chicken!" Ngumiti ng malawak si Pogi at pumalakpak.

Nagsandok na lang ako ng kanin at kumuha ng ulam, syempre hinatian ko si Pogi dahil kulang ng isa.

Napangiwi na lang ako dahil sa paraan ng pagkain ni Pogi, kalat kalat ay parang bata talaga.

"Ano ba yan!" Inis na tinipon ni Kuya ang pagkain nito. "Kumain ka nga ng maayos, para kang bata."

"Kuya astang bata yan." Sabi ko. "Sabi ng Doctor dahil daw sa pagkakabagok eh."

Mahina akong napatawa ng subuan na lang ni Kuya Ryan si Lollipop, lollipop na lang itatawag ko sa kanya tutal lollipop agad ang sinabi niya pagkatapos niyang ngumawa kanina sa Hospital.

"Sa tingin ko mayaman yang si Pogi." Sabi ni Rychee. "Tingnan mo yung balat, maputi at makinis, ang gwapo din niya."

Alam kona yan. Amoy mayaman din kasi siya

Nang matapos kaming kumain ay naglatag na kami sa sala, banig lang ang higaan namin, hindi uso sa mga mahihirap na kagaya namin ang foam.

"Dito ka mahihiga." Tinuro ko ang tabi ni Kuya Ryan. "Naiintindihan moba ako Lollipop?"

Nakangusong tumango ito. "Wash wash body ako."

"Kaya mona yan, sige na maglinis kana sa banyo, ihahanap kita ng damit na kasya sayo." Sabi ko pero umiling ito at ngumuso. "Hindi kita pwedeng linisan."

"Ako na maglilinis sa kanya." Singit ni Nanay

"Magtigil ka Nanay, wag kang malantod." Masungit na sabi ni Kuya Ryan. "Ako na ang bahala sa aning na ito."

"Kuya wag mong lunurin yan, wala kaming pamyansa."

Umirap lang ito bago hilahin si Lollipop papasok ng banyo, nagtungo ako sa damitan ni Kuya Ryan. Kumuha ako ng t-shirt doon na itim, kumuha din ako ng boxer at short.

Mukang kailangan kong bilhan ng mga gamit si Lollipop

Maya maya pa ay lumabas na sila Kuya, napaawang na lang ako ng bibig ng makita ang hubad na katawan ni Lollipop, putok na putok ang muscles at may walong abs.

Magtigil ka Ryee, lalaki ka din!

"I-Ito yung damit." Inabot ko yung damit kay Kuya Ryan.

Kinuha naman niya ito at sinimulang bihisan ang damit, nakaiwas lang ako ng tingin dahil hindi ako komportable.

"Bango na ako." Tuwang tuwang sabi ni Lollipop at tumalon talon.

"Wag kang tumalon baka bumuka yung sugat mo." Saway ko dito.

Nakangusong tumango naman ito bago tumabi sakin.

"Ang pangalan mo ay Lollipop." Sabi ko dito. "Ako naman si Ryee okay ba?"

"Ryee.." ngumiti ito ng sobra, yung labas gilagid. "Ryee, Lollipop." Nilingon nito si Kuya. "Kuya Ryan.." lumingon ito kay Rychee. "Chee." Lumingon ito kay Nanay. "Nanay."

"Magaling."

"Magaling ako.." Pumalakpak ito. "Bibigyan mo ba ako Lollipop Ryee Ryee kasi magaling ako?"

Kinuha ko naman sa bulsa ko ang nag iisang lollipop na binili ko at binigay sa kanya.

"Buksan Ryee Ryee."

Natawa naman ako at binuksan iyon tsaka sinubo sa kanya.

Tuwang tuwa naman ito kaya napangiti na lang ako.

Hindi naman siguro nakakahawa, kaaningan ng isang 'to diba?

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon