29

35.6K 1.3K 67
                                    

RYEE

    "MA'AM, SA CONFERENCE ROOM NA PO TAYO." Sabi ni Nathalie.

"Ah, yes." Tumayo ako at sinuot ang blazer ko.

Nauna kong lumabas, kasunod ko naman si Nathalie at Iska. Huminga muna ako ng malalim bago pumasok ng conference room

May mga taong nakaupo doon, karamihan ay may edad na.

"Good morning CEO." Bati nila

"Good morning." Dumiretso ako sa upuan ko. "I'm Ryee Ingrid the daughter of Jefferson Ingrid."

"Where's Jefferson?" Tanong ng isang matandang babae

"Something's happened to him." Sagot ko lang. "I know y'all have doubt on me but I will sure that I'll do my best to my work. I won't ruin this company."

"I don't have trust in you." Sabi ng isang matandang lalaki. "I heard sa squatter ka lumaki? How can we trust in you?"

"So? If you don't have trust in me then I don't care. Do you think I will let my father's company down?" Inirapan ko siya. "Laking squatter ako pero hindi ako bobo."

Hindi na sila nakasagot kaya tumayo na ako.

"Kung may sasabihin pa kayo just come to my office."

Dire diretso akong lumabas ng conference room, mga letcheng matanda na yun.

"Nathalie, I need some copy of document in first floor team." Sabi ko dito. "Iska, go to sixth floor I need the copy of their documents too."

"Yes Ma'am." Sabay nilang sagot.

Bumalik ako sa office ko, tinapos ko ang proposal para sa turkish ambassador na kaibigan ni Tatay. Sabi ni Kuya, mahalaga yun kaya kailangan kong paghandaan.

Sobrang dami kong ginawa, saktong lunch na ng matapos ako.

Lumabas ako ng office at nadatnan ko si Nathalie at Iska na nag-chi-chikahan, mukang magka-vibes na.

"Iska, Nathalie lunch tayo sa jollibee libre ko." Sabi ko. "Tutal, after lunch makikipag-meet naman tayo kay Mr. Carter."

"Bet ko yan." Masayang pumalakpak si Iska. "Tara na Nathalie."

"Sige po Ma'am!"

Sumakay kaming tatlo ng elevator, agad kaming lumabas ng bumukas ito. Nagsiyukuan ang mga empleyado ng makita ako.

"Kain na kayo, mamaya na ang work." Sabi ko sa mga ito.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Bayhag ng mapagbuksan kami nito ng pinto.

"May meeting ako." Sagot ko. "Kain kana muna."

"Sige, Ingat kayo!"

Tuluyan kaming lumabas ng company, sakto namang huminto ang sasakyan ko. Sa front seat samantalang sa back seat yung dalawa.

"Saan kami magkikita ni Mr. Carter?" Tanong ko kay Nathalie

"Sa isang Chinese Restaurant po." Sagot nito. "Nakalimutan ko po name nung restaurant pero alam ko po kung saan."

Napatango lang ako.

Huminto kami sa jollibee, bumaba kami at pumasok. Syempre kasama ko yung driver namin

Umorder kami bago umupo.

"Salamat Ma'am sa libre." Sabi ng driver ko

"It's okay." Tugon ko. "Kapag ginutom ko kayo baka manlata kayo."

Natawa lang sila.

After naming kumain ay dumiretso na kami sa restaurant na sinasabi ni Nathalie. Pagpasok namin ay nadatnan namin doon si Ezar at isang lalaki, parehas seryoso ang muka.

"Sorry for waiting." Seryosong sabi ko at umupo sa kaharap niyang upuan. "Nice to meet you Mr. Carter, I'm Ryee Ingrid."

Nilahad ko ang kamay ko, agad naman niya akong kinamayan.

"I order a food, let's eat." Sabi nito

Napatingin ako sa mga pagkaing nasa lamesa, kung alam ko lang na papakainin niya ako, hindi na ako kumain ng jollibee.

"Pwede ba itong ibalot?" Mahinang tanong ko dito. "Sayang naman, ikaw kasi hindi ka nag-text na papakainin mo ako, yan tuloy kumain na ako!"

Natawa ito. "Ipapabalot ko para sayo, iuwi mo sa pamangkin ko."

"Sabi mo yan ah?" Tumango ito. Tumikhim ako at sumeryoso. "Nasan na yung proposal? Pirmahan kona agad."

"You should read my proposal first, what if masama pala nakasulat don?"

"Sus, may tiwala ako sayo kahit muka kang laging papatay."

Nailing lang ito bago iabot sakin ang isang papel na agad kong pinirmahan.

"Hanggang ngayon ba wala kapa ring balita sa kanila?" Tanong ko

Umiling ito. "Babalitaan kita kapag meron na."

Napahinga na lang ako ng malalim. "Wag na, siguro tama si Rychee. Sumuko na lang din ako dahil hindi ko talaga mahahanap ang taong ayaw naman magpahanap."

"I will find them for you."

"Pabalot mona ito." Pag iiba ko ng usapan. "Iinitin kona lang mamaya sa bahay."

"Okay."

Tumawag ito ng isang waiter at pinabalot ang mga order niyang hindi nagalaw.

"Salamat dito." Nakangiting sabi ko sa kanya. "Bisita ka naman kapag may time ka."

"I will." Kumaway muna ito bago sumakay ng sasakyan niya.

"Yan na lang jowain mo." Sabi ni Iska. "Wala naman yung kapatid kaya diyan kana sa kapatid."

"Gaga, mas gusto ko sa Aning kesa sa mukang papatay."






A/N:  NEXT CHAPTER LILITAW NA SI ARCHER AT TATAY JEFF

Mafia Obsession: Archer Carson [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon